Entry ko noong June 30, 2010 ang Pasig River Cruise kaya naisipan naming mag PNR naman.
Bumabagyo at bumabaha nung Lunes pero dahil malakas ang trip namin, bumyahe at sumakay parin kami ng PNR train. Taga Tondo ko kaya malapit lang sa Blumentritt station ng LRT at PNR.
Dumating kami ng 4:07PM at hindi namin nahabol ang 4:09 na schedule kaya inantay ang next schedule ng train ang 4:39PM.
Sa kabila ang antayan ng mga papuntang Divisoria kaya tumawid pa kami pagkabili ng ticket.
Sampung Piso ang ticket hanggang San Andres Bukid. Sabi ng Tita ko Kinse Pesos hanggang Sucat.
Eto kami ni payat habang nag aantay kase 30 mins pa ang bago dumating ang susunod na train, photo ops muna.
Sa may female area kami pumasok, ayaw namin makipag siksikan sa pang lalaking area. Napansin ko lang, puro lalaki ang mga nag aabang ng train, siguro takot pa ang mga kababaihan na itry ang bagong train. Sobrang lamig sa loob, malakas ang ulan kaya malamig ang buga aircon.
Meron guard sa tabi ng pinto para kapag may naligaw na lalaki sa entrance ng babae pinalilipat sa kabilang pinto. May sliding door sa gilid ni manong guard na pang separate sa pang babae at panglalaki. Yun nga lang hindi ko nakunan ng picture dahil takot ako sitahin at makuhanan ng cellphone.
Pag dating sa may Espanya walang masyadong sumakay pero pagdating ng Sta. Mesa kala mo may stampede at nagkakagulo lahat ng studyante sa pakikipag unahan na makahanap ng puwesto para makaupo.
At tulad ng nabanggit ko kanina, lahat ng naligaw na lalaki sa female area ay ipinalipat ni manong guard sa kabila. Pinadaan nya sa sliding door sa gilid ng kinatatayuan nya. Pero ang mga senior citizen na lalaki pinapaiwan at pinauupo sa bandang unahan.
Ang mga station na dinaanan namin ay: Blumentritt, Laon Laan, Espanya, Sta. Mesa, Pandacan, Paco at San Andres.
Tinry ko kuhanan ng picture ang train pero mabilis talaga hindi ako umabot kaya ang napicturan ko nalang ang mga payong ng ibang pasahero.
Para sa akin napaka convenient ng PNR train dahil pag pumupunta ko kela payat sumasakay ako ng LRT1 from Blumenttrit to Quirino Php 15. Tapos sasakay ng Jeep simula Quirino dadaan ng Simbahan at eskwelahan ng St. Anthony at palengke kaya sobrang traffic at aabutin ako ng siyam siyam bago makatawid ng Osmena highway. Pero sa train, asa Osmena na kagad. Ang dating 10-15 mins na byahe simula Quirino papunta kela payat 3-5 mins nalang. Astig ang bilis!!
mukang maluwang katulad ng lrt line 2.
ReplyDelete"this pictures WAS TAKES BY ME" ... hehehehe LOL
ReplyDelete