Monday, July 12, 2010

Kangaroo Jack


Magkikita kita ang tropa ni payat sa SM North and naisipan nyang isama ako dahil medyo takot sya maligaw sa North. May konting salo salo daw ang tropa nila dahil nakapasa sa board exam ata yung isang friend nila. Hindi na ako masyadong nagtanong ng detalye kay payat dahil parehas na kami antok dahil galing kami sa opisina.

Kumain muna kami ni payat sa Gateway kase medyo gutom na kami kahit kainan din yung pupuntahan namin. Pero dahil sa parehas na kami hilo, umorder nalang kami ng burger at dumiretso na sa MRT.

Pagdating namin sa Kangaroo Jack ay nandoon na ang mga tropa nya at parang kami nalang ang inaantay para maka order na sila. At dahil sa medyo busog na kami ni payat, isa nalang ang inorder namin at hati na kami. Inorder namin ang Spare Ribs at ang drinks naman ay tower ang inorder ng aming mga kasama.

Tender and juicy ang meat ng pork, hindi sya half cook at manamis-namis ang lasa ng sauce. Dahil umiral ang katamaran ni payat magslice, inutusan nya akong mag slice ng meat para sa kanya. Nanghihina na daw kase sya sa antok, wosus if i know, tinatamad ka lang talaga.. wahihihi LOL peace tayo payat.


Eto naman ang tower ng red ice tea nila at nagustuhan ko ang lasa. Hindi sya masyadong matamis at hindi naman sya matabang. Panalo pamatid uhaw sa pagkain.


Naghati nalang din kami ni payat sa isang glass dahil hindi naman kami uhaw na uhaw, medyo lang.


Paumanhin sa mga kaibigan ni payat at pinost ko ang larawang ito. Hindi naman ata kayo magagalit lahat naman kayo maganda sa picture ^_^




2 comments:

  1. nakakagutom ang pics! ma-try nga dyan pag-uwi ko sa pinas. :)

    ReplyDelete