I'm an avid fan and super follower ng blog ni Chyng Reyes and nabanggit sa ibang entry na super love nya ang Phad Thai. Dahil sa nainpluwensyahan at nacurious kung ano lasa ng Thai Cuisine, ayan.. nakigaya ako.. hahahaha.. Aktuali, wala sa plano at walang budget, minsan mahirap kalaban ang curiousity.
Hinahanap ko yung Phad Thai sa menu pero hindi ko makita, kaya asked ko nalang yung waitress kung ano yung marerecommend samin. Late ko na nakita, asa likod pala ng menu, ewan ko ba bakit hindi ko man lang naitanong. Siguro next time ko nalang oorderin, tutal may plano naman kami bumalik.
Thai Iced Tea P65 - inasked ko yung waiter kung ano kinaibahan nya sa ibang iced tea bago ko inorder, may halong milk and kakaiba ang color, medyo ma-orange. Tamah naman ang cute ng kulay. Creamy na manamis namis ang lasa.
Khao Klug Kappi P190 Bagoong Rice - Eto daw ang isa sa mga best seller nilang rice. Magandang combination, may maasim na mangga, itlog, salty na kanin dahil sa bagoong at matamis na beef. At walang lansa factor, masarap ang pagkakatimpla.
Sabi ni waiter eto ang magandang pakner ng Binagoong Rice ang Gai Phad Med Mammuang P205 Sauteed Chicken and Cashew Nuts in Chili Oil. Parang nahahawa nako kay Chyng, i'm starting to like Thai Cuisine ^_^ . Swak ang spiciness, hindi masakit sa dila dahil lumalaban ang sweet sauce nito.
Dahil maraming sili sa ulam, di-neyr ko si Fluffy, kung talagang love nya ko, kainin nya yung isang buong sili. Sorry naman juk juk ko lang naman yun pero hindi ko naman alam na kakagat si Fluffy sa Dare ko. Nginuya nya, oks lang naman hindi naman nag iba facial expression nya, cool na cool.. sabay inom ng maraming tubig.. hahahaha.. lab nga ako ni fluffy.. ayieeeeeeeeee.. *kilig* AyYabYuToo.
Tan-ta-na-nan.. ang Resibo.. Not Bad! Babalik kami ni Fluffy para orderin ang Phad Thai!
tatanong ko palang san ang Thuk Thai, jan lang ba yan sa office nyo?
ReplyDeletei really hate browsing thai food, nagccrave ako in an instant! diet pa naman ako ngayon! ^_^
Hello Chyng *hugs*, Yup sa Ibaba ng office namin. Bakit ka nagda-diet eh sexy ka na naman.. ako kelangan ko magpa sexy.. hihihi..lumolobo nako.. ^O^
ReplyDeletewow paborito ko thai food! i went to thailand just to try those foods --nag crave tuloy ako
ReplyDelete