Image above was taken by Lightshapers
In other countries (naks! umi-english nako) partikular na ang America hindi na bago ang ganitong sapatos sa ikakasal. While doing a research for my wedding, may nakita kong Same Day Edit Video na naka Converse high cut shoes ang bride, ASTIG!
Binanggit ko kay mommy na i'm planning na ganun ang isusuot ko sa wedding, hala! tinawanan lang ako, kala nagbibiro.. sige isusurprise nalang kita. Gusto din mag Chucks ni Fluffy, yun nga lang hindi pinayagan ni nanay. Binili namin to nung January then binuro sa likod ng TV sa kwarto, take note November ginawa ang kasal so ilang months sya nakatago dun.
May mga ibang kaibigan at kaopisina akong nasabihan pero syempre nagdoubt sila na gagawin ko, kasal yun at ang mga matatanda at magulang conservative, malamang sa malamang hindi papayagan. Pero ang ibang guest and relatives walang idea na ganyan isusuot ko, surprise nalang. Ilang buwan ang lumipas dumating ang Oktubre, hindi parin makapaniwala si mommy na talagang sineseryoso ko ang ideya ng pagsusuot ng Chucks sa kasal. Ilang beses sya nagtanong sa mga kapatid ko kung uso ba talaga sa panahon ngayon at hindi ba ko magmumukhang tanga. Ilang beses din nya ko pinilit bumili ng pangkasal na sapatos or sandals pero wala talaga matigas ulo ko.
Dumating ang araw ng kasal, naglalakad sa isle ng simbahan.. ang haba ng trahe ng wedding gown ko.. biglang kong naisip.. buti nalang naka Chucks ako, kundi, malamang kanina pako natapilok. Sa totoo lang binagalan ko talaga ang paglalakad, ninamnam ang bawat hakbang.. eto ang isa sa highlight ng buhay ng isang babae, ang maglakad sa mahabang isle papunta sa altar. Kakaiba ang pakiramdam sobrang saya na parang kinikiliti ang buong katawan dahil sa halong kaba, nerbyos at kaligayahan. - Ang Corny ko ba? hindi kase ako makahanap ng tamang word/s para idescribe kung ano yung naramdaman ko nung araw na yun. Hindi ko din nga pala pinaalam kela Father baka pagalitan ako, strict kase ang simbahan.
Pag dating sa reception dun na pinarating sakin ng mga guest and relatives na nagulat sila sa suot ko and bumagay naman daw sa gown. Sobrang astig.. puro ganung reaction mga narinig ko sa kanila. Natuwa naman ako kase nagustuhan nila ang sorpresa at hindi naman ako nagmukhang baduy sa suot kong sapatos. Sa panahon ngayon wala namang masama kung ipaglalaban mo kung ano ang sa tingin mong babagay sayo.. hehehe may ganun ganun pakong nalalaman.. alam ko namang hindi kokontra mommy ko sa plano ko eh.. hehehe.. sabi nga nya.. kung saan ako masaya at kung ano gusto ko sa buhay susuportahan nya ko..
Oh diba sobrang tuwang tuwa mga abay ko.. actually lahat ng abay sa side ko mga pamangkin ko na sila.. mga kasing laki ko na yang mga yan at mga dalaginding na.
cute naman at bagay naman sa motiff yung shoes. kering keri! :D
ReplyDeleteganda naman ng chucks! si Kristine hermosa naka chucks din nung kinasal
ReplyDeleteThanks.. cute din yun kay Kristine Hermosa.. white yun kanila
Deletewahaha! kamotif talaga...
ReplyDeleteay naku di pa ako nakakapagprocess ng wedding pictures
COOL!!!!!!!! haha...teka nga nalilito me sa date...pero congrats sa kasal..kala ko ikakaasal ka pa hehe %^^
ReplyDeleteThanks.. kinasal nko nyan.. :)
DeleteStunning!
ReplyDeleteThanks =)
DeleteI see lots of bride nowadays go into sneakers rather than high heels. Maybe, it is more comfortable for them. Anyway, you rock!
ReplyDeleteYes.. mas komportableng isuot pra iwas talisod
Delete