Netong nakaraang weekend, nakisabit kami ni fluffy sa outing ng Team Bravo. Aktuali, dati ko silang team, 2 years ago bago ako mapromote sa position ko ngayon. Share ko sa susunod mga pinag gagagawa namin sa outing, uunahin ko nalang muna etong pauwi na.
Bago kami bumalik sa Manila galing Laiya, kumalam ang mga sikmura at naisipang umistambay sa Hap Chan. Noon pa ko nacucurious kung ano lasa ng mga pagkain nila. Ang sabi katulad lang ng mga pagkain sa Binondo, pero mainam nadin na personal kong matry.
Unang hinatid ang Nido soup with Quail Egg na good for 12 lang, pero nakiusap kaming gawing good for 13, kase 13 kami. Sila na mismo ang gumawa ng paraan para pagkasyahin sa labing tatlong tao ang soup.
(may nakiki extrang daliri, nagmamaganda hehehe LOL)
Sumunod naman na hinatid ang Hakaw at Sharks Fin, ang paboritong dimsung ng bayan. Hindi kilala ng mga kasama ko si Hakaw, kaya dineadma nila, naku naku naku kung alam lang nila kung gano kasarap yan.
Hindi puwedeng mawala ang chili paste sa lamesa, mas sumasarap ang pagkain kapag maanghang.
Ang boneless chicken na medyo baliktad ang shot ko, gutom na ata ako nung kinuhanan ko ng pekchur etong ulam na to.
Ang boneless chicken na medyo baliktad ang shot ko, gutom na ata ako nung kinuhanan ko ng pekchur etong ulam na to.
Syempre hindi puwedeng mawala ang paboritong Yang Chow, tatlong order sa tatlong lamesa ang inorder ni boombastic.
Beef Brocolli para maiba naman at para may maligaw na gulay, parang kami lang ata ni fluffy kumain ng broccoli parang hindi trip ng ibang kasama namin.
Ako nag suggest ng fish fillet kase ineexpect ko kasing sarap ng sa YingYing, well disappointed ako ng bonggang bongga. Wala sa kalingkingan as in!!.. Hindi sya masarap or siguro dahil nagexpect ako na masarap sya pero hindi na meet ang aking taste!
Sweet and Sour Pork, okay lang naman wala namang kakaiba sa lasa nya. Normal lang naman, walang kabooom kaboooom na lasa.
Birthday Noodle, aktuali may limang pirasong quail egg yan pero hindi na umabot sa pekchur kase naexcite mga kasama ko dinukot na nila.
At ang resibo Php 2,915.00 well mas mura padin sa Binondo.
may dumedma sa hakaw sa side ninyo??
ReplyDeleteansarap kea. hihhihih. sogbu to the max!!!
masarap talaga dyan sa Hap Chan...
ReplyDeleteNaglaway na naman ako sa Chinese Food!.. miss ko na yan.. Hakaw da best!. buti na lang hindi nila pinansin at least nasolo mo.. hehe
ReplyDeleteNatawa ako sa disappointment mo sa fish fellet.. haha
at ang MAHAL ng bill nyo!..
yun lang.. hehe
parang masarap yan :D
ReplyDelete