Thursday, April 12, 2012

Hanimun sa Bohol Part 3 - Countryside Tour




Hanimun sa Bohol Part 1 - Bohol Bee Farm
Hanimun sa Bohol Part 2 - Whites and Greens Resort
Hanimun sa Bohol Part 3 - Countryside Tour
Hanimun sa Bohol Part 4 - Dumaluan Beach Resort
Hanimun sa Bohol Part 5 - Island Hopping

Naikwento ko na sa mga naunang entry kung pano namin na diskubre ang Dumaluan Beach Resort. Dito kami dumadayo sa tanghali at gabi para kumain, pero ang breakfast sa White and Greens Beach Resort.




Sa unang gabi, eto ang inorder ni Fluffy: Slow Roast Pork Belly P280 Barbeque Glazed Pork Belly Roast till Fork tender served with Buttered Vegetables and Parsely Rice. Masarap at malasa ang Parsely Rice, ang Roast Pork Belly infairness masarap ang sauce. Malambot at madaling kagatin ang pork.






Naaalala ko sa Buon Giorno, umorder ako dati ng Penne All Arrabiata P294, na sobrang sarap kaya naisip ko itry ang version nila. Arrabiata Penne Pasta P190 Sauteed Smoked Bacon with Chili Flakes and Tomato Sauce Tossed in Penne Pasta Served with Garlic toast. Naenjoy namin ang unang gabi at ang food sa resto na to kaya naisip namin dito nalang kumain habang nasa Bohol.




Sa second day, nag lunch kami sa Loboc River (check my previous entry CountrySide Tour). Dinner balik Dumaluan, medyo nahihirapan mamili ng kakainin kaya naisip ni Fluffy ulitin nalang yung Slow Roast Pork Belly. Ako naman inorder ko Baby Back Ribs P380 Hickory Glazed Slow Roast Ribs served with Buttered Vegetables and Java Rice. Medyo hindi consistent ang pagpapalambot nila ng mga meat, may katigasan ang Slow Roast Pork Belly and ang Baby Back Ribs ayaw humiwalay sa buto. Tsk tsk tsk.. na-sad ako bigla. Di bale puwede pa naman bumawi kinabukasan.






Third Day, Halfday lang ginawa namin sa Island Hopping, kwento ko nalang sa next entry kung bakit. Syempre dumayo uli kami ng kain sa kabilang resort. Inorder ni Fluffy Grilled Chicken Bacolod P280 Marinated Half Chicken in Garlic and Thyme served with Garlic Cranch Dip Rice and Papaya Relish. Dahil ayoko mag experiment at mag try ng iba, parang nadala sa Baby Back Ribs.. kaya balik Arrabiata Penne Pasta nalang ako.






This time nag try kami ng dessert, Brownie Ala Mode! with fresh fruits - manggo and watermelon cuts. Paumanhin akalimutan ko ang presyo





Tamang trip lang!






Sa huling gabi isang order nalang ginawa namin. This time Mama Lou's Kare Kare P320 Slow Braised Ox Tripe and Beef in Pureed of Peanuts served with string Beans, Pechay, Banana Heart and Sweet-Spicy Bagoong. Good for 2-3 person, hindi namin naubos ni Fluffy sa dami. Lasang lasa ang peanut, yumyum sarap! Ayan parang gusto ko tuloy kumain ng kare kare :(




Kapag bumalik kami ng Bohol, malamang dito na kami magpapabook para hindi na namin dadayuhin yun resto. Naenjoy ko masyado ang live band nila lalo na laging BossaNova ang tugtog, sarap sa tenga.. malamig pakinggan.

13 comments:

  1. masaya yung river watch. ang cool. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yup.. masaya ang river watch buti nlng tlga lunch time kami pumunta :D

      Delete
  2. enjoy na enjoy ang honeymoon..:) nice ..

    ReplyDelete
  3. super loved out bohol trip too ;) ganda!

    ReplyDelete
  4. I never been in Bohol, might be and hopefully, makapunta din ako. Super like ko ang photos mo sa C.Hills... Bohol is always beautiful..

    ReplyDelete
    Replies
    1. panigurado mag eenjoy ka sa Bohol maraming pwdeng puntahan. sobrang ganda..

      Delete
  5. Plano namin sa June mag Cebu-Bohol, thanks sa updated post.. Wala na ba ibababa yung 2500? haha! Ang sweet nyo, loveit!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe thanks.. malamang pwde pa silang tawaran.. ako kase hindi nako nakatawad kase.. kase.. kase.. nakalimutan ko.. wahihihi.. my hang over pa kase ako nyan dahil sa kasal..

      Delete
  6. Saya nmn ng honeymoon niyo! I miss bohol. and i love it there. ang laid back laid back lng ng dating!

    ReplyDelete