Friday, December 10, 2010

Fats please go away


Ang larawan ay galing sa google

Hindi ko na maalala kung kelan ako huling kumain ng kakaiba sa labas. Hindi ko na maalala kung kelan ako huling naglakwatsa sa isang bongacious na restorant. Hindi ko na maalala kung kelan ko binundat ang aking tyan. Hindi ko na maalala kung kelan ako kumain ng bandehadong pagkain. Isa lang ang siguradong naaalala ko, matagal na kong nagda-diet.

Pero bakit walang epekto.., kaasar lang diba

Tamad ako magshopping, mas gugustuhin ko pang ilaan ang kayamanan ko sa mga pagkain kesa sa mga damit. Yan ang madalas naming pag awayan ng aking pinaka mamahal na motherdear.

Bunso kase ako, ( koneksyoness..?)

Promise, may koneksyon

Eto ang istorya, seryoso may kuneksyon talaga

Mga kapatid kong babaeng nakatatanda sakin pati ang aking motherdearest, mahilig sila magshopping ng damit. Every sweldo ata nila may bago silang damit. Motherdear ko naman sobrang kikay, sobrang fashionista! nakaka insecure much!! Ako ang ugly duckling saming pamilya. Aktuali truelaloo iyon dahil ako lang ang maitim samin. Kala ko nga dati ampon ako buti nalang kamukha ko yun ate ko kahit cheekbone lang sobrang happy na ko dun

Ako taga sapo ng mga pinag lumaan nilang damit, so no need na mag shopping. Ano pa't sasayangin ko ang aking kayamanan kung meron naman akong inaasahang damit na mapapasakin diba.. Ayan ang kuneksyon ng pagiging bunso ko, ang tagapag mana ng damit na pinag lumaan. Hindi naman sila talagang luma na luma na as in luma, yung tipong isa or dalawang suotan lang tapos palit wardrobe na uli. Kaya naisip ko na ilaan nalang ang mga kayamanan sa pagkain kase diba nga sabi ng iba, di bale ng gumastos basta pagkain

May dalawang okasyon akong pupuntahan, isa ang Xmas Partey ng kumpanya at pangalawa ay Kasal ng aking kaibigan. Nagsusukat ako ng party dress at formal dress na noo'y naisuot ko na, pero paksyet lang, bakit hindi na sila magkasya..? Yun yellow dress ko, kakabili ko lang noong September, Siyeeet tlaga, huwat hapen? 2 months lang naman ang nagdaan bakit hindi na sya magkasya. Pinagalitan ako ng aking motherdear, ayaw nya ipasuot sakin yung iba dahil luma na daw at malamang hindi magkakasya sa king malaking katawan. Naiiyak ako habang nagsusukat ng damit, anong nangyari bakit lumobo ako ng bongang bonga

Ah alam ko na, isisisi ko ito sa aking pagkakasakit. Nagkasakit ako ng tatlong araw, tatlong araw ako walang ginagawa sa bahay kundi nakahiga, tatlong araw akong hindi nakapag excercise. Sapat na bang dahilan yun para tumaba ako ng ganitech?! aheytreeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeet!!

5 comments:

  1. mukhang iba epekto ng sakit sayo kasi sa'kin pumapayat ako pagnagkasakit, hehehe..

    ReplyDelete
  2. minsan naman sa mga hindi mo inaasahang panahon e tsaka may magsasabi sayong pumayat ka.

    ako naman tumataba dahil sa stress. kaya stressed na stressed ako ngayon waaaaaaaah!

    ReplyDelete
  3. malamang dahil may nagaalaga sau.. ^_^

    ReplyDelete