Saturday, July 10, 2010

North Park



Walang makakapigil samin ni payat na maglakwatsa kahit bumabagyo o bumabaha. Dahil noong nagcrave ako ng Yang Chow ng North Park, kahit baha na sa daan ay gora padin kami from Tondo to Makati Ave.


Giniginaw kami parehas ni payat dahil basang basa ang pantalon namin at sobrang lamig ng aming mga paa.

Inorder namin ay Salted Calamares, Yang Chow syempre at Sweet and Sour Pork. My libreng house tea kaya hindi na kami umorder ng drinks para tipid. Kay payat ay tubig lang dahil hindi sya mahilig sa tea. Ako nasanay na ako uminom ng mga pinakuluang dahon dahil sa mommy ko.

Gustong gusto ko ang Yang Chow ng North Park dahil maraming sangkap, kahit hindi na umorder ng ulam ay solb ka na. Pang 2-3 person ang isang serving ng Yang Chow rice nila kaya hindi namin naubos ni payat at may tinake out pa kami.

Ang Salted Calamares ay tinimplahan ko ang sawsawan na suka. Nilagyan ko ng maraming maraming chili paste para maanghang at para ganahan kami lalo kumain.

Sweet and Sour Pork na sinasawsaw ko sa chili paste para umanghang.. hahahah weird ko ba?

Andae naming tira kaya madae akong pinabalot at pinasalubong sa mommy ko. At syempre kunwari galit galitan ang mommy ko kase ang gastos ko daw puwede naman kumain nalang sa bahay at kung bakit umabot pa ako sa Makati kahit bumabaha para lang kumain ng fried rice. Pero kunwari lang na nagalit sya dahil habang pinagsasabihan nya ako ay sinasalin nya ang pasalubong ko sa mga pinggan at niyaya na nya ang tita ko dahil kakain na sila at masarap ang hapunan nila sabay tawa ang mommy ko sa sinabi nya. Hihihi.. ang cute cute lang ng nanay ko

3 comments:

  1. nagutom ako bigla sa iyong entry at parang gusto ko na kaagad makauwi ng pinas!

    ReplyDelete
  2. Hello NoBenta, parehas tyo kapag nakikita ko ang mga pictures at naaalala ko ang YangChow nagugutom din ako.. hihihi.. Salamat sa pagbisita ^_^

    ReplyDelete
  3. favorite ko noodle soup nila esp. the one with mushrooms :D

    ReplyDelete