Matagal na tong entry, late na napublish sobrang busy sa pagpeprepare ng wedding ko nang time na kumain kami dito.
Ang ifi-feature ng blog ko ngayon ay ang Pho-Hoa - Vietnamse chain serving noodle soup, sa Robinsons Manila branch kami pumunta. Birthday ng sister ko, nagpalibre lang kami ni motherdear, bihira lang naman kase magkakitaan kaya napa OO si sister.
Okay simulan ko na ang entry...
Sriracha Hot Chili sauce - eto ang chili sauce na hindi maanghang sa dila pero gapang na gapang sa lalamunan as in nakaka-samid! ramdam na ramdan ang hagod nya pababa ng stomach papunta sa intestine. Hosha over na ang pagkaka describe. Next....
Ang iba dito hindi ko na maalala ang mga pangalan, magiwan nalang kayo ng comment para sabihin ang mga namesung ng mga food. So ang food sa taas, lumpia na may kasamang pansit bihong puti. Aaminin ko mabenta sakin tong lumpang to. So pano sya kainin, ganito.. yun lumpia ilalagay sa lettuce kasama yun bihon at cucumber tapos irorolyo tapos isasawsaw sa suka.. ganun ka simple.. kelangan kamayin dapat walang kaarte arte..
Eto naman ang mabenta sa ate ko, lumpiang my bihong puti sa loob na isasawsaw sa matamis na peanut butter. Actually simple lang naman yun lumpia, nagpasarap eh yung sawsawan.
Next.. Pork and Chicken with lumpia. Hindi ko na talaga maalala mga name ng food na inorder namin. Eto hindi namin nagalaw kaya pinabalot nalang then kinain namin ni mommy sa bahay.
Masarap naman pala mga food sa Pho Hoa, simple lang, kung titignan mo madali lang makahanap ng ingredients sa palengke at madali lang gawin ang presentation ng food. But there's something sa mga sawsawan nila like yung vinegar and yung peanut butter, yun yung nagpasarap sa simpleng menu nila. Gusto ni fluffy na dalhin ko sya sa PHo- Hoa pero sabi ko sa kanya wala pakong planong bumalik jan.
sarap naman, siguro same lang ng lasa pag sa pho hoa ng RBC ako kakain. :p
ReplyDeleteYummy! Gusto ko yung fresh spring rolls nila!
ReplyDeleteGood luck sa iyo at sa magiging pamilya.....
ReplyDeletegrabe, mukang masarap lahat nga ah. Pag nag pu food trip ako, dinadaan daanan ko lang to, para kasing usual lang. pero reading your post, parang wanna try this na this time. Kaw lang nag post na ganito na binasa Ko. hehe, thanks for this entry.
ReplyDeleteayus... kakain kami sa Pho Hoa sa Friday!
ReplyDelete