Good Day! Ngayon lang uli ako nakapag blog sa sobrang busy kaka prepare sa mga bagay bagay. Finally maishe-share ko na senyo ang experience ko sa Buon Giorno. Aktuali, noon ko pa gusto kumain ditey, pero dahil wala kaming tsikot hindi ko sya mahagilap sa Tagaytay. Buti nalang at napag isip isip nilang magtayo ng branch sa Pasig at hindi na ko magpapakahirap hagilapin sya.
Monthsary namin ni Fluffy, syempers espesyal ang araw kaya kelangan magpatotyal! Inantay galore talaga namin na magbukas. At hindi naman masyadong obvious na kami ang unang customer.
Monthsary namin ni Fluffy, syempers espesyal ang araw kaya kelangan magpatotyal! Inantay galore talaga namin na magbukas. At hindi naman masyadong obvious na kami ang unang customer.
Inabot samin ang Menu, parang tablet na dos por dos sa kapal at lapad ng kahoy at medyo may kabigatan. Hindi na kami umorder ng inumin, parang kasing bigat ng kahoy na menu ang presyo ng drinks kaya water nalang please..
Unang inabot ang libreng loaf na 4 pcs. nakakahiyang aminin pero first time namin itry isawsaw ang loaf sa olive oil, nakaka curious kase kung anong purpose nung malaking bote sa harapan namin.. inosente much lang! Malamang itatanong nyo kung ano lasa ng sinawsaw na tinapay sa mantika, impeyrness.. nag stand out yung linamnam ng bread. Mahirap iexplain kung pano nagstand out yung lasa pero ewan.. basta mas lalong sumarap yung tinapay. (parang walang kawenta wenta lang mag describe.. hehehe)
Next na hinatid ang Croquettes with Mozarella (Suppli) 3 pcs for P218. An outer layer that's both buttery and starchy coupled with an inner cheesy surprise.
Nahirapan ako ipronounce kaya tinuro ko nalang sa waitress at ipaubaya sa kanya ang pagbabasa. Crispy yung outer coat at soft and gooey naman yung mozarella cheese na binagayan ng tomato sauce. (habang nagiisip kung pano idescribe hindi ko maiwasan maglaway, badtrip wala akong datunges ngayon, ilulunok ko na lang).
Isa sa mga best selling pasta nila ang Penne All Arrabiata P294. Penne with bacon bits simmered in a spicy tomato sauce.
Katulad ng naunang order, tinuro ko lang din ito dahil hindi ko alam kung pano sya ibigkas. Ang ibig sabihin ng All Arrabiata ay Angry Sauce, i was expecting na spicy sya pero hindi pala, ni isang anghang wala akong naramdaman, asim lang dahil sa tomato sauce. Pero gusto ko sya pwamis! ampf.. nangangasim ako.. gusto ko umorder..
Dahil sa mahilig si mister sa pizza, umorder kami ng New York Pizza P290. Assorted meat, bell peppers and cheese topping on a crisp, crusty dough.
Parang isa lang ang nakain kong pizza kaya hindi ko maremember kung ano lasa.Fluffy ko, ano lasa..?
wow. may update na. :D
ReplyDeletesa rbc yan db?
sulit naman ang bayad.
tulad ng lagi kong sinasabi sa mga food na kinakain ko...MASARAP...YUMMY...i love you
ReplyDeleteay nag paka anonymous pa!.. hehe
ReplyDeletemahal pala dyan.. :) baka pizza na lang order-in ko dyan pag nakakain tayo dyan.. :)
@Khantotantra: kain tayo jan.. sama sama tyong mga bloggers.. para masaya..
ReplyDelete@anonymous: kung sino ka man.. iloveyou too.. (teka.. fluffy ikaw ba yan? kung hindi ikaw si fluffy ko.. binabawi ko yung iloveyou.. nyahhahaha)
@mapanuri: kain tayo jan ng sama sama huh..