Citistate Hotel is located at Ermita, we checked the place, prangkahan na pero hindi friendly yung mga nakausap namin at isang tanong isang sagot. Hindi man lang kami sinales talk parang what you see is what you get, yun lang ang kaya naming ibigay na service kung ano lang meron kami at hindi kami magbibigay ng extra effort para maplease kayo.. parang ganun ang dating sakin. Paumanhin sariling opinyon ko po ito. Tinanong ko yun hagdan (sabay turo) kung dun ba ako bababa incase magpareserve kami sa hotel nila, medyo mataray ang sagot. Aaminin ko, mura ang mga packages nila at maraing beses nako naka attend ng mga events at occasions na ginawa sa hotel na yun. Okay naman ang food pero ang gusto ko eh maganda ang customer service at customer experience. Anyway okay lang na hindi sila friendly kase hindi naman ako magpapareserve talaga sa kanila at ayoko ng supplier na sakit sa ulo at mahirap kausap.
Second time na balik kasama ko na si fluffy, dun namin na meet si Genecris Clark, Assistant Sales and Marketing Manager. Sobrang friendly at sobrang jolly, pinasyal kami sa function hall nagkataon na may debut at reception. Pinakita kung pano ang arrangements ng tables, yung stage, and yung flower arrangements. Pinasyal din kami sa room na posibleng pag-stay-an namin, pinakita nya na malaki at maganda yung bathroom. Pinuntahan din namin ang pool area at kung saan saan pa. Sinabi din nya ang kagandahan ng hotel nila compare sa ibang hotel, at kung bakit ang hotel nila ang kelangan piliin para sa reception. Sobrang natuwa ako sa kanya promise kaya hindi na nagdalawang isip pa, nagdecide na kami ni fluffy na YUN NA!
Seafood Chopsuey, not your ordinary Chopsuey. Crunchy yung gulay masarap nguyain. May malalaking piraso ng fish at squid.
Eto ang nagustuhan ni fluffy, kung titignan sa picture parang ordinary fried chicken lang sya pero hindi. Oat crusted chicken kaya crunchy, at may lemon blast that makes it unique. Nang tanungin ko ang mga guest, patok daw tong chicken na to hindi lang sa mga bata pati sa matatanda. At take note mabilis syang naubos.
Cream Dory Fish Fillet, favorite namin ni fluffy. Eto ang pinaka patok na nag iwan ng marka sa mga guest. Kapag tinatanong eto unang unang sinasagot, ibang klase ang pagkakaluto sa fish fillet na hahanap hanapin mo. May mga lumapit pa sakin at tinatanong nila kung may fish fillet pa, sagot ko hindi ko alam kase yun food namin ni fluffy sinerve sa table namin, yun sa mga guest syempre asa buffet table.
Last is Korean Beef Stew, aaminin ko hindi ako fan ng beef dahil hirap ako ngumuya dahil hindi ako nagretainer after mag pa brace. So kapag matigas ang food, nagsisi ugaan lahat ng ngipin. Infairness to this food, malambot ang pagkakaluto and spicy. Eto ang nag iwan ng marka kay Mapanuri ay hindi na nga pala Mapanuri ang gamit nya kundi http://jeffzapanta.com/ na.
Si Khantotantra lahat ng food nagustuhan nya (tama po ba?) at si Spiderham hindi pa ata natatanong kung ano nagustuhan nya sa mga handa namin.
Wala akong picture ng Vegetable salad, pasta Alfredo at pastries na inupgrade nila into cake. Sobrang busy at hindi ako magkanda ugaga nung reception, picture dito picture doon pero nakalimutan naming kunan ng picture ang mga food kaya hindi ko mapapakita senyo ang presentation nila.
Over all experience, THE BEST! Great Customer Experience, Great Service, Very Satisfied with the presentation, service and food. I highly recommend this hotel sa mga magdedebut at ikakasal, sobrang satisfied ako with them. I highly commend Genecris Clark and Jamie for the job well done. Keep up the good work for the great job and effort.
Sa tabi ko si Genecris Clark, sa tabi ni fluffy si Jamie at ang nasa harap namin si Canon, friend namin at isa sa host ng reception.
Genecris Clark Assistant Sales and Marketing Manager. 09228862210 and 09162061058
Sino kumuha nung last picture? Moomoo o tripod?
ReplyDeletetripod =)
DeleteUu, lahat..... basta food... :D kung hindi lang ako nagkaroon ng allergy sa fish..... baka nagpadami ako ng servings sa fish :p
ReplyDeleteits good na ang pinili nio ay yung hotel na maasikaso kasi its better to have a wedding na good vibes kayo (as if naman may alam ako sa kasal. ahahaha).
sarap ng food noh.. hehehe..
DeleteI think isa lang ang owner ng Citystate Hotel and Manila Grand Opera Hotel.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletewow kinasal na pala you..nacurious ako sa oat crusted chicken! haha...ordinaryo nga lang tingnan noh pero base sa description..katakam takam ah..congrats ^_^
ReplyDeletemasarap sya promise!
Delete@Sendo: Thanks =)
ReplyDeleteay ang ganda! mura ba ang packages nila? balak ko kasi sa birthday ng anak ko... hehehe (1st bday pa lang)
ReplyDeleteyup mura po package nila.. mabait at madaling kausap si Genecris Clark Assistant Sales and Marketing Manager. 09228862210 and 09162061058
Deletesabihin mo nirefer ko para bigyan ka ng mas magandang package
Hi! :) Magkanu ung range ng packages nila?
ReplyDeletemgkanu pu kya ang per head nila sa buffet?
ReplyDeletesobrang thank u pu
Hi hm po kaya wedding packages nila huhuh nag hahanap po kasi ako manila area. Yun swak sa bujey
ReplyDeleteHi, how much po ung reception niu sa manila grand opera? Ilang pax po? Thanks.
ReplyDelete