Showing posts with label Mango Yakult. Show all posts
Showing posts with label Mango Yakult. Show all posts

Monday, October 24, 2011

Serenitea - OKINAWA MILK TEA



Hindi ito ang unang beses na iba-blog ko ang Serenitea. Yun first entry ko ay Serenitea - Mango Yakult na hindi ko nagustuhan ang lasa dahil maasim sya promise. Well walang masama kung bibigyan ko ng second chance diba, so this time ayokong mag experiment at ayokong mang hula ng kung ano ang masarap so tinanong ko yung nasa counter kung ano ang best selling tea nila. Sinuggest ang Milk Tea Okinawa Crystal and Pearl, large and 100% Sugar P105.



Infairness masarap ang Okinawa, hindi sya lasang damo, hindi maasim, hindi mapakla, hindi lasang pabango at hindi lasang bulaklak. Medyo nagbabago na pananaw ko sa tea, kung dati coffee person ako ngyon medyo nagiging tea person nadin. Hindi ko pa nata-try yung ibang flavor pero sinuggest sakin try ko din daw yun Winter Melon. Sige promise next time ita-try ko din yan. Sa ngayon wala akong picture ng Serenitea dahil nanenok celphone ko sa Tayuman. Bawi ako next time.



*update*


as promise ayan nilagyan ko na ng picture para hindi na mahirapan mag imagine kung ano itsura.. hihihi.


Tinry ko nadin sa wakas ang Winter Melon, hindi ko na ginawan ng bagong entry kase... kase wala lang.. my connection naman kase dito sa entry kong to kaya inupdate ko nalang..


Winter Melon, hindi ko alam kung namali lang ng binuhos yung gumawa ng drinks ko or talagang walang kinaibahan ang lasa ng Okinawa sa Winter Melon. Pero imposible kase nakalagay "MELON" kaya ineexpect ko malalasahan ko ang melon flavor. Hayz hayaan ko na nga lang.. try ko nalang orderin uli yan para mapatunayan ko kung mali lang talaga yun ineexpect ko at talagang magkalasa ang Okinawa at Winter Melon.



Thursday, July 14, 2011

Serenitea



Nothing beats a morning cup of coffee to start your new day lalo na kapag ang mahal mong asawa ang kumuha nyan sa vending machine. Nakakatuwa asawa ko, pagdating na pagdating ko sa cube may nag aantay ng malamig na kape este mainit na kape sa lamesa. (lumamig na kakaantay sakin, pasensya na traffic sa crossing). Maraming puwedeng pagpilian kung anong coffee ang gusto mo sa office namin, unlimited yan at take note.. it's free! Never ko tinikman yung ibang timpla ng kape, hindi ko iinumin yan kapag hindi cappuccino. Meron ding mocha pero kumukulo tyan ko, pinagsamang milo at nescafe lang naman yun.


Marunong naman ako tumikim ng tea, bumibili ako dati ng milk tea ng lipton. Two box nga binili ko before, naubos ko yung isang box, yung second box hinayaan kong maexpired. Hahaha ewan.. nasawa ako bigla. Hmmm naki-uso lang naman ako eh, biglang naging IN kase ang milk tea nang magkaron ng commercial.


Now may bago.. It's called Serenitea, it's the new tea in town. Sabi nga nila It's not your ordinary tea. Yan ang pinagkakaguluhan ng mga tea lovers ngayon.





Isang araw, seryoso kaming nagte-training ng inalok kami ng aming directres kung gusto namin ng tea. Syempre it's an honor na alukin ka ng isang director sa opisina noh, boss sya ng boss ng boss ng boss mo, ganun sya ka generous. Actually, karamihan ng mga bossing namin dito eh mga generous, mga mahihilig manlibre ng food. The way to your peoples heart is through their stomach.. TOMOH! Kaya lahat kami dito happy ang tyan.. happy ang body.. happy ang mind.. happy ang heart.


Oorder daw kase ang mga bossing ng Serenitea baka daw gusto namin and sagot ng director namin. Nung una mga pakunwari pang nahihiya pero syempre nacucurious kami dahil lahat kami first time matitikman yang bagong IN na yan. Inorder namin ni Fluffy, Mango Yakult. I know right! alam ko reaction nyo.. anong lasa nun?! with a big question mark in the face.. Actually, nacurious din kami kaya yang kakaibang yan ang pinili namin.





Mukhang enjoy na enjoy naman ni Fluffy yun lasa. Infairness, masarap sya, naubos ng asawa ko yang malaking yan at isama pa pati yung akin. Kalahati lang nainom ko then i give up, like what i've mention earlier, i'm a coffee drinker.


Alam ko curious kayo kung lasang Yakult ba or mas lasang Mango, sasagutin ko yan. Malalasahan naman yun Yakult pero mas strong yung Mango. Naglalaban yun tamis at asim parang last taste yun asim. Yun pearl or sago malambot na manamis namis, but i'm not a fan of sago feeling ko kase istorbo sya sa paglunok kelangan pang nguyain. Kapag oorder nga ako ng taho hindi ko pinalalagyan ng sago.


Kudos sa nakaisip nitong bagong flavor nato, malamang ito ang best selling flavor nila.