Pagdating namin sa center gate.. wooops bawal naka sinelas.. teka teka.. bakit marami akong nakikitang nakasinelas sa loob, bakit si fluffy ko hindi puwede..? Sige na nga ayoko ng away, balik nalang kami ni fluffy sa opisina para manghiram ng shoes. Dyahe naman kay Bully, nagjeep na kami para makabalik kami kagad.
Unang bumungad ang malaking Christmas Tree. Kapag nakasakay ako sa bus, tanaw na tanaw ko sya, sarap titigan parang pampakalma ng busy mong utak. Pang relax at truelaloo nakakatanggal sya ng stress
Maraming bata ang natutuwa sa bahay bahayan, puwede sila pumasok sa loob para maglikot likot at magpaikot ikot. Ako, gusto ko sana itry pero nahiya naman ako sa dalawang kasama ko baka isipin nila isip bata..
Nakakatuwang panoorin ang asawa ko.. wooops si fluffy pala, parang batang first time lang maipasyal. Masyado sya naaliw sa mga istatwa na nakakalat sa tabi ng poste. Nung una nga hindi ko maintindihan kung ano purpose ng mga yan. Nung pinagmasdan ko, nag aayos pala sila kunwari ng mga wires.
Hindi ito ang unang beses na icecelebrate namin ni fluffy ang Christmas na magkasama, pero eto ang unang beses na icecelebrate namin ito ng mag asawa, i mean ng mag boyfriend/girlfriend pala. Aktuali, una kaming nagkasama nung 2008, umorder kami ng Pizza para icelebrate ang pasko. Nung nakaraang Pasko, hindi ko maalala pero alam ko magkasama din kami.
anlupit ng mga shots. heheh. si fluffy mo akala ko tunay na kasama sa display.
ReplyDeleteang ganda naman dyan... feel na feel ko na ang pasko... =D Merry Christmas!!!
ReplyDeleteHi! I find your blog very interesting. Want to contact you formally. Where can I email you? - Krizzia
ReplyDeletehindi ako camera shy.. di ko lang talaga alam na kinukunan mo ko.. hehe
ReplyDeletesana lakihan pa nila ung Village next year para mas maraming attractions.. pwede natin balikan kasi ung lobby baka may christmas decors na.. :)
helo!
ReplyDeletemany times na rin akong nakavisit sa meralco na may decors na nakasetup, i think mga ilang years na rin ang nakalipas, hehe.... retiree kase mom ko dun.....
anyhow,
did you ride the train???
ako hindi ko pa nasusubok sa tanang ng pagpunta ko dun, ehehehe
xlinks? :)
Thanks grreat post
ReplyDelete