November of last year nag propose si Fluffy, after a week inasikaso na namin ang pagpapareserve ng simbahan at reception. Ang nakasanayan kapag my kasal, sa restaurant or hotel ginagawa. Unang pumasok sa isip ko ang Diamond Hotel, hahahahah AS IF naman afford pero wala naman masamang mangarap diba.. hahahaha.. So naghanap ng ibang hotel na near sa Malate Church, ang sinasuggest nila is Citistate Hotel dahil yun daw ang partner ng simbahan nila.
Citistate Hotel is located at Ermita, we checked the place, prangkahan na pero hindi friendly yung mga nakausap namin at isang tanong isang sagot. Hindi man lang kami sinales talk parang what you see is what you get, yun lang ang kaya naming ibigay na service kung ano lang meron kami at hindi kami magbibigay ng extra effort para maplease kayo.. parang ganun ang dating sakin. Paumanhin sariling opinyon ko po ito. Tinanong ko yun hagdan (sabay turo) kung dun ba ako bababa incase magpareserve kami sa hotel nila, medyo mataray ang sagot. Aaminin ko, mura ang mga packages nila at maraing beses nako naka attend ng mga events at occasions na ginawa sa hotel na yun. Okay naman ang food pero ang gusto ko eh maganda ang customer service at customer experience. Anyway okay lang na hindi sila friendly kase hindi naman ako magpapareserve talaga sa kanila at ayoko ng supplier na sakit sa ulo at mahirap kausap.
Manila Grand Opera Hotel is located at Doroteo Jose near LRT 1, Base sa website nila "It is a 5 Star hotel at the rate of a 3 Star hotel", by the way 3 years palang ang hotel nila ngayon. Unang pasok palang sa lobby, hindi mo ieexpect na may ganung kagandang 5star hotel sa D.Jose. Kapansin pansin ang wall na may big portrait ng mga artistang nagperformed noon sa Opera. Pinasyal ako ng unang agent na nakausap ko, na love at first sight na naman ako. Pumunta kami sa function hall nila, amoy bago unlike sa ibang hotel amoy musty. Binalita ko kay fluffy na maganda yung place and wala nakong planong maghanap pa ng ibang reception.
Second time na balik kasama ko na si fluffy, dun namin na meet si Genecris Clark, Assistant Sales and Marketing Manager. Sobrang friendly at sobrang jolly, pinasyal kami sa function hall nagkataon na may debut at reception. Pinakita kung pano ang arrangements ng tables, yung stage, and yung flower arrangements. Pinasyal din kami sa room na posibleng pag-stay-an namin, pinakita nya na malaki at maganda yung bathroom. Pinuntahan din namin ang pool area at kung saan saan pa. Sinabi din nya ang kagandahan ng hotel nila compare sa ibang hotel, at kung bakit ang hotel nila ang kelangan piliin para sa reception. Sobrang natuwa ako sa kanya promise kaya hindi na nagdalawang isip pa, nagdecide na kami ni fluffy na YUN NA!
Pinili naming food Corn Soup, Vegetable Salad, Seafood Chopsuey, Korean Beef Stew, Lemon Chicken, Fish Fillet, Pasta Alfredo at pastries. Hindi kami pumili ng pork dahil magdadala ng Lechon family ni fluffy.
Seafood Chopsuey, not your ordinary Chopsuey. Crunchy yung gulay masarap nguyain. May malalaking piraso ng fish at squid.
Eto ang nagustuhan ni fluffy, kung titignan sa picture parang ordinary fried chicken lang sya pero hindi. Oat crusted chicken kaya crunchy, at may lemon blast that makes it unique. Nang tanungin ko ang mga guest, patok daw tong chicken na to hindi lang sa mga bata pati sa matatanda. At take note mabilis syang naubos.
Cream Dory Fish Fillet, favorite namin ni fluffy. Eto ang pinaka patok na nag iwan ng marka sa mga guest. Kapag tinatanong eto unang unang sinasagot, ibang klase ang pagkakaluto sa fish fillet na hahanap hanapin mo. May mga lumapit pa sakin at tinatanong nila kung may fish fillet pa, sagot ko hindi ko alam kase yun food namin ni fluffy sinerve sa table namin, yun sa mga guest syempre asa buffet table.
Last is Korean Beef Stew, aaminin ko hindi ako fan ng beef dahil hirap ako ngumuya dahil hindi ako nagretainer after mag pa brace. So kapag matigas ang food, nagsisi ugaan lahat ng ngipin. Infairness to this food, malambot ang pagkakaluto and spicy. Eto ang nag iwan ng marka kay Mapanuri ay hindi na nga pala Mapanuri ang gamit nya kundi http://jeffzapanta.com/ na.
Si Khantotantra lahat ng food nagustuhan nya (tama po ba?) at si Spiderham hindi pa ata natatanong kung ano nagustuhan nya sa mga handa namin.
Wala akong picture ng Vegetable salad, pasta Alfredo at pastries na inupgrade nila into cake. Sobrang busy at hindi ako magkanda ugaga nung reception, picture dito picture doon pero nakalimutan naming kunan ng picture ang mga food kaya hindi ko mapapakita senyo ang presentation nila.
Over all experience, THE BEST! Great Customer Experience, Great Service, Very Satisfied with the presentation, service and food. I highly recommend this hotel sa mga magdedebut at ikakasal, sobrang satisfied ako with them. I highly commend Genecris Clark and Jamie for the job well done. Keep up the good work for the great job and effort.
Sa tabi ko si Genecris Clark, sa tabi ni fluffy si Jamie at ang nasa harap namin si Canon, friend namin at isa sa host ng reception.
Genecris Clark Assistant Sales and Marketing Manager. 09228862210 and 09162061058