Hey! It's been a long time since my last post. Woops, last week lang pala yung last post ko. Well, I've been very busy these past few days. Walang masyadong gala at lakwatsahan. Nwei, last Wednesday, I went to the hospital for my check up. My last check up was year 2008 pa and the doctor had told me to come back after 3 months. (Teka tagalugin ko na nga lang baka hindi ko mapanindigan ang TagLish ko!) Gee, bumalik ako 2 years na pala ang nakakaraan, tsk tsk tsk Bad Me! Pero wala namang masamang balita kase check up lang yun kung healthy padin ba ako or hindi na dahil sa gabi ako nagwowork.
Flash back...
Malapit ang Chinese Hospital samin, kapag may na-oospital or may sakit, doon kagad dinadala. Pero yung ka-opismate ko sinabi nya na pangit na daw doon and try ko daw ang Metropolitan Hospital. Naisip ko mahal doon and hindi naman ako sosyal.
2008, nagpa check up ako sa Metropolitan at dahil 2 hours pa daw bago lumabas ang result nag miryenda kami ng mom ko. Abah, ang sosyal ng canteen may fine dining, may waiters at may menu. Hindi pa me nakaka pasok sa Medical City, hindi ko pa nakikita ang canteen sa St. Luke's at Makati Med pero i'm sure fine dining din ata sila dahil sosi mga pips dun. Pagpasok sa canteen, on the right side pipila ka tapos ituturo mo kung ano gusto mong ulam and on the left side, doon ang fine dining. Dahil puno ang left side na may mga waiters, doon kami sa right side kung saan pipila para umorder. Syempre dahil karamihan ng empleyado, doctors, nurses at pasyente nila ay Chinese, natural Chinese food ang meron sa canteen. At eto, bagong luto ang mga ulam nila at hindi bagong init. Ang naaalala ko, marami kaming nakain ng mom ko dahil masarap yung ulam nila.
Going back to 2010...
Sabi ko sa mom ko try naman namin ang left side ng canteen, yung may mga waiter. Umupo na kami at lumapit ang waiter sabay bigay ng menu. Habang tumitingin ako ng oorderin, nagsuggest ang waiter kung ano ang best seller nila sa menu. Sinuggest nya Lechon Ampalaya with rice and Tofu Fish Fillet with rice. Actually, hilig ko talaga ang mga Chinese food kase malapit lang kami sa Binondo kaya kapag may kasal or handaan, laging sa Binondo ang kainan.
Eto ang Lechon Ampalaya at extra ang kamay ng nanay ko, see parang kamay ng dalaga wahihihi. Sabi ko sa mom ko, weird na kombinasyon kase yung ampalaya pampadami ng dugo at ang lechon pampataas ng presyon. Wahihihi baka ako lang ang weird mag isip! Pero infairness, bongacious ang lasa, winner!
Pahabol,..
Dapat oorder pa ako ng Hakao at Siomai, eh naisip ko bawal nga pala sa nanay ko ang hipon baka ma high blood.
Eto naman ang Tofu Fish Fillet na parang same lang ang lasa ng sauce ng ulam ng nanay ko. Natuwa ako sa Tofu nila, galing ng pagkakaluto. Golden brown ang balat pero sa loob kasing lambot ng taho. Sabi ng mom ko, yung tokwa parang kagagawa lang kaninang umaga dahil sobrang fresh ng lasa. Tama na nga kakadescribe, nagugutom na ako, wala pa naman akong lunch dito sa opis kundi ang walang kamatayang skyflakes. Hosha hanggang sa muli..
awww... kagutom huhuhu :(
ReplyDeletetry mo gepz luk yuen :)
Ahahahahhahahahahhaha ayos tong "Eto ang Lechon Ampalaya at extra ang kamay ng nanay ko"... ahahahahahahhahahah..panalo! ahahahahhahahaha
ReplyDeletemahilig din ako sa chinese dishes. at ang ganyang luto ng tofu na parang mentos ang dating, panalo para sa akin!! \m/
ReplyDeletenamiss ko ang food mo lakwatsera. :D
ReplyDeleteang sarap dito...
ReplyDelete@jed: sige try ko.. pero sa Binondo din ba un?
ReplyDelete@I am Xprosaic: hihihi.. nakiki extra kase yung kamay ng nanay ko.. hihihi ^_^
@NoBenta: parehas tyo.. masarap kase Chinese dishes.. basta kapag andito ka na sa pinas.. kwentuhan mo din kami ng lakwatsa mo huh..
@khantotantra: welcome back!
@tonio: salamat sa pagbisita ^_^