Monday, August 30, 2010

RBC at Yoshinoya


August 21, 2010 nang lumipat na kami from Eastwood IBM to Rockwell Ortigas. Maganda and tahimik naman sa RBC pero walang makainan at malakwatsahan. Sobrang layo ng nilalakbay ko papasok ng opisina. Biruin mo yun, limang sakay papasok palang at malayo layong lakaran pauwi. Ayoko kase magtaxi, OO kuripz na kung kuripz, pero sapilitan pa talaga bago ako mapag taxi

Una kong pinuntahan sa bago naming opis pagdating na pagdating ko, syempre ang pantry. Sa Eastwood, Pepsi products ang drinks, ngayon pinasarap na... tantananan tanan.. Coke Products na (ambabaw ng kaligayahan ko). At hindi puwedeng mawala ang ice tea, pineapple juice, orange juice at Milo. (Ms. Chyng Reyes, wala ng Four Season mahal daw ang isang Litrong Del Monte hihihi ^_^)


Dati ayokong tumambay sa pantry, dahil hindi puwede tambay unless walang kumakain. Wala kaseng mapuwestuhan yung mga kakain talaga dahil kokonti lang ang lamesa at silya. Ngayon marami ng upuan at malinaw na ang palabas sa TV.



Si Mrs. Romantico, naki extra sa picture.


Ang aking umaalog alog na cube. Dito sa opis kanya kanyang set up kami ng computer. Kapag magulo ang mga wires, malamang lalaki owner nung cube, kapag parang OC ang pagkakaayos, malamang babae owner. hehehe



Sa tabi ng daanan ang cube ko, kaya medyo hirap na ako magblog, daanan ng mga pips eh kitang kita ang monitor ko.


Sa ibaba ng building may maliit na pond, mas gusto ko yung ambiance dito. Fresh na fresh, mahangin, maraming puno, hindi polluted, talagang tahimik.


Kinuhanan ko ng picture yung pinto sa lobby, tinawag ako ng guard bawal daw mag picture picture.. hihihi peace tayo manong guard.
Monday shift, walang mabilan ng pagkain sa paligid, buti nalang may jjamppong yung ka opismate ko. Unang pagkain ko ng Lunch sa maganda naming pantry, at syempre ang drinks ko Coke.


At dahil hindi pa ako familiar sa lugar at maliligawin ako, nagpasundo ako kay payat tutal matapang sya pumunta sa mga lugar lugar. Pagpunta namin sa MRT, Shocks, nung nakita ko kung gano katarik yung hagdan parang nanlumo ako sa nakita ko. Kelangan ko muna kumain ng heavy meals bago makaakyat sa hagdan, baka himatayin ako sa taas. Pumasok muna kami ni payat sa Megamall A para maghanap ng makakainan.
First time namin kakain sa Yoshinoya, medyo nangangapa pa kami kung ano masarap. Inorder namin Beef and Tempura (nakalimutan ko name) ang sabi good for two na daw yan. Umorder din kami ng dessert, parang kakapiranggot lang sya.
Hinati namin ni payat sa gitna yung rice doon sa plate na unang sinerve samin. Don sa kalahating rice, busog na ako. Abah si payat umorder ng dalawang extra rice pa, hala napagod ata sa pagsundo sakin sa Ortigas. Nakatatlong rice, saan kaya tinago ni payat yung ibang kanin sa tyan nya.. hmmmm...

Tuesday, August 24, 2010

Frostings Cupcake


Last Saturday, nagkita kita kami ng mga college friends namin ni payat. Actually, ngayon lang uli kami nagkakitakitaan after 4 years. Babalik na kase sa Japan si tikling, bigatin dahil programmer sya don.

Syempre nagmeet kami ni payat sa Araneta at sa Trinoma na namin meet yun iba. Si Guile, sa TimeZone na namin nakita, tambololong sobrang huggable na parang teddy bear. Dahil sa late yung iba, bumili muna kami ng makakain pamatid gutom. Syempre kasama ko si payat dahil nasa isang circle of friends lang naman kami nung college. Pero hindi sya nag stay, kase may pupuntahan pa sila ni mama (mama din tawag ko sa mama ni payat).
Nauuso mga cupcakes ngayon, kaya naglilipana na sila. Binili naming cupcake Dulce De Leche Premium and Belgian Chocolate Premium, Php 55 isa. Si payat pumili nyan.
Parang trip ko yung Choco Lava, ang cute idisplay sa bahay, Brazo De Mercedes, parang ordinary lang itsura.
After namin bumili ng cupcake, sa Starbucks namin kinain. Buti hindi kami sinita nun guard, hindi naman mangangamoy ang cupcake.

Friday, August 20, 2010

Red Mango


Kapag nag vu-view ako ng mga picture sa Facebook, nagba-blog hopping, or nag vu-view ng avatar sa YM madalas my RedMango. Akala ko ice cream, frozen yogurt pala. Daming naglipanang yogurt ngayon, may nakita pa nga ako parang tutti fruitti sa SM San Lazaro. Sa sobrang curiousity, hinatak ko si payat pati mga ka officemates nya sa Trinoma. (Nagpakalayo layo pako, meron pala dito sa Eastwood, ang shunga shunga ko lang).

Dahil hindi mahilig sa yogurt mga repapips ni yatpa, hindi na sila sumama sa paghahanap. Sige lakad lang ng lakad hanggang sa makakita kami ng sobrang bongacious na pila na akala mo pila sa block buster movie. Ang OA sa haba ng pila!! First time palang ako makakakain ng yogurt, sobrang excited, feeling ko hindi na ako loser dahil IN na IN na din ako.



Isa lang inorder namin Yogurt + Mango + Peaches + Sliced Almond medium size, hati na kami dun.

Medyo parang na shock ng kaunti ang dila ko, hindi ko naman expected ang lasa. I thought matamis sya like ng mga ice cream, maasim pala sya.. hahahah.. obvious bang medyo napag iiwanan na kami ni payat, hindi namin alam na maasim ang yogurt.. hahahaha. Habang tumatagal medyo nasasanay na ang dila namin sa asim, parang unti unting tumatamis or naiimune na dila namin sa lasa. Infairness, matamis ang mango and peach samahan pa ng almond kaya oks nadin kami.


(Pansinin nyo ang back ground ni payat, ang daeng nakapila)

After maubos ang RedMango, pinag usapan namin kung mauulit ba pagkain namin dito. Hmmm, siguro pass.. kanya kanyang panlasa lang naman.. narealize namin, hindi pala kami mahilig sa yogurt. =)

Tuesday, August 17, 2010

Ying Ying Tea House Binondo


July 31, 2010 pa to, now ko lang na post...

.... Ang hirap pala hanapin ni YingYing.

Lubog na Recto sa sobrang lakas ng ulan pero gora padin ang mga lola. May katangahan nga lang akong ginawa, hindi ko inintindi ang instruction kung pano hanapin and puntahan ang location ni YingYing (inshort, naligaw kami!). Bumaba kami sa LRT2-Recto tapos nilakad namin hanggang makarating kami ng Sta. Cruz Avenida. Medyo iritado na si payat, eh pano sobrang liit ng payong nya pero inpeyrnes, nakatulong naman hindi nabasa bumbunan nya.. hihihi peace tayo payat.

Pagdating sa Ongpin, laking tuwa namin nasa Binondo na kami. Pero hindi pa pala dun ang destination namin, nakanantootsi! Dasmarinas nga pala kami, ayun sinimulan uli ang paglusong sa baha. Naninigas na mga paa namin sa sobrang lamig, pagod kakalakad at sinabayan pa ng gutom. Hndi ko naman alam na mahaba pala ang Dasmarinas Street.

Hindi na maipinta mukha ni payat pagdating namin sa YingYing. Kelangan na naming makakain nagagalit na mga alaga namin sa tyan.. hihihi (^_^). Pagpasok, sobrang queuing... Meron silang tatlong palapag pero puno ang lugar. Merong anim na grupong nag-aantay sa 1st floor. Umakyat ako sa second floor, arkilado pala sya kapag Sabado. Akyat ako sa 3rd floor, ganun din queuing, tatlong grupo nagaabang makaupo. Binalikan ko si payat sa 1st floor at nag antay kami ng 30 minutes bago nakaupo

Medyo natagalan kami umorder, hindi ko alam kung dahil ba sa sobrang daming choices at nahihirapan kami pumili or sa sobrang gutom at talagang hindi na kami makapag isip. Sobrang baet at accomodating naman ang mga waitress nila. Lagi sila naka smile every time magseserve sila or lalapitan nila mga customers nila. Tinanong ko nalang kung ano ang best seller nila at sinuggest ang Sweet and Sour Fish Fillet. Syempre hinding hindi ko pwedeng kalimutang orderin ang peborit ko, YangChow. Umorder din kami ng Hakao pero last na daw yung hinatid sa katabing table, sayang.. (alas dos ng hapon ubos na kagad ang Hakao, malamang sa malamang masarap sya) excited pa naman ako ipatikim yun kay payat dahil mahilig sya sa hipon. Actually, hindi ko padin natitikman, sinabi lang sa blog na masarap ang Hakao (n_n').


Bawat table merong mug na ang print ay mukha ng pera. Sa table namin limam piso, sa kabilang table parang sampum piso pero hindi namin matitigan baka isipin nun kabilang table naglalaway kami sa order nila.

Unang hinatid ang siomai, blurr ang picture, dim light ang ilaw nila tapos umuulan pa kaya walang enough source of light. About sa siomai, depende naman kase sa mga panlasa natin pero mas nagustuhan ko ang siomai ng Wai Ying.
Kay payat ang Mango Shake, sakin ang Pineapple shake. Nagustuhan ko yung shake nila, hindi sya nang galing sa delata na nilagyan lng ng durog na ice. Talagang galing sya sa pinya, merong makakapang hibla ng pinya.

Ang peborit kong YangChow, inpeyrnes.. mas cheap, mas madami at mas masarap sya sa YangChow ng NorthPark. Kapag nagke-crave ako nyan alam ko na kung saan ako pupunta.
Ang Sweet and Sour Fish Fillet na good for 4 person. Cheap din sya kung icocompare sa mga Chinese resto sa mga malls. Crispy yung breading, walang lansa, malinamnam yun taste and walang naligaw na tinik.
At ang resibo.....

Tuesday, August 10, 2010

Connecticut Greenhills


Nagyaya mag Contis si Mapanuri after nya mabasa yung entry ko last month. Plano dapat namin sa Serendra pero sabi ni SpiderHam, mahihirapan kami umuwi kaya sa Greenhills nalang. Out ko ng 11AM, si KhantoTantra naman ay 1PM at si SpiderHam 2PM. Si Mapanuri i-meet nalang namin sa Contis. Medyo masama na pakramdam ko that day pero dahil sa palabra de honor syempre gugora ako.

After ng shift ko natulog muna ako hanggang sa dumating ang 1:30PM. Tinatawagan ko si Mapanuri pero hindi sinasagot ang phone, yun pala nakatulog. Buti nalang at kinulit kulit ko ang pagtawag hanggang sa nagising na sya and nagprepare na para sa pagkikita. Nagtaxi na kami para mabilis na makarating sa Greenhills. Natraffic kami papunta dahil dalawang lane ang ginawang parking lot ng isang university na malapit doon. Bumaba kami sa mismong Greenhills Center dahil hindi pa namin alam kung saan ang Contis. Hindi ko na iku-kwento kung saan saan kami nakarating at kung pano kami nagkanda ligaw ligaw at malamang mahabang istorya at telenobela ang mangyayari dito.

Maliit lang ang Conti's sa Greenhills kung icocompare sa Greenbelt. Siguro ay medyo may katagalan na ang Conti's dun kaya medyo amoy lumang kahoy ang lugar (woops pasensya na po pero yun lang naman po ang observation ko). Sobrang kipot ng daanan at mageexcuse ka pa sa mga nakaupo bago ka makakadaan kung pupunta ka sa CR, cashier or palabas. Isa pang napansin ko ay dinedeadma kami ng mga waiter nila at nagkwe-kwentuhan lang naman sila sa isang sulok. Nung may dumating na grupo na medyo nakapostura ay todo asikaso sila, napaisip tuloy ako, eto ba ay dahil: A) Suki sila sa lugar na yon. B) Dahil ba mukha kaming bagong salta at basang sisiw. C) Dahil hindi kami mukhang mayaman at mukha kaming hindi marunong magbigay ng tip. Hindi kase yun ang naexperience ko sa Greenbelt, kahit naka t-shirt lang kami ni payat ay inasikaso kami ng mga waiters doon.

Lahat ng larawan sa ibaba ay kuha ni Mapanuri.
Order ni SpiderHam
Cheesy Baked Macaroni Regular: Php 160.00
Macaroni noodles and chicken enveloped in mushroom sauce, topped with mixed cheeses
Native Coolers
Black Gulaman & Sago (70)
Moist Chocolate Cake (Php 70.00)
Order Ko
Linguine in Pesto Sauce Linguine:Php 195.00
Rich green basil sauce served on delicious linguine
Order ni Mapanuri
Chicken Pastel (Php 195.00)
Chicken chunks, carrots and potatoes with mushroom sauce deliciously eaten with flaky crust served with garlic rice or with Paella Rice
Mango Bravo (frozen) (Php 120.00)





Order ni KhantoTantra
Chicken Tocino (Php 125.00)


Mocha Frappe (125)



Oreo Cheesecake (Php 70.00)

Friday, August 6, 2010

Venetto Pizzeria San Lazaro


Last - Last week, pinanood ni mommy and eldest sister ko ang Cinco. Niyayaya nila ko pero ayoko dahil sobrang matatakutin ako. Ayoko nga pagudin sarili ko kakatitig sa kisame. Kase kapag nakakapanood ako ng joror hindi ko maipikit mata ko, naiimagine ko yung napanood ko, shiyeet lang diba. So nung sabado naman pag-uwi ko excited na binalita ni mommy na manonood naman daw sila ng Hating Kapatid, pero hindi nya ako ininvite, alam nya hindi na naman ako sasama.

Sunday, nakaplanong irenew ko ang contract sa SmartBro. Acutally nung April pa nila pinadala yung renewal form pero dineadma ko lang. Iniisip ko kase as long as nagbabayad kami monthly, automatic renewal na sya. Nakakatamad naman pumunta sa Smart Center haba ng pila tapos andae pang echeburetche na hihinging requirements. Pero tutal wala naman kaming planong magpalit ng internet provider at ayoko ng PLDT, kaya sige gora nalang sa pagrenew. Malamang itatanong nyo kung bakit ayoko ng PLDT, eh pano ba naman naka ilang bayad at balik ako ng aparato sa SM dahil laging sinasabi nila walang port sa lugar namin, Lech! nakakapagod pumila at magbayad ng paulit ulit ng hindi mo naman nagagamit yung binabayaran mo.

So going back, ayun si agent ng SmartBro ang pupunta sa bahay namin para sure na sure na irerenew ko ang contract and syempre may kumisyon sya dun. Ang available na freebies nalang eh HP printer, WD 320GB HD and cellphone. Dati merong SmartBro kit and Laptop, malamang ubos na. Dahil meron nakong Seagate 500GB, binigay ko nalang sa kuya ko yung WD 320GB HD, uy sweet sweet ko naman, hihihihi.

Nagreready na ang aking mother dear para sa date nila ng sister ko ng biglang nagbago isip ko at inimbitahan ko sarili ko sa date nila. Nasa SM na ate ko at nakabili na ng ticket for two, hindi naman kase aware ate ko na kasama ko kaya ako nalang bumili ng ticket ko. Oks naman yung movie, hindi sya corny and tawa ng tawa yung mga tao sa paligid namin.

After namin manood ng sine, naisipan ko itreat yun dalawa. Hindi mahilig sa Italian food ang nanay ko, gusto nya Chinese food. Si ate ang mahilig sa Italian food, kaya gumora kami sa Venetto Pizzeria.

Inorder namin Pesto Pasta with Chicken Php 235, Bacon CheeseBurger Half Php 105, Special Pizza Half Php 125, RootBeer Php 50, Coke Php 50 and Brewed Coffee Php 65.
Sa sobrang excitement, nakalimutan kong kuhanan ng picture yung main plate kaya yung plate ko nalang ang kinuhanan ko. Paumanhin at may kagat na yung bread, hahahaha hindi ko matiis gutom nako. Masarap yung pagkakaluto nung Pesto kaya naparami ang kain ko. Dahil sa hindi mahilig sa pasta ang nanay ko, napilitan talaga ko ubusin yung tira sa main plate.
Eto yung Bacon CheeseBurger Half and Special Pizza Half. Nasarapan kami sa Bacon CheeseBurger, i wonder kung bakit sinabing CheeseBurger eh hindi ko naman mahanap yung Burger (umiral na naman ka cornihan ko, pero promise hinanap ko baka may durog na beef patty pero wala kong nakita).

Nakita ko na tinatabi ni ate yung sibuyas pati ang green pepper

Ako: "Mommy tignan mo si ate oh, hindi kinakain yung sibuyas pati yung green pepper".
Mommy: "Beh, alam mo ba ang sibuyas pampaganda yan. Kikinis ang mukha mo at mawawala yung ubot sipon mo" (galing mambola ng nanay ko)
Ate: "Ows?, kumakain naman ako ng sibuyas kapag sa ulam, ayoko lang sa pizza"
Ako: "UU, Ate, niresearch ko ata yan. Ang sibuyas ay parang Anti-biotic, tumutulong magamot ang mga sakit natin! (huwow parang si kuya Kim Atienza lang!).
Ate: "Sige na nga kainin ko na

Ako: "Mommy, iniwan padin ni ate yung green pepper"
Mommy: "Beh, alam mo ba na punong puno ng vitamins ang green pepper"
Ate: "Ows, ano ba vitamins nito"
Ako: "Ang Chili at pepper, ang vitamins ng ating brains. Hindi sya pampatalino pero tumutulong ito para bumilis ang ating pag pick up or pampabilis magisip."
Ate: " Ah ganun ba, sige na nga kainin ko na nga din" (kinain ng ate ko para matigil kami ng mommy ko kakahirit hihihihi)

After naming kumain ay nagpa pedicure kami ng ate ko, nakakahiyang aminin pero virgin pa ang mga kuko ko sa paa. Actually, 30 minutes kaming naghatakan ng nanay ko papasok ng Spa dahil ayaw ng nanay ko na ipagalaw ang magaganda kong kuko. Nakailang beses ata sinabi ng nanay ko sa pedicurista na first time ko lang magpapa pedicure at wag sisirain ang magandang korte ng nails ko. Sabi nung pedicurista, opo ma'am obvious naman pong virgin pa yung kuko ng anak nyo, halatang hindi pa nagagalaw. Pinili ko eh bloody red, ang cute cute at ayun wala ng nagawa ang nanay ko. Cute naman ang kinalabasan eh.. wahihihi.. Ansarap makipag bonding, sayang at hindi nakasama yung isa kong ate, busy eh.
Kahit may sakit ang ate ko, ganda padin sa picture, winner! Hanggang sa muli..