Monday, December 6, 2010

Laiya Batangas


Team Building ng dati kong team, ang Bravo. Hindi ko na knowing ang mga bagong miyembro, imbis na ako ang magplus 1 kay fluffy, ako pa ang naging plus 1 dahil sya ang inivite ng Bravo.

Aalog alog kami sa sasakyan ni boomthebitbox kase apat lang kaming laman, the rest nagsiksikan sa sasakyan ni Igih? Tama ba ang name..? pasensya na at mahina talaga ako sa names ng mga bagong miyembro, basta ang alam ko kalog yung newbie na yun

4PM ng makadating kami sa Laiya dahil sa dami ng stop over pero oks lang atleast nakakapag stretching kami. Naghahanap kase sila ng mabibilhan ng pang toma, gusto nila The Bar eh wala atang mahanapan out of stock sa iba

Nang makarating sa Sigayan Bay Resort, naghanap kagad ako ng mapupwestuhan (parang pusa lang noh) kase wala pa akong tulog galing ng night shift. Medyo makulimlim ang paligid nagbabadyang uulan ng malakas. After makahanap ng puwesto, nagsimula ng magtomahan at mag prepare ng mga lulutuin at pang pulutan.

Sinabi sakin ni fluffy na magpalit na ko ng damit bago ko ituloy yung mga ginagawa ko. Pagpasok ko sa CR may nakita kong parang bolang tumatalbog talbo sa dingding weird lang. Nung tinitigan ko shiyete otso nuwebe, palakang green na mas malaki pa ang paa kesa sa buong katawan. Hindi ako makalapit sa pinto baka talunan ako, nagiisip ako ng strategy kung pano ko makakalapit sa pinto ng hindi sya mabubulahaw. Powtek tumalon na naman, kelangan ko na lumabas bago ako dikitan nitong slimy thing na to. Pagbukas na pagbukas ng pinto sumabay sya ng talon malapit sa pinto. SHIYEEEEEEEEEEEEEEEEEEEET!!! napatayo lahat ng tao sa loob ng kwarto, nataranta si fluffy sabay akap sakin sa CR akala nya kung napapano nako. Tinuturo ko yung palaka pero hindi nya makita, hanggang si mcdo ang sumilip nakita nya nasa inodoro si slimy thing. Badtrip lang sobrang tinakot nya ko promise!


Si Khantotantra naka pose kasama ang baso na may lamang The Bar Lemon and Lime at Sprite. Si Fluffy tuwang tuwa na parang bata ang cute cute lang..hehehe *kilig*. Sa sobrang antok at walang tulog maaga akong pumasok sa kwarto, yung iba nagswimming habang umuulan at tinuloy ang inuman hanggang madaling araw.

Kami ni Fluffy ang pinaka maagang nagising at tumambay kami sa labas at nilibot ang lugar. Medyo umaambon, nanganganib hindi matuloy ang inaabangan snorkling. Inantay nalang namin magising ang iba para makapag luto ng agahan

After magsikain ng agahan, kahit malakas ang ulan pinilit naming matuloy ang snorkling kase sayang naman ang pinunta kung hindi matutuloy noh.. parang dumayo lang ako sa malayong lugar para matulog..

Sobrang lakas ng ulan and hangin, nangangatog na kami kaya lumalapit ako kay Khantotantra. Nung una hindi ko getch kung bakit may dalang sopdlink si Khantotantra.

ROAR!! Team Bravo!!


Hindi pa kami lumalangoy nyan pero para kaming basang sisiw sa lakas ng ulan. Hindi pa nauupload yung pektyur namin nung nagsnorkling kami, ihahabol ko nalang sa susunod na entry ko.

Pagkabalik namin sa resort, ligong ligo ako dahil malagkit yung pakiramdam. So dali dali akong nag ayos ng gamit para makapag ready na sa pagligo. Chineck ko muna baka andun uli si slimy thing bago ko isarado yung door. Gamit kong shampoo yung head and shoulder cool menthol (abah nag endorse pa!) na tatlong sache at isa lang nagamit ko, yung isa gagamitin ni fluffy. Segundo lang ata pagitan ng lumabas ako sa CR at pumalit si fluffy kase kelangan namin magmadali sa pagligo at hanggang 12nn lang kami dun. Biglang lumabas si fluffy hinahanap yung shampoo, sabi ko asa tabi lang ng sabon. Pumasok ako sa CR, hala wala nga yung shampoo eh dun ko lang naman iniwan yun, may mumu ata sa CR at biglang nagdisappear ang shampoo.. tsk tsk tsk.. dont tell me slimy thing ninenok mo ang shampoo namin, your so mababaw huh!
Kaasar lang after naming mag impake paalis tsaka lang umaraw.. ka badtrip lang diba!

Stop Over namin sa Hap Chan previous entry ko, nauna pah.. hahahhaa..

3 comments:

  1. ahahah. ikaw pa pala ang plus 1. :p

    ReplyDelete
  2. Aww... nag enjoy talaga kayo sa team building event nyo ha. Sa 3rd picture, halata ngang nangangatog na kayo. Hihi... pero masarap kayang maligo sa dagat kapag umuulan.. Parang.... may shower sa isang malaking pool. =)

    Paalis na kayo, dun na umaraw. Hehehe... Nang-aasar talga.

    Dumaan dito.. =)

    ReplyDelete
  3. What a fun team building! Ang lamig ng tubig pag dec.!

    ReplyDelete