Showing posts with label Ying Ying. Show all posts
Showing posts with label Ying Ying. Show all posts

Sunday, October 17, 2010

Celebration at YingYing


Sa Ying Ying sa Binondo ang napili kong place para icelebrate ang birthday ko, big serving at mura pa. First week palang ng September nag try nako magpa reserved, sad to say 70 na daw nakareserved sa pinili kong date. Medyo nakakalungkot kase pinagmamalaki ko pa naman yung place dahil masarap mga food dun. Dahil sa may kakulitan, naka ilang beses ako nag try magpareserved. Ayun same ang sagot, pero if i want daw, mag walk in nalang at mag antay ng magiging available na table. Ininform ko mga sisters ko, walk in lang kami kaya bawal late.

10AM nag meet kami ni fluffy (gwapo ni fluffy) sa 711 para maaga kaming makarating sa Binondo. Kelangan makapag pa reserve ng mga tables. Andaeng tao kahit wala pang lunch time, puno na yung place. Sa wakas after an hour nakakuha kami ng 3 tables at pinagdikit dikit nalang

Nagulat mga kapatid ko andaeng tao sa loob, andaeng kumakain, sabi ng mom ko mukhang mabenta daw yung place kase andaeng nagte-take out.

Eto mga inorder namin:

Yang Chow (3 orders for 3 tables)

Syempre hindi puwedeng wala nito sa hapag kainan. The best ang Yang Chow nila kung makikita nyo sa picture, ang lalaki ng sahog at maraming hipon. Simot ang rice namin sa tatlong table, kahit hindi na lagyan ng ulam, solb na.


Soy Chicken 1/2

Eto ang favorite ni mommy na first time nya matikman sa Wai Ying at second time sa Ying Ying. Pati ang brother in law ko nasarap dito sa manok dahil sobrang malasa at makatas ang manok. Nilalagyan ng green onions na bumabagay sa sarsa ng manok.

Seaweeds and Century Egg

Spicy Seaweeds na parang gelatin ang texture. Bumagay ang pagka spicy nya para matanggal at hindi malasahan ang lansa. Yung Century Egg hindi ko natikman kaya hindi ko alam kung masarap sya or hindi. Malamang masarap kase naubos bigla.

Roasted Duck 1/2

Eto ang medyo na deadma sa mga order namin, you know why..? Malakas daw kase sa cholesterol. Nakalimutan ko kaseng may lahi nga pala kami ng highblood at hindi naman ako masyadong aware na macholesterol pala etong duck na ito. Siguro mga 3 piraso lang nabawas jan.

Pork Asado 1 kilo
Mabenta din itong Pork asado sa mga pamangkin ko, buti nalang isang kilo ang inorder ko. Good for 3 tables at may na pabalot pa kami. Maganda ang pagkaka marinate nila dahil malasa ang katas sa bawat kagat sa pork. Kaya kahit busog na, pinapapak padin ng mga pamangkin ko.



Lemon Chicken

Eto medyo nadeadma din tulad ng duck, kase matigas yung breading and sobrang maasim yung sauce. Actually naiintindihan naman namin dahil sabi nga sa pangalan nito "Lemon Chicken". Buti nalang at small lang ang inorder ko.


HAKAO (2 orders)

Nung una ay dineadma ng mga kapatid at pamangkin ko ang Hakao kase first time lang nila nakita yan. So, pinakilala ko sa kanila si Hakao, nilagyan ko yung plate nila para wala silang choice kundi kainin. Hindi nila expected ang lasa dahil weird ang itsura pero the best ang lasa. Sobrang nagustuhan ng pamangkin ko ang Hakao.

Fish Fillet Sweet and Sour Sauce ( 2 Orders)

Ang benta nito promise, sobrang sarap ng Fish Fillet nila gustong gusto ng family ko.

Eto ang the best sa mga orders namin, eto ang sa tingin kong pinaka best seller nila ang Fish Fillet. Dalawang order na tig isang kilo, so dalawang kilo ng Fish Fillet ang inorder namin. Hindi makaget over mga kapatid ko sa lasa.

Birthday Seafood Noodles


Dahil sa birthday ko, natural kelangan may birthday noodle. Sinuggest nung waitress na orderin namin ang Birthday Seafood Noodles dahil yan daw ang mabenta sa mga noodles nila at hindi naman sya nagkamali ng sinuggest dahil nagustuhan ng mga bata ang pansit.


Beef Brocolli

Eto mabenta din ito, dahil hindi ko sya natikman. I'm sure masarap dahil simot ang pinggan, so malamang sa malamang masarap nga sya.. hihihi..



At eto ang aftermath


My mom with my two niece, may pagkakahawig silang tatlo, mga bilugan.. wahihihi LOL peace tayo mom.. (sexy sexy ng mommy ko,,, ayun oh.. nambola pa biglang bawi)



Mukhang nasarapan ang family ko sa mga inorder ko kase happing happy sila sa mga pictures.


Ayun oh, parang baby face.. hindi halata ang edad sa mukha.. wahihihi.. pagbigyan nyo nako magbuhat ng sariling bangko.. bangko ko naman yun eh.. (corny ko lang)

At syempre, isinama ko si gwapong fluffy para ma meet ng family ko. Tuwang tuwa sila lalo na ang mommy ko dahil finally my pinakilala kong boyfriend sa mismong araw ng celebration ng birthday ko (hahaha..sobrang overwhelmed kase happy sila for me.. Uy! boto ang family ko!)

Belated Happy Birthday to me (late na kase tong post ko.. hihihi)

Tuesday, August 17, 2010

Ying Ying Tea House Binondo


July 31, 2010 pa to, now ko lang na post...

.... Ang hirap pala hanapin ni YingYing.

Lubog na Recto sa sobrang lakas ng ulan pero gora padin ang mga lola. May katangahan nga lang akong ginawa, hindi ko inintindi ang instruction kung pano hanapin and puntahan ang location ni YingYing (inshort, naligaw kami!). Bumaba kami sa LRT2-Recto tapos nilakad namin hanggang makarating kami ng Sta. Cruz Avenida. Medyo iritado na si payat, eh pano sobrang liit ng payong nya pero inpeyrnes, nakatulong naman hindi nabasa bumbunan nya.. hihihi peace tayo payat.

Pagdating sa Ongpin, laking tuwa namin nasa Binondo na kami. Pero hindi pa pala dun ang destination namin, nakanantootsi! Dasmarinas nga pala kami, ayun sinimulan uli ang paglusong sa baha. Naninigas na mga paa namin sa sobrang lamig, pagod kakalakad at sinabayan pa ng gutom. Hndi ko naman alam na mahaba pala ang Dasmarinas Street.

Hindi na maipinta mukha ni payat pagdating namin sa YingYing. Kelangan na naming makakain nagagalit na mga alaga namin sa tyan.. hihihi (^_^). Pagpasok, sobrang queuing... Meron silang tatlong palapag pero puno ang lugar. Merong anim na grupong nag-aantay sa 1st floor. Umakyat ako sa second floor, arkilado pala sya kapag Sabado. Akyat ako sa 3rd floor, ganun din queuing, tatlong grupo nagaabang makaupo. Binalikan ko si payat sa 1st floor at nag antay kami ng 30 minutes bago nakaupo

Medyo natagalan kami umorder, hindi ko alam kung dahil ba sa sobrang daming choices at nahihirapan kami pumili or sa sobrang gutom at talagang hindi na kami makapag isip. Sobrang baet at accomodating naman ang mga waitress nila. Lagi sila naka smile every time magseserve sila or lalapitan nila mga customers nila. Tinanong ko nalang kung ano ang best seller nila at sinuggest ang Sweet and Sour Fish Fillet. Syempre hinding hindi ko pwedeng kalimutang orderin ang peborit ko, YangChow. Umorder din kami ng Hakao pero last na daw yung hinatid sa katabing table, sayang.. (alas dos ng hapon ubos na kagad ang Hakao, malamang sa malamang masarap sya) excited pa naman ako ipatikim yun kay payat dahil mahilig sya sa hipon. Actually, hindi ko padin natitikman, sinabi lang sa blog na masarap ang Hakao (n_n').


Bawat table merong mug na ang print ay mukha ng pera. Sa table namin limam piso, sa kabilang table parang sampum piso pero hindi namin matitigan baka isipin nun kabilang table naglalaway kami sa order nila.

Unang hinatid ang siomai, blurr ang picture, dim light ang ilaw nila tapos umuulan pa kaya walang enough source of light. About sa siomai, depende naman kase sa mga panlasa natin pero mas nagustuhan ko ang siomai ng Wai Ying.
Kay payat ang Mango Shake, sakin ang Pineapple shake. Nagustuhan ko yung shake nila, hindi sya nang galing sa delata na nilagyan lng ng durog na ice. Talagang galing sya sa pinya, merong makakapang hibla ng pinya.

Ang peborit kong YangChow, inpeyrnes.. mas cheap, mas madami at mas masarap sya sa YangChow ng NorthPark. Kapag nagke-crave ako nyan alam ko na kung saan ako pupunta.
Ang Sweet and Sour Fish Fillet na good for 4 person. Cheap din sya kung icocompare sa mga Chinese resto sa mga malls. Crispy yung breading, walang lansa, malinamnam yun taste and walang naligaw na tinik.
At ang resibo.....