Monday, March 21, 2011

Ilocos Trip: Hidden Garden


After Baluarte, dito naman kami dinaan ng trike sa Hidden Garden. I don't know what to expect basta bahala na si Batman kahit saan mapadpad, ang importante masaya kaming apat. Hindi ko maintindihan kung Lilong at Lilang or Silong at Silang.. basta kayo na bahala kung ano pagkakabasa nyo jan. ^_^


Pagpasok namin, na caught ng mga wood sculptures ang attention ko pero may isa akong nagustuhan, etong nasa ibabang larawan. Napaka amo lang tignan ng mukha nung angel. Gusto ko sanang bilhin pero nakita ko ang presyo, may kamahalan pala ang wood sculptures kahit maliit lang. Para magkaron ng remembrance, ayan kinuhanan ko na lang ng picture.

Merong parang altar na puro Santo Niño ang nakakatuwa dito ay yung man made falls. Hindi nyo maaapreciate yung picture, mas maganda sya sa personal pwamis!


Meron donation chuva na puro perang papel, wala ata akong baryang nakita. May mensaheng "Dont throw it in the water", malamang kung itatapon nila sa tubig yun perang papel eh di lumutang lutang yan at madaling mabingwit at malamang isa kami sa namimingwit.. hihihi LOL juk juk lang po. Hindi naman namin gagawin yun kase nga donation yan para sa Santo Niño.


Isa pang nakakatuwa dito yung "Please use me properly" "Gets Mo?".. Hulaan nyo kung ano yan... hihihihi.. tan-ta-na-naaaaaaaaaaan.. actually hindi nakunan yun ibaba pero basurahan yan.

Nakakita kami ni Fluffy ng bench, syempre hindi puwedeng walang photo ops. Feeling "Lover's Bench" habang napapaligiran kami ng mga nag ku-kyutang bonzai, sweet sweetan ang posing.


Etong dalawa si Mapanuri at Blogging Puyat hindi ko alam kung anong trip! Naisipang maglaro ng spin the C2 bottle game. Hindi ko na inalam kung ano pinag uusapan nila basta gusto din nila ng photo ops habang finifeel ang upuang gawa sa clay. Malamig ba sa puwet yung upuan..? hmmm.. kase ang alam ko trip ng mga elephante ipintura yan sa kanilang katawan para malamigan ang kanilang balat.. wala lang bigla lang pumasok sa isip ko.. parang trivia lang.. hehehe..


Bago kami umalis ng Manila, lagi ko binabanggit sa mga kasama ko na hindi puwedeng hindi namin tikman ang empanada. Habang naglalakad, nagtanong ako sa isa sa mga care taker kung saan may masarap na empanada sa lugar. Sabi meron daw nagtitinda sa bandang entrance ng empanada, mega gora kami sa entrance at mega hanap ng empanada. Na-amaze ako sa laki ng size, pero hindi ko natripan ang lasa. Parang ilang days na sya naka display sa tindahan. Meron akong natikmang masarap na empanada, binili namin sa tabi ng terminal ng trike sa Laoag. Mas nagustuhan ko yung lasa kahit sa tabing kalye sya ginawa, mas malasa at kitang kitang bagong gawa at bagong luto. Mas malinamnam talaga at malasa ang sangkap. Sayang at hindi ko nakuhanan ng picture kase nagmamadali na kami pabalik ng airport baka maiwanan kami ng flight pabalik ng Manila. Paumanhin wala akong maipo-post na resibo kase hindi kami binigyan. ^_^


Pwamis sa next entry ko Pagudpud na. yihieeeeeeeeeee..

Wednesday, March 16, 2011

Ilocos Trip: Baluarte ni Chavit


Maagang nagsigising dahil nag aantay na sa labas ang trike na inarkila ni Mapanuri. Medyo pricey yung presyong binibigay samin na service P80 per hour. Dalawang trike ang kukunin dahil hindi kami kasyang apat sa isa lang. At pano kapag nag enjoy kami sa Baluarte at naisipang magstay ng 2 hours syempre iba pa yung oras ng byahe. Mahal sya for me parang presyong taxi na dito sa Manila.




Welcome to Baluarte, dahil maaga kami, wala pang masyadong tao kundi mga care taker. Impeyrnes, natuwa ako at libre ang entrance at mabilis pa ang wi-fi, sosyal!

Unang bumungad ang Ostrich, sobrang tuwa ko naman dahil hindi nakakulong mga animals dito. Parang kong stalker habol ng habol para magpapicture.

My bayad magpa pektyur sa Parrot pero nalimutan ko na kung magkano, apat kaming nagpa pektyur ambag ambagan. Medyo stiff ako, nakakatakot matuka sa mukha.

Napagkatuwaan ni Fluffy at Mapanuri yung mga Dinosaur sa background. Kunwari hinahabol daw sila. Lakas mag trip lang.. tsk tsk tsk.. hahaha..


Mahangin at malamig sa Baluarte pero feeling ko nanhina ako sa haba ng nilakad ko, or dahil mataba ako kaya mabilis ako hingalin. But nwei, nagstart na naman ako magdiet kaya next na dalaw ko jan hindi nako manghihina. Last na pinuntahan namin ang mga kulungan ng tiger, isang lalaki at isang babae. Nakipag kwentuhan ang tatlong kasama ko sa care taker ng mga tiger habang pinaliliguang ang mga to. Ako naman naka tulala sa labas, nagtatanggal ng hingal. After namin pektyuran ang mga tiger, madaliang baba dahil my iba pa kaming pupuntahan.

Sa susunod naman ang kuwento sa Pagudpud..

Wednesday, March 9, 2011

Ilocos Trip: Vigan



Ilocos Trip part 1 : Laoag

Hayz tagal ko naging hiatus, paumanhin at ngayon lang uli ako nakapag update ng blog. Eniwei, ikukwento ko senyo ang pagbisita ko sa Vigan. Day one padin naman pero after Laoag, bumyahe kagad kami sa Vigan. Umabot din ng mahigit dalawang oras bago nakarating sa Ilocos Sur. Around 7pm ng makarating kami sa landmark na Library. Humingi kagad ng mapa ng lugar para hindi maligaw.





Malamig sa Laoag pero mas malamig sa Vigan, siguro dahil gabi na kaya ganun. Nakakapanibago dahil wala ng masyadong tao sa kalye, unlike syempre dito sa Manila 24 hours may mga nakakalat na tao at nagsisi byahe papasok sa mga trabaho. Naisipan muna namin puntahan yung tutulugan namin, ang Casa Teofila. Nag wash lang ng mukha, nagpalit ng damit at iniwan ang mga bagahe tapos diretso Calle Crisologo, ang sikat na kalye sa Vigan.

Well anong oras lang yan, siguro mga bandang alas otso pero kami nalang ang naglalakad sa street na yan. Meron pang mga bukas na tindahan pero nag aayos na sila para magsara. Mga natatamad na silang sagutin yung pagtatanong namin ng presyo, siguro excited na sila makauwi sa bahay. Nawalan na kami ng ganang mamili, kaya tumingin tingin nalang.


Nafifeel ko nadin ang gutom, sabi ko sa kanila ayoko kumain sa Mcdo or Jolibee, syempre gusto ko matikman ang luto sa Ilocos. Naghanap kami ng karinderia or kahit anong makakainan. Meron daw dun street dining pero kaasar much lang akala ko mumurahin nakakaloko, fine dining din sya.. sa kalye lang nakalagay ang mga lamesa at upuan. Sa bagay may point din naman, street dining.. asa kalye ang pagkain pero expensive much ang presyo.



Finally, after kakalakad ng kakalakad, nakahanap kami ng karinderia pero pa close narin sila. So, madaliang init ng ulam at madaliang kain din ang ginawa namin. Medyo bitin parang hindi sumabit sa lalamunan ko yung kinain ko. Inorder ko gulay, nakalimutan ko inorder nila, buti yung mga boys hindi nabitin sa food, siguro likas na matakaw lang talaga ko.



Pagkatapos kumain, lakad lakad uli hanggang makita namin ang mga fast food like Jolibee, Mcdo, Chowking at iba pa. Nagpa picture muna kami sa Vigan Cathedral, sa labas lang kase gabi na sarado sila.

Dito kami nagtagal sa maliliit na .... na..... hindi ko maalala kung ano tawag jan sa mga yan.. napagkatuwaan ni Mapanuri at Blogingpuyat.. nagpektyuran sila ng nagpektyuran.. astig ni Blogingpuyat hindi manlang nangatog sa lamig, kaming matataba nanginginig na sa kahit naka jacket.. dinadaan lang ata nito sa tawa yun ginaw.

Hindi ko mapigilan, bitin talaga yung kinain ko, hindi ko natiis nagpabili ako kay fluffy ng large fries, burger at coke sa jabeee..

After ng konting kwentuhan at kainan.. aik ako lang pala kumain uli.. ayun after kwentuhan, bumalik na kami sa Casa Teofila dahil maaga pa kami magsisigising kinabukasan para sa lakad namin sa Baluarte.. Kuwento ko sa next entry ko.. pwamis.. next week yun next entry ko..