Wednesday, July 21, 2010

Conti's Mango Bravo Part 2


Kahapon ay naikwento ko kung paano kami napadpad sa Conti's. Meron nga pala nag react sa entry ko dahil nung una ay sabi ko sa Greenhills then biglang Greenbelt. Paumanhin sa mga naguluhan, meron po sila sa Greenhills at yun ata ang first branch nila at meron din sila sa Greenbelt2. Eto po ang entry ko kahapon: Conti's Cake and Pastry.

Itutuloy ko ang aking kwento,...

After naming kumain, syempre hinding hindi puwedeng kalimutan ang pasalubong sa aking mother dearest. Pumunta kami sa counter at pinicture-an ang refrigerator nila. Akala ko nga magagalit sila pero naka smile silang lahat at inaantay ata akong umorder hihihihi ^_^.


Tinanong ni payat kung aabot bang buhay, este frozen ang cake dahil iba-byahe namin ito from Makati to Blumentritt. Ang sabi naman nila ay ISANG ORAS bago matunaw or puwedeng ibyahe ang cake basta HINDI lang MABUBUNGGO, medyo delicate pala ito. So si payat nalang ang pagdadalhin ko dahil bara-bara akong maglakad at walang paki-alam kung may kotse or jeep na bubunggo sakin dahil alam kong hihintuan nila ako. Sa ganda ko ba namang ito hindi nila ako maaatim na hintuan.

Ang malaking Mango Bravo ay Php 900 at ang maliit ay Php 480. Kung mapapansin nyo sa picture ay malaki ang malaking size ng cake nila. (medyo magulo ata ang aking pagkaka describe, basta literal na malaki).


Inorder kong pasalubong ay ang small nilang cake, PERO ang small nilang cake ay MAS MALAKI pa sa normal na cake ng Red Ribbon at Goldilocks. So imaginin nyo ang malaking size ng Mango Bravo. MALAKI SYA!!


So ayan, ayan na sya, kakalabas lang sa refrigerator parang tabingi na. Siguro nung ginagawa sya eh medyo naglolondon bridge is falling down na sya.





Ayan, si payat pinagdala ko at feel na feel nya ang paglalakad sa Greenbelt habang my bitbit na Conti's cake. Tinawagan ko ang mommy ko at tinanong kung naka ready na ang aming freezer para sa aking pasalubong. At excited akong sinagot ng mommy ko na: "Syempre pinaghandaan ko ata yang gintong cake na pasalubong mo". (kaya nya tinawag na ginto dahil mahal daw).

Dahil takot kami ni payat na matunaw ang cake, kahit nuknukan ako ng kuripot, di bale ng mag jeep at matrapik wag lang mag taxi AY NAPATAXI ako ng DI-ORAS para lang jan sa cake na yan. Pero umiral padin ang aking kakuriputan, nagpahatid lang kami sa Buendia Station at mag LRT nalang ako hanggang Blumentritt tutal 20 mins lang naman. Bumaba na si payat sa Quirino Station at ako ay dumiretso na pauwi.

Ingat na ingat akong kinandong ang cake habang uuga uga ang tricycle papuntang Tondo. Dali dali akong umakyat sa hagdan papuntang second floor dahil doon kami nakatira ng mommy ko. Ingat na ingat akong inakyat ang paikot na hagdan hanggang makarating sa dulo. Dahan dahan kong binuksan ang unang pinto na may screen tapos binuksan ang pangalawang pinto. Fowtek sumabit ang cake sa pintong screen SHIYEEEET!! Napamura ako ng di oras sa pagbunggo ng cake sa pinto. Pinagpawisan ako dahil baka gumuho ang cake sa loob. Dali dali naming binuksan ang kahon at buti nalang ay intact pa ang cake, hayz. whew..

Nagtuturuan kaming tatlo (nanay ko , tita ko at ako) kung sino unang maghihiwa. Pare-parehas kaming natatakot galawin ang cake dahil pinagka ingat ingatan ko iuwi na parang wala na kaming planong kainin at ipapa-frame nalang at ilalagay sa pedestal. hahahaha ang weird lang namin. Ayun after tatlong slice, doon na gumuho ng kaunti ang cake. Ayan ang storya ng mala gintong cake, ang Mango Bravo ng Conti's. Parang napagod ako magkwento hihihih.. ^_^.

19 comments:

  1. Hehehe :D Hindi yata tamang malake ang ginamit mo eh, dapat mataas lolzz

    napadaan lang po :D

    ReplyDelete
  2. @LordCM: UU nga noh, tamaaaah! ( tunog Kris ) hihihi.. salamat sa pagdaan ^_^ naapreciate ko hihihi..

    ReplyDelete
  3. galing ng blog na to, very down-to-earth. congrats!

    ReplyDelete
  4. i enjoyed reading your blog, very genuine =)

    ReplyDelete
  5. Astig! Nakakatuwa ang blog mo ate :) subscribe ako syo

    ReplyDelete
  6. i enjoyed reading your blog,alala ko tuloy ung friend ko n mahilig gumawa ng blog =) continue to write many blogs =) Godbless!

    ReplyDelete
  7. i enjoyed reading your blog,alala ko tuloy ung friend ko n mahilig gumawa ng blog =) continue to write many blogs =) Godbless!

    ReplyDelete
  8. superduper katawa ka talaga.sarap talaga ya.g gintong cake nayan love it.enjoy writing blogs.goodluck

    ReplyDelete
  9. Been thinking to buy the large one. Pero napaisip ako malaki na rin pala ung MINI sa pagkakadescribe mo, haha. Thanks!

    ReplyDelete
  10. seriously? 480/900 lang price nya? ang nakita ko kase 600+/1200+ yun prices. ano yun depende kaya sa branch?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi, nung year 2010 pa yang price na yan, i guess nag increase na sila ngayon.

      Delete
  11. aabot kaya cia ng buo from katipunan from antipolo?thanks

    ReplyDelete
  12. nakakatuwa ang blog mo ma'am!
    sosyal ka pero humble ka pa din..

    madami ako tawa sa blog mo, lalo na dun sa ( Sa ganda ko ba namang ito hindi nila ako maaatim na hintuan.) hahaha. totoo po yan. pag maganda pinapatawid agad..

    may you tube ka ba? subscribe sana ko.
    na entertain ako sa blog mo eh. heheh

    ReplyDelete