Dalawang yellow polo shirt ang dala ko sa Ilocos Getaway namin. Sinuot ko yung isang yellow polo shirt nung nasa Baluarte ni Chavit at ibinyahe ko papuntang Pagudpud. Ordinary bus lang ang available na byahe papunta dun, so dahil sa natuwa ako sa malamig na hangin na sumasampal sa mukha ko, iniwan kong bukas ang bintana at ninamnam ang sariwang hangin. (Narealize ko na wrong move pala ang ginawa ko nang matapat ako sa puting ilaw, kitang kita sa liwanag ang napaka itim kong shirt, paktay ako sa nanay ko nito pag uwi ng Manila).
Sabi ni Mapanuri, dapat isa sa mga resort ng Blue lagoon kami mag stay pero sabi ni Mang Arnel masyadong malayo sa kabihasnan kaya sinuggest na sa Cathy's Home Stay sa Saud Beach nalang para malapit. Buti nalang nakinig kami dahil mura at maganda yung place. Okay lang kahit walang T.V kase itutulog lang naman ang pagstay namin dun. Sobrang baet ni Ate Cathy, pinag luto ulam at pinag saing nya kami ng kanin para sa hapunan.
Sobrang lakas ng alon akala mo may darating na bagyo, pero normal lang ata sa kanila ang ganyang alon. Hindi masyadong kita dito sa picture yung alon kase ang kinuhanan namin dito yung nagtatagong araw. Nagbabakasakaling magpakita at ngumiti samin ang haring araw bago sya tuluyang mag sun set.
Maraming nag aakalang E-session ang ginawa namin sa Pagudpud, dahil naka ternong damit kami ni Fluffy. Pero hindi po, nag photo ops lang kami at natuwa sa lakas ng alon ng dagat.
Pag gising sa umaga, hirap kaming bumangon sa sobrang lamig ng hangin. Feeling ko nag yeyelo ang tubig, buti nalang napaka bait ni Ate Cathy at pinag init nya ko ng tubig. Hindi kase ako sanay maligo ng malamig baka manigas ako sa loob ng banyo.
Unang pinuntahan namin ang Patapat Viaduct. Medyo naninigas ang panga ko jan, hirap mag smile sa sobrang lamig ng hangin. Marami kaming jump shot pero hindi ko na maisheshare dito kase kita tyan ko sa mga talon ko, lagot ako kay Fluffy kapag pinost ko dito yun.
Next stop sa Agua Grande, medyo lumalakas ang ulan ng huminto kami dito. Nagpray ako na sana huminto ang ulan kase sayang kung hindi namin mapupuntahan lahat ng nakaplanong puntahan. Nakisama naman ang panahon ng umalis kami sa Agua Grande. Entrance Fee nga pala eh P20 pero hindi ko maalala kung nakapag bayad kami kase saglit na saglit lang kami, hindid nga namin nalibot ang lugar.
Next Stop, Timmangtang Rock. Hirap magpapicture dahil literal na nililipad kami sa lakas ng hangin. Wala namang magandang tanawin dito kundi may bato lang naman na parang nahulog sa langit, parang ganun lang pero wala naman ng kakaiba. Dito walang entrance kase titignan mo lang naman yung malaking bato.
Next stop, ang sikat na butas sa bundok, ang Bantay Abot Cave. Medyo may kahirapan pumunta jan sa butas, tulad ng sabi ko kanina, literla na nililipad kami sa lakas ng hangin na parang gusto kaming tangayin papuntang dagat.
Syempre hindi puwedeng walang group picture, naku bakit wala ang Fluffy ko..? Aik sya nga pala kumuha nito, kase naman bakit wala pa si Trayton (Tripod) nitong time na to. Next stop namin, Blue Lagoon pero hindi ko na sinama dito kase hindi kitang blue yung tubig and nanakit binti at hita ko dun, galit na galit ang buhangin sakin. Kapag humahangin tumatama ang maliliit na buhangin sakin, sobrang hapdi sa balat kapag tumama.
Eto ang isa sa paborito kong pinuntahan namin, ang Kabigan Falls. Hindi puwedeng walang tourguide na kasama dito kase posibleng mawala kami sa gitna ng gubat. Si Blogging Puyat ang lakas ng loob hindi magdala ng jacket, sya ang pinaka payat samin pero sya pa ang hindi ginawin. At take note literal na nililipad sya ng hangin, hahahaha.
Ang sabi ng aming tourguide, 30 minutes daw ang aming tatahakin bago makarating sa aming paroroonan. Di bale na, sanay naman ako maglakad ng malayo pero hindi ako sanay lumusong lusong sa malamig na tubig na malakas ang current. Lakad dito, lakad doon, tawid dito, tawid doon, lusong dito, lusong doon, tulay dito, tulay doon, hanggang sa mamanhid at mawalan ng pakiramdam ang binti hanggang hita ko. Namumula at napaka kati ng pakiramdam pero kapag kinamot ko wala akong nararamdaman sa sobrang manhid na ng hita.
Pagdating sa itaas, hayz.. napakasarap pagmasdan ng falls, nakakatanggal ng pagod. Gusto nila magswimming pero sinabihan ko si Fluffy na wag nalang dahil takot ako mainkanto sya or baka may magpakita saming fairy. And sobrang lamig ng tubig baka manigas sya at hindi kami makababa pabalik sa trayk. Konting photo ops muna kami, wala kaming picture ni Fluffy sa falls, nakay Mapanuri pa hindi ko pa nahihingi, picture lang ni Jepot ang meron ako.