Showing posts with label LightShapers. Show all posts
Showing posts with label LightShapers. Show all posts

Thursday, December 22, 2011

LightShapers Studio - our wedding photographer and videograper



LightShapers Studio - our official wedding photogpher and videographer.


Bisitahin nyo din ang E-Session Entry ko: E-Session - LightShapers

Naikwento ko sa naunang entry kung pano ko nakilala si Lally Eleazar ng LightShapers Studio. Actually inaantay ko yung Same Day Edit and yun complete video ng Pre-nup namin yun nga lang inaayos pa ata nila kaya mga pictures lang muna mapapakita ko. Eto na naman, na exceed na naman nila ang expectations ko, hindi lang kami ni fluffy ang natuwa sa mga pictures at video kundi pati ang family and friends.




Karamihan ng mga pictures dito ay galing kay Dave Astom



Our wedding was perfect and syempre hindi puwedeng hindi ma-captured ang mga special moments na naganap sa araw na yun. Finding the right photographer and videographer for our wedding was the most difficult and important decision we would take, finding someone we could trust to capture the day.



Sayang naman kase kung sobrang ginastusan mo yung kasal tapos andaming dapat na captured moments pero dahil hindi magaling yung photographer eh walang memories na maipakikita sa mga anak at apo at kaapo apuhan diba, kundi kwento lang ang maisheshare namin sa kanila.



Gusto namin iparating sa inyo sa bumubuo ng LightShapers na we were impressed with the quality of our photos and videos na pinanood nyo sa mga nakicelebrate ng kasal namin.


Napaka Professional and you were able to put me and our family at ease making things fun and light. Alam nyo kung pano ako pakalmahin dahil sobrang nerbyos na nerbyos na ko and hindi kayo napagod at gumive up dahil ang hirap kong pangitiin, nanginginig na yung panga ko sa nerbyos, pero nagawan nyo ng paraan para mapalabas padin na maganda ang mga larawan.


Yung same day edit happy yung song pero hindi ko mapigilang maiyak sa ganda ng pagkakagawa. Sana magkaron nako ng copy para maishare ko na sa mga readers kung gano kaganda ang pagkakagawa nyo sa same day edit and pre-nup video. Pero oks lang, take your time para mas lalong mapaganda at maayos ang video.





Malamang hindi ito ang una't huling magkakasama tayo, masusundan ito sa mga susunod na mga okasyon.




Definitely, irerecommend ko kayo sa mga kamag-anak, kaibigan at mga readers ng blog ko. Gusto ko iparating sa lahat na hindi ako nagkamali ng pinili na photographer at videographer sa araw ng kasal ko.




Salamat sa team ng LightShapers for such a wonderful job, salamat at naging bahagi kyo ng araw ng kasal namin at naging bahagi din ng buhay namin ni Fluffy.





Phone number: (632) 359 4727




Lally Eleazar: 09178444333




Wednesday, September 7, 2011

E-Session - LightShapers

There was a time nung hopelessly romantic pako, lagi akong nagpapaka emo sa sagigilid ng kwarto. Wala pang boyfriend na magpopropose pero nagpa plano na kung ano gustong mangyari sa kasal if ever ikakasal ako. Nananalangin na sana may maligaw na lalaking magbibigay ng singsing. Dati parang malabo yung mga iniisip ko, pero ngayon unti unti ng natutupad. Salamat sa Diyos at pinakinggan nya panalangin ko.



Wala pakong boyfriend nung napanood ko ang video ng kasal ni Tuesday Vargas. OA na kung OA pero naiyak ako promise! Yun kase yung pinapangarap ko, yung my videong memorable na magiiwan ng marka sa taong makakapanood. Yung mangangarap ng gusto nyang kasal. Aaminin ko nainggit ako kay Tuesday Vargas, astig ng video ng kasal nya. Ang may gawa eh si Jason Magbanua, astig, kudos!



Nabanggit ko yun sa dati kong boss na gusto ko ng ganung video.Na mention nya na plano nya maging share holder ng isang studio at if ever na magkaron na ng boyfriend at magplanong magpakasal, wag na wag daw silang kalimutan. Eto na nga ang LightShapers Studio.



Base sa Website ng LightShapers:



Lightshapers is a group of friends with a passion for photography - we take the artistic side of photography seriously as we continuously immerse ourselves in creative learning to allow for ingenuity and style to capture a vast spectrum of places, people and events. We aim to keep things simple but with a unique perspective.







Our vision is to reach and maintain the highest level of excellence in professional imaging, be the very best in the industry, and to be the very best photographers for you.



Your wedding day will be one of the most significant events in your lives. We will work hard to capture every moment, every tiny detail, as well as everything else in between. Let us help you appreciate the loving details of that day, all you see, all you do and all you feel...allow us to preserve the excitement and emotion of the occasion, as an inspiration for you, your family, friends, loved ones, and for generations to come.



Meron din silang Facebook



Inemail ko si Lally Eleazar ng LightShapers, para sabihin sa kanyang interested ako sa package na offer nila. Nagreply sya kagad at dumating yung point na pumirma na kami ng contract para masimulan na ang mga plano.


May 2011 ang naisipan naming month pra magstart ng shoot para summer at para kahit saang lugar man kami pumunta walang magiging problema sa ulan. Nakakapagod pala mag shoot pero masaya, sobrang nag enjoy kaming lahat.




Hindi kami nagkamaling kunin ang Lightshapers bilang official photographer at videographer ng kasal namin dahil na exceed nila yun expectation ko sa E-session namin ni Fluffy. Astig lang diba, Kudos LightShapers.