Sunday, July 11, 2010

One Adriatico Place


Like mother, like daughter kaya kung lakwatsera si anak ay nahahawa ang nanay, hahaha baliktad ba. Ininvite kami ng sister ko sa tinutuluyan nyang condo for the mean time habang nirerenovate ang bahay nila ng asawa nya. Dahil sa wala kaming magawa ng mom ko at medyo nafeel namin ang boredom, naisipan namin mag pictorial. Kunwari ang nanay ko ang model at ako ang photographer.

Eto ang kabilang hotel sa Malate, walang zoom ang camera ko kaya hindi ko ininvade yung privacy nila. Gusto ko lang kuhanan yung swimming pool.


Eto ang emo look ng mom ko, kunwari nakatingin sya sa Manila Bay at tinitignan ang Yachts at nag eemote.

Eto naman ay feeling cover girl ng Working Mom magazine, galing ng mom ko panalo sa posing talaga.


At eto ang posing inside the magazine kunwari working mom talaga at naisipan pang kumuha ng props na netbook. I enjoyed spenting time with my mom kahit ganyan ganyan lang kami ay sulit na sulit talaga.


2 comments: