Wednesday, January 26, 2011

Mabilisang Paglalakwatsa


Maagang gumising para imeet si sisterlaloo, naisipan nyang isama kami ni fluffy sa Tagaytay para ipakita ang nabili condo sa Wellington Courtyard. Monday, buti nalang walang trapik, siguro dahil maaga kaming umalis.

Pare-parehas hindi nagsikain ng almusal, tinanong ni sisterlaloo kung saan namin gusto kumain ng agahan. Sabay sigaw ng Buon Giorno!.. oo na, ako na ang walang kasawaan sa pasta! May natitirang hiya naman ako sa katawan, binawi ko naman eh. Sinabi ko Max's nalang para mura (alam ko kase si sisterlaloo ang magbabayad hihihi).


Pagbuklat na pagbuklat ng menu, bumulaga ang pektyur ng crispy pata. Kung puwede nga lang sana, why not?!.. oorderin kita, yun nga lang mas masarap ang mabuhay. Kaya ko syang tiisin pero ang masarap na buhay hindi ko kayang ipagpalit.


Umorder ng potato salad si sisterlaloo at ang pambansang almusal ng mga pinoy.. ang Tapsilog.

Gusto sana umorder ni fluffy ng half spring chicken at isang fresh lumpia pero sinuggest ni manong waiter na mag platter nalang sya.


At ako nagpasosyal,.. Clubhouse! Ask ni sisterlaloo, "ayaw mo mag rice?" Sagot ko "Diet ako, bread lang". Pagkahatid na pagkahatid, sabay sila ni fluffy "DIET PALA HUH?!" ang naisagot ko nalang ay yuko.. yuko sabay dukot ng potato chips. yumyum. Medyo naparami ang kain, kaya naisipan kong ipabalot ang isang slice ng clubhouse, baon sa pupuntahan.

Syempers hindi ko puwedeng kalimutan ang resibo.. nakasanayan ko na ata mag post lagi ng resibo..

At hindi rin puwedeng kalimutan ang pektyur pektyur namin ni fluffy. Hindi lang dapat pagkain ang kinukunan, dapat pati mukha namin para may remembrance sa pinuntahan.


Talagang dumayo pa kami ng Tagaytay para lang sa Max's.. hihihi.. LOL.. Xmpre pinuntahan namin yung Wellington Courtyard at hindi puwedeng hindi namin sulitin ang pagpunta, nilibot naman namin ang lugar. Hindi ko na pektyuran yung sample nila kase bawal, kasama namin si manong guard. Sarap siguro makabili ng bahay or condo sa Tagaytay, may bahay bakasyunan. Balang araw, magkakaron din ako nyan (cross finger) hahahaha.. wala naman masamang mangarap!

8 comments:

  1. naks. bread lang. walang rice. hehehehe.

    ReplyDelete
  2. oo nagbread lang cya pero sobrang dami nya...hahaha diet kasi cya nung araw na un...kaya tawa ng tawa ang ate nya...hahaha

    ReplyDelete
  3. Healthy diet padin naman kse... may kamatis, may gulay, may tuna.. healthy padin naman ^_^

    ReplyDelete
  4. namimiss ko na ung tapsilog at fresh lumpia, sarap :P

    ReplyDelete
  5. potato salad!.. yummy!

    oo naman, hindi masama mangarap.. pero much better kung hindi lang mananatiling pangarap.. diba geps? :)

    ReplyDelete
  6. @LordCM: masarap yung fresh lumpia
    @mapanuri: uu naman.. kelangan maging katotohanan ang pangarap.. hihihi..

    ReplyDelete
  7. nakakatuwa naman! simple things in life are so memorable, lalo na when you spend time with the people you love.

    ReplyDelete