Showing posts with label Robinson's Manila. Show all posts
Showing posts with label Robinson's Manila. Show all posts

Wednesday, December 19, 2012

Mr. Choi Kitchen


Maraming beses akong nagcelebrate ng birthday dito sa Mr. Choi Kitchen dahil malaki yung puwesto nila sa Robinson's Manila. Eto lagi kong napipili dahil maraming kumakain so ibig sabihin marasap ang pagkain. Last na punta ko sa Mr. Choi Kitchen sa Manila, lumiit na yung puwesto and iilan nalang ang kumakain.


This time hindi to birthday celebration, date date-an lang namin ni Fluffy, nakakalungkot lunch time pero walang kumakain. Not sure kung hindi lang talaga sila mabenta sa Robinson's Galeria unlike sa Manila maraming tao kapag lunch time.

Tipikal lang inorder namin, Beef with Brocolli, Fish Fillet with sweet and sour sauce and Yangchow fried Rice. Medyo disappointed lang ako sa Yangchow pero the rest ng order namin as usual masarap. Yung Yangchow na naaalala ko eh good for 2 - 3 person pero yun sinerve samin ewan ko pero for me ang onti lang nya. Pero hindi na kami nagtanong kung bakit konti lang dahil ayoko masira date namin.





Hindi ko nakuhanan ng picture yung resibo nagmamadali na kaming umuwi ni Fluffy.

Tuesday, December 6, 2011

PHO HOA



Matagal na tong entry, late na napublish sobrang busy sa pagpeprepare ng wedding ko nang time na kumain kami dito.

Ang ifi-feature ng blog ko ngayon ay ang Pho-Hoa - Vietnamse chain serving noodle soup, sa Robinsons Manila branch kami pumunta. Birthday ng sister ko, nagpalibre lang kami ni motherdear, bihira lang naman kase magkakitaan kaya napa OO si sister.

Okay simulan ko na ang entry...




Sriracha Hot Chili sauce - eto ang chili sauce na hindi maanghang sa dila pero gapang na gapang sa lalamunan as in nakaka-samid! ramdam na ramdan ang hagod nya pababa ng stomach papunta sa intestine. Hosha over na ang pagkaka describe. Next....




Nag hanap kami ng house tea na usually ay laging free, sa lahat ng restaurant na pinuntahan ko, pati ang nagtitinda ng bibingka sa Tayuman, kapag humingi ka ng tea eh libre meaning hindi ka nila ichacharge. Dito sa Pho Hoa may bayad ang house tea, wala silang libre kahit tubig. Sa tingin ko sa Robinson's Branch lang kase namention ng sister ko sa waiter na libre ang tea sa Robinson's Galeria Branch. Hindi kumibo si waiter, tinalikuran kami.. enwei... next...





Fresh basil, lemon wedge and beansprout - infairness fresh talaga ang basil at maputi ang beansprout ibig sabihin hindi pa bugbog or hindi pa pabulok.





Brisket and Flank Pho - gusto ko yun broth, , malasa at maraming noodles. Isang sandok palang maraming noodles ang mahuhuli. Dagdagan mo pa ng fresh basil na nagpadagdag sarap sa lasa ng sabaw. Lalong naging aromatic ang amoy ng sabaw after ilagay ang fresh basil.




Ang iba dito hindi ko na maalala ang mga pangalan, magiwan nalang kayo ng comment para sabihin ang mga namesung ng mga food. So ang food sa taas, lumpia na may kasamang pansit bihong puti. Aaminin ko mabenta sakin tong lumpang to. So pano sya kainin, ganito.. yun lumpia ilalagay sa lettuce kasama yun bihon at cucumber tapos irorolyo tapos isasawsaw sa suka.. ganun ka simple.. kelangan kamayin dapat walang kaarte arte..




Eto mabenta kay mommy, may hipon, crabstick, pomelo.. oo tama nakikita nyo pomelo nga.. at lettuce.. bubuhusan ng matamis na suka. Makailang beses ako inalok ni mommy na dumukot dito sa plate ng vegetable salad, dumukot naman ako ng gulay pero ayoko ng pomelo..




Eto naman ang mabenta sa ate ko, lumpiang my bihong puti sa loob na isasawsaw sa matamis na peanut butter. Actually simple lang naman yun lumpia, nagpasarap eh yung sawsawan.





Next.. Pork and Chicken with lumpia. Hindi ko na talaga maalala mga name ng food na inorder namin. Eto hindi namin nagalaw kaya pinabalot nalang then kinain namin ni mommy sa bahay.




Masarap naman pala mga food sa Pho Hoa, simple lang, kung titignan mo madali lang makahanap ng ingredients sa palengke at madali lang gawin ang presentation ng food. But there's something sa mga sawsawan nila like yung vinegar and yung peanut butter, yun yung nagpasarap sa simpleng menu nila. Gusto ni fluffy na dalhin ko sya sa PHo- Hoa pero sabi ko sa kanya wala pakong planong bumalik jan.