Monday, August 22, 2011

Dancing Fountain of Luneta








Naghahanap ba kayo ng mapupuntahan at mapaglalakwatsahan ng hindi kayo gagastos? Yun tipong pamasahe lang ang ilalabas nyo pero mag eenjoy kayo sa makikita nyo? Yung hindi kayo mabobored at magtatanggal ng stress nyo? Meron nyan dito sa Maynila, hindi nyo na kelangan magpakalayo layo pa. At hindi nyo kelangan magbayad ng mahal pra lang makapanood ng Dancing Fountain kung may libre naman.


Sa panahon natin ngayon iba na ang tingin sa Rizal Park or mas kilalang Luneta Park. Feeling kase ng mga pasusyal na kapag Luneta, ang bakya bakya or baduy. Lalo na kapag nalamang galing ka ng Luneta, aasarin ka na Di-op mo? (Day Off mo?). Kadalasang sinasabi ng mga pa susyal eh dating place ni Inday at ni Dodong ang Luneta. Sa totoo lang, enjoy makipag date sa Luneta, mas memorable at for sure tatawanan mo balang araw na dahil sa kakuriputan dito mo naisipan tumambay.


(Sa totoo lang may dalawang lalaking nagde-date sa ilalim nitong malaking istatwa, kaya hindi namin makuhanan ng buo hanggang ibaba, hindi namin sila maistorbo at mapaalis sa kinauupuan nila)

Ang Luneta ay isang park na tribute para kay Jose Rizal at itong park na ito ay pampamilya. Nung college days, aaminin ko na naging tambay ako dito. Bibili kami ng sako or dyaryong Libre na nakukuha sa LRT para maupuan. Nakaka relax kase tumambay lalo na kapag stress ka na sa pag aaral. Masarap din mag abang ng sunset dahil malapit ito sa Manila Bay. Sa totoo lang, nakakamiss ang college days, yun walang masyadong iniisip, walang problema, ang iintindihin mo lang eh ipasa lahat ng subjects. Hindi mo pa masyadong problema ang buhay. Siguro ako lang ata ang hindi namroblem ng buhay noon.. heheheh dahil my mga ibang tao nga pala, college palang, pasan na nila ang daigdig.



Napapahaba na pala ang tinatype ko hindi ko pa nababanggit ang bagong atraksyon ng Luneta, ang Dancing Fountain. Akshuali, last December pa sya binuksan. Hindi ko alam kung pangtapat ba sya sa Dancing Fountain ng Manila Ocean Park or para ito sa mga hindi makaka afford ng mahal na entrance fee ng Musical Fountain.



Etong larawan sa itaas, falls yan sa Childrens Playground sa gilid ng Luneta. Bawal pumasok at magbayad ng entrance fee kung wala kang kasamang bata. Ang balita ko P10 lang ang entrance fee dito. Hindi ko alam kung anong oras sila nagsasara dahil 7:30PM na marami pading bata ang naglalaro sa loob. Sa bagay maliwanag naman kase dahil sa dami ng ilaw.



Eto ang bagong atraksyon ng Luneta, ang Dancing Fountain. Syempre hindi nyo makikita ditong sumasayaw ang tubig at sumasabay sa musika dahil litrato nalang yan. Sa susunod magdadala ako ng digicam pero mas maganda kung kayo mismo pupunta ng personal para panoorin ang pagsayaw sa musika ng fountain.


Oh diba parang asa ibang bansa pero dito lang pala sa Maynila.



Friday, August 19, 2011

Trend Micro Pilipinas > Win an iPad2 Contest



Last Month nanalo ng iPad2 si Fluffy, bigay ng company namin Trend Micro Inc. ngayon mamimigay uli sila pero hindi lang ito limited sa mga empleyado, eto ay para sa lahat ng magla-like sa Facebook page ng Trend Micro Pilipinas.


Click nyo lang tong link na to http://bit.ly/rktwPl at i-Like nyo lang ang FunPage. True po ito hindi po joke..

Thursday, July 14, 2011

Serenitea



Nothing beats a morning cup of coffee to start your new day lalo na kapag ang mahal mong asawa ang kumuha nyan sa vending machine. Nakakatuwa asawa ko, pagdating na pagdating ko sa cube may nag aantay ng malamig na kape este mainit na kape sa lamesa. (lumamig na kakaantay sakin, pasensya na traffic sa crossing). Maraming puwedeng pagpilian kung anong coffee ang gusto mo sa office namin, unlimited yan at take note.. it's free! Never ko tinikman yung ibang timpla ng kape, hindi ko iinumin yan kapag hindi cappuccino. Meron ding mocha pero kumukulo tyan ko, pinagsamang milo at nescafe lang naman yun.


Marunong naman ako tumikim ng tea, bumibili ako dati ng milk tea ng lipton. Two box nga binili ko before, naubos ko yung isang box, yung second box hinayaan kong maexpired. Hahaha ewan.. nasawa ako bigla. Hmmm naki-uso lang naman ako eh, biglang naging IN kase ang milk tea nang magkaron ng commercial.


Now may bago.. It's called Serenitea, it's the new tea in town. Sabi nga nila It's not your ordinary tea. Yan ang pinagkakaguluhan ng mga tea lovers ngayon.





Isang araw, seryoso kaming nagte-training ng inalok kami ng aming directres kung gusto namin ng tea. Syempre it's an honor na alukin ka ng isang director sa opisina noh, boss sya ng boss ng boss ng boss mo, ganun sya ka generous. Actually, karamihan ng mga bossing namin dito eh mga generous, mga mahihilig manlibre ng food. The way to your peoples heart is through their stomach.. TOMOH! Kaya lahat kami dito happy ang tyan.. happy ang body.. happy ang mind.. happy ang heart.


Oorder daw kase ang mga bossing ng Serenitea baka daw gusto namin and sagot ng director namin. Nung una mga pakunwari pang nahihiya pero syempre nacucurious kami dahil lahat kami first time matitikman yang bagong IN na yan. Inorder namin ni Fluffy, Mango Yakult. I know right! alam ko reaction nyo.. anong lasa nun?! with a big question mark in the face.. Actually, nacurious din kami kaya yang kakaibang yan ang pinili namin.





Mukhang enjoy na enjoy naman ni Fluffy yun lasa. Infairness, masarap sya, naubos ng asawa ko yang malaking yan at isama pa pati yung akin. Kalahati lang nainom ko then i give up, like what i've mention earlier, i'm a coffee drinker.


Alam ko curious kayo kung lasang Yakult ba or mas lasang Mango, sasagutin ko yan. Malalasahan naman yun Yakult pero mas strong yung Mango. Naglalaban yun tamis at asim parang last taste yun asim. Yun pearl or sago malambot na manamis namis, but i'm not a fan of sago feeling ko kase istorbo sya sa paglunok kelangan pang nguyain. Kapag oorder nga ako ng taho hindi ko pinalalagyan ng sago.


Kudos sa nakaisip nitong bagong flavor nato, malamang ito ang best selling flavor nila.


Tuesday, July 12, 2011

Walang Title

Matagal na din akong hindi nakakalakwatsa at nag ta-try kumain kung saan saan. Paumanhin sa mga followers dahil diet ako at ang bulsa ko.




Siguro kung magpopost ako ng entry, malamang wala ng koneksyon sa name ng blog ko. Minsan nga naiisip kong baguhin nalang ang name nitong blog pero sayang kase baka makuha ng iba. Pano kapag naisipan kong maglakwatsa uli, sayang kung iba na may hawak ng title na yan.




Paumanhin kung gagawa ako ng entry na wala munang koneksyon sa aking blog name. Para ma-share ko naman kung ano mga pinag gagagawa ko lately.




Nagmamahal,




Gepay


Friday, June 17, 2011

Globe Customer Service Sucks!

Nung una pinagpapasensyahan ko pa sila pero sinagad nila ko. Ayoko sanang gawin to dahil alam kong possible makasira ng buhay tong iba-blog ko pero sinisira din nila buhay ko sa pamamagitan ng pang aabala nila sakin at pagpapasakit ng ulo.


History:


10 or 11 years na tong plan na gamit ko sa Globe. 5 years na nasa sister ko yung number then after graduating from college pinamana sakin ng sister ko yun line. 2006 binigay sakin ng sister ko yung libreng phone and yung line ng Globe. Since then we were trying na matransfer sakin yun ownership nung plan. Ang requirements "DAW": Valid photo of my sister, valid photo of me, proof of billing or statement of account and authorization letter from my sister. Ilang beses namin pinrocess yan and laging hindi naaapprove. Reason..? reason nila bulok, hindi daw nila mahanap yun requirements na sinend ko or binigay ko. at kung ano ano pang reason ang binibigay nila. Kesyo hindi na daw recent yun proof of billing (kahit recent lang at fresh na fresh pa sa Smart telecom center na katabi lang ng Globe center sa Mall) kesyo malabo yung pagkaka scan ng picture. Hindi makita yung pirma sa ID at kung ano ano pang kabulukan ang pinagsasasabi nila. Hanggang sa gumiveup nalang kami ng sister ko, narindi kami.


Reason namin kung bakit gusto namin itransfer sa name ko yun line, kase kapag nag oover charge sila or biglang my lumalabas sa bill ko na gumamit ako ng internet kahit hindi naman eh yaw nila iprocess yun request ko dahil hindi daw ako yung owner. Kapag ang sister ko naman ang tumawag, ayaw din nila iprocess dahil hindi daw yun sister ko ang gumagamit.. eh sino gusto nyo tumawag para iprocess yan..? pinalalabas nilang wala kaming option at choice kundi bayaran yun internet usage na hindi ko naman ginamit at pinakinabangan.


We tried so many times na sabihin sa kanila na ipapa-cut nalang yun line at gustong gusto na namin ipa cut tlga yun line and hindi na namin gagamitin yung sim. Requirements daw: authorization letter (again!) or tumawag lang sa hotline nila. Ilang beses kami tumawag pero pinadadalhan padin kami ng billing statement at laging nagdidisappear yun record sa kanila na tumawag kami ng sister ko para ipa cut yun line. at pinalalabas pa kaming sinungaling dahil wala daw silang record na pinapacut namin yun line. laging iba ibang agent nakakausap namin at iba iba din ang sinasabi nila. pakshiyet lang diba.


Anong petsa na! 2011 na, until now my problema padin kami sa pagpapa cut ng line. Ayaw nila ipatransfer sa name ko yung plan. Ayaw nila icut yun line, paiba iba sila ng statement. paiba iba sila ng process. paiba iba sila ng mga pinagsasasabi.. Siguro hindi lang naman ako ang nakaranas nito sa customer service ng Globe. Mas gugustuhin ko pa nga customer service ng Smart never sumakit ulo ko sa Smart Bro ko. Kapag nawawalan ako ng internet connection, pumupunta kagad sila sa bahay after an hour at chinecheck yun computer ko. At tatawagan pa nila ko to ask kung okay ba yun service na binigay nila at fix na daw ba yun net. as in never ako nagkaproblema sa Smart.


Sa ngayon hindi ako makapag isip pa dahil sobrang init ng ulo ko, dami ko reklamo sa service ng Globe. Hindi ko maisip ngyon dahil sobrang sama ng loob ko dahil anlaki na naman ng bill ko kahit hindi ko naman ginagamit yun internet.


Sana makarating tong blog ko sa management nila.


Eto nga pla names ng mga nakausap kong agent nila this year:

(Not sure kung binibigay ba tlga nila ang mga real names nila or binabago nila para hindi sila maputukan)(nakalimutan ko na names nungibang agent na nakausap ko


Myla ###### - na walang pakialam problema ko daw to ayusin ko daw! pakshiyet lang na customer service diba

Ken ###### - na nagsasabing wala daw kaming record sa kanila

David #### - na nagpromise na aasikasuhin yun pagtransfer ng ownership wag lang ipacut yun line. Twice nako nagsend ng requirements wala padin at sabi ng ibang agent walang record na may ganung usapan.

Ralph ####### - na nagpromise na wala din akong magiging problema sa transaction ko dahil nilagay nya na ako na ang authorize user ng number pero sabi ng ibang agent walang nakalagay sa record na ako na ang authorize user ng plan.

CJ ###### - na nagsabing wala silang narereceive na requirements ko (kaya nagsend ako ng pangalawa pa)


Now habang ginagawa ko tong blog ko, may tumawag sakin Meg ##### iinvestigate daw nya yung concern ko. Sabi ko punong puno na kami and gusto na talaga namin ipa cut and tong Samsung Galaxy Mini willing akong isoli dahil naka iphone 2G ako.. kahit 2G lang yun IPHONE padin yun.. Meg nafifeel ko naman na concern ka, sana matuloy na ang pagcut ng line.. pagod na talaga kami.


Pasensya na talagang mainit ulo ko.. emosyon na hindi mapigilan. paumanhin sa mga makakabasa



(Tinanggal ko na last name nila, ayoko naman forever nakabandera name nila sa blogosphere) baka magulat sila kapag sinearch nila name nila kay google biglang bumulaga yun title at yun name nila at maging sikat.. wag na!

Wednesday, May 25, 2011

Velbon at Remote


Siguro naman naaalala nyo si pachuchay, ang aking pinakamamahal na D40. Nag 2 years na nga pala sya nung March. Wala akong gift kay pachuchay pero si fluffy meron. Bumili sya ng tripod na pinangalanan naming trayton. Ang sabi nga ni Chyng, tripod is a couple's bestfriend kapag dalawa lang kyong naglalakwatsa at para hindi na kung saan saan pinapatong ang camera.



Nung my trayton na kami, parang meron padin kulang. After namin ma-set up si trayton at si pachuchay, kelangan pa namin magtimer, tumakbo at pumose.. medyo nakakapagod at halata sa mga pictures na nagkukumahog ang nagset ng timer. Naisipan namin ang remote para hindi na kami takbo ng takbo.



Kanina isang text lang kay brotherdear, after 2 hours hinatid sa bahay ang remote ni pachuchay. Hanggang tenga ang ngiti ni fluffy, ansarap pagmasdan. Yun nga lang pinuyat nya ko kakasample nya ng picture, kahit nakapikit nako, sige padin sa kaka try sa remote. But nwei, okay lang kahit puyat basta masaya kami dahil hindi na nagiisa si pachuchay. Meron na syang trayton at meron na syang remote pero hindi ko alam kung ano ipapangalan ko kay remote. hayz.. bahala na..


sa susunod ang plano naman ni fluffy, bumili ng prime lense. naaadik na ata si fluffy kay pachuchay. buti naman at nagkakasundo sila at nagkagaangan ng loob.

Fluffy ko, salamat at binibigyang importansya mo si pachuchay sobrang naapreciate ko. iloveyou asawa ko,.. mwuah!

Saturday, May 14, 2011

DEDZ

hiatus at na dedz ang blog ko simula ng buwang abril hanggang ngayon dedz padin. wala naman kase kaming lakad lately, summer na summer pa mandin pero dedz talaga. wala man lang akong maikontribyut sa blogosphere. nabalitaan ko na nga lang kay khantotantra at mapanuri na nagkaproblema pala ang blogspot at lately nga daw hindi makapag create ng entry or makapag comment, kaya ngayon sinusubukan ko kung makakapagcreate ng entry.

sabado, andito ko sa opisina, kaninang umaga wala ako sa mood parang lumilipad ang isip dahil nafifeel kong magiging malungkot na naman ang shift ngayon. kung hanggang kelan ang ganitong schedule, hindi ko alam.. maraming trabaho sa opisina kapag ganitong shift, pero kelangan sya itake as positive dahil.. dahil.. dahil.. walang bantay..? sige na nga yan na lang gagawin kong motivation.


tanghali na ko nakauwi ng bahay. dali dali akong nagbihis at naghilamos dahil ilang oras na lang ang maitutulog, 8pm kelangan ng bumangon para makapasok ng 11pm. naunahan pako ni fluffy makatulog, buti pa sya paghiga nya tulog na kagad, ako.. kumanta muna ng pata pata pata pon , pon pon pata pon at chaka chaka pata pon bago nakatulog.


pag gising, wala na si fluffy sa tabi ko.. eto nalang nakita ko:


nang dahil dito, pinasaya mo ko..


anong koneksyon ng title sa entry ko.. sa totoo lang hindi ko rin alam.. sa sobrang dami ng iniisip ko parang walang direksyon ang entry ko..