Dati ay uso ang mag pa relax ng hair pero may kamahalan sya. Ang maiksing buhok ay Php 500 at ang mahaba ay inaabot ng libo. Nauso ang rebond at nagmura ang relax, ngayon ay any length Php 500 nalang sya with cellophane treatment ng kasama. At ang rebond nag start sa Php 1500 kapag maiksi. Pinaka mahal na narinig kong rebond ay Php 8000 dahil hanggang bewang ang hair nya. Grabe hindi ko gagastusan ng ganung halaga ang buhok ko, papagupitan ko nalang bago ko mag pa rebond.
Unang rebond ko ay sa X-tenso at ang binayad ko ay Php 4000 kahit hanggang baba lang ng tenga ang hair ko. Kinagandahan naman ay sobrang lambot, shiny and silky ng hair ko. Tin-ry ko lang naman kung ano feeling ng naka rebond ang hair and masaya pala. Pero mabigat ang ganung halaga at matagalang ipunan sya. Second rebond ko ay sa Jun Encarnation na para makamura. Kasama ko nagpa rebond ang ate ko, Php 1500 any length with cellophane treatment ng kasama. Until now ay sa Jun Encarnation main branch parin ako pumupunta kapag magpaparebond ng hair.
Nagpasama sakin si payat sa main branch ng Jun Encarnation sa Tutuban para magpa rebond at naisipan kong magpicture picture para matanggal ang aking boredom.
Gusto ko yung ambiance at interior design ng lugar dahil very relaxing sa mata at pakiramdam.
Eto ang malaking flower display sa gitna ng parang lobby nila, at sa sobrang laki nya hindi mo matatanaw ang mga nakaupo sa couch sa kabilang side.
Eto si payat after lagyan ng chemicals sa buhok at matagal tagal na antayan dahil 4-5 hours ang rebond.
No comments:
Post a Comment