Friday, January 21, 2011

Diamond Ring


Simula ng tumuntong ako sa edad na biente kwatro, lagi nakong kinukulit sa bahay na magpakilala naman daw ako ng boyfriend. Kahit hindi gwapo basta may trabaho at rerespetuhin ako. Madalas pa kong pangaralan ng mommy na mahirap tumandang dalaga at nagiisa (parang hindi pangaral, parang pananakot ata yun!). Ewan ko ba, hindi ko mahanap si Mr. Right Guy.

Hindi ako mahilig magpahula sa manghuhula dahil nakakatakot malaman ang future. Sa totoo lang nakaka-temp magpahula about sa lovelife pero hindi ko parin tinry. February 12, 2009, hinding hindi ko makakalimutan tong araw na to. Meron akong client, foreigner and nagkausap lang kami sa phone. Hindi pa nya ko nakikita at hindi ko padin sya nakikita ng personal, boses lang talaga. 3 days kami magkausap, tamang kuwentuhan lang habang inaayos ang computer nya. Nung nafix ko yung computer, bago kami magpaalam sa isat isa, bigla syang my sinabi sakin parang out of nowhere lang. Hindi ko na maalala yung exact na sinabi nya, baka kaya hindi ko na maalala dahil english, tinatranslate ko pa sa utak ko na tagalugin para maintindihan ng husto at ito ang pagkakaintindi ko:

"Sa pamamagitan ng boses mo, nararamdaman ko wala kang boyfriend pero nasa isang complikadong relasyon ka. Madalas ka mag pray kay God, wag ka mag-alala naririnig nya kung ano ang madalas mo hingin sa kanya. Madalas mo ipagdasal na sana ma meet mo na si Mr. Right Guy." (Nang marinig ko to sa kanya pinagpawisan ako ng malamig kahit asa aircon room ako).

"You need to let go, wag mong hawakan ang isang relasyong alam mo sa sarili mo na hindi magtatagal. Wag mo i-lock ang pinto sa puso mo, hayaan mong may ibang mag bukas nito"

"Matagal mo na kakilala ang taong mapapangasawa mo, asa tabi tabi lang sya, kung tutuusin asa tabi mo lang sya. Hayaan mong pumasok sya sa puso mo. Sya ang mapapangasawa mo at magbibigay ng anak na hinihingi mo. Siguro hindi pa ngayon ito mangyayari but in God's time, mag antay ka lang at manalig sa kanya"

"Wag na wag mo ko kakalimutan kapag dumating ang panahong makilala mo si mr. right guy. Panigurado sa araw ng kasal mo, maaalala mo ko at sana wag mo kong kalimutan padalhan ng mensahe or tawagan, alam mo ang numero ko at email address ko. Gusto ko mabalitaan na nagkatotoo ang vision ko sayo".

Una kong tinanong, pano nya nalaman ang lagi ko pinagdarasal. At ang sabi nya, mahirap iexplain, bigla nalang daw pumasok sa isipan nya. Noon pa daw sya may gift at bilang pasasalamat kay God, ginagamit nya to hindi para kumita ng pera kundi pagpapasalamat at ipaalam na pinapahalagahan nya ang gift nato. Wala nakong ibang naitanong sa kanya, ang nasabi ko nalang ay ipapaalam ko sa kanya kapag nameet ko na ang lalaking pakakasalan ko.

Napaisip ako, sino sa mga kaibigan ko or kakilala ko ang tinutukoy nya. Sabi nya matagal ko nang kakilala. Kinwento ko to kay Mr. Romantiko at kay Bibong Bata, napaisip din sila kung sino kaya si mr. right guy. Kinwento ko din kay Boombastic, ang naipayo nya lang sakin ay sundin ko ang advice ni client, kelangan ko mag let go kung ano man ang dapat i-let go. Kinwento ko din sa mommy at tita ko, naexcite silang dalawa dahil usapang lovelife itech! Wala naman daw masama kung maniniwala ako sa sinasabi ng kliyente ko, manalig daw ako. Ka-close ko na si fluffy pero hindi ko alam bakit hindi ko nakwento sa kanya tong hulang to.

After 4 months, may nakilala ako, mukha naman syang mabait at palangiti. I-code nalang natin sya sa letrang M. Hindi kinalaunan naging kami, pero my doubt si mr. romantiko at bibong bata na sya ang tukoy sa hula. Ang sabi kase matagal ko ng kilala hindi bagong kakilala. Si boombastic tuwang tuwa dahil baka ito na ang inaantay ko. Si fluffy, wala syang care kung may bf nako dahil hindi ko naman naikwento sa kanya ang hula. Hindi nagtagal ang relasyon namin sa maraming kadahilanan. Pagkalipas ng isang linggo, may nagpaparamdam, pero gusto nya fling fling lang. Ayoko ng ganung relasyon, gaguhan lang. Pero ako naman si tanga pumayag pero hindi ko ma-take kaya nag isang linggong relasyon lang kami.

Bumalik ako sa complikadong relasyon, naisip ko nakakapagod pala antayin si mr. right guy. Ayoko na uli isipin ang future, baka masaktan lang ako, kaya ieenjoy ko nalang kung anong meron sa ngayon.

Makalipas ang maraming buwan ng nagparamdam sakin si fluffy.. Naisip ko baka ito na ang huling byahe at para matigil nako sa pagkanta ng Tumatakbo ang oras na iiwan na ako ng panahon.. Para sakin risky tong papasukin ko dahil matagal na kaming magkaibigan, baka magkasira kami kapag inentertain ko ang feelings nya para sakin. Naalala ko bigla si Client, baka ito na ang tinutukoy nya, pero ayoko entertainin sa utak ko na ito nga yun dahil hindi pa naman ako ikakasal.

Kinwento ko yung story sa Entry ko last year kung pano nanligaw si fluffy "First Date sa Starbucks" (click nyo nalang yan mamaya).

Sinagot ko si fluffy pagkatapos ng birthday ko, iba yung feeling, sobrang overwhelmed. Iba yun dating, hindi ko maexplain, basta ang alam ko biglang nabago ang buhay ko. Sinelebrate namin ni fluffy ang unang buwan sa Ocean Adventure (entry ko din last year).

Eto ang kuwento kung pano nagpropose si fluffy....

Saturday night, nagpapahiwatig si fluffy na may plano na syang magpropose, kelangan magkita kami at may importante syang sasabihin. Kumakabog ang dibdib, hindi mapakali, parang pusang hindi matae paikot ikot sa kama.

Linggo ng umaga, puyat, parang ambigat ng pakiramdam, parang nakakatamad maligo at magbihis. Pero hindi puwede, walang puwang ang katamaran kelangan kumilos at may sasabihing importante si fluffy. Sumakay na ng kotse, iba titig ni fluffy, kumakabog ang dibdib, hindi ko alam kung ano nararamdaman, kung takot ba, kilig, excite, nerbyos.. ah ewan..

Nagstart na ang pageemote ni fluffy.. kung ano man yun.. sana maintindihan nyo na sa akin nalang yun.. hahahhaa mambitin daw ba.. ah basta.. ayun na nga.. nag popropose na si fluffy.. hindi ako sumagot.. patuloy padin sa pagda-drive.. inuulit nya ang pagtatanong.. hindi padin ako kumikibo.. nabwisit ata si fluffy.. "Huy! pakasalan mo ko ha!" pinipigilan ko tumawa, ayoko masira ang moment nya.. moment nya yun eh.. hanggang sa makarating kami sa NLEX.. huminto sa Starbucks.. Tinitigan ako ni fluffy, sobrang seryoso na sya, sinabi nyang nahihiya sya dahil nagpopropose sya ng walang singsing, pero uulitin daw nya at sisiguraduhing may bitbit sa susunod. Hindi ako sumagot ng OO or Yes or pakakasalan kita. walang ganun ganun.. ki-niss ko sya ng masarap.. nakanantooots may nalalaman pakong kiss na masarap!.. pero hindi padin ako sumagot ng oo..!!

Hindi ko na maalala kung ilang araw or linggo ang lumipas.. niyaya ako ni fluffy mag Starbucks.. ewan ko ba lalong yumayaman sila samin.. sumama naman ako.. habang umiinom ng kape, my dinukot si fluffy sa bulsa at sabay sabing "Will you marry me?" Hindi pa ko sumasagot ng oo, sinusuot na nya sakin yung singsing.. OO aaminin ko, mangiyak ngiyak ako, iba pala talaga ang feeling kapag may nagpropropose ng kasal, lalo na kapag mahal mo.. tinitigan ko muna yung singsing bago ko sumagot ng OO papakasal ako sayo!

9 comments:

  1. diko kilala yung si mr. boombastic ah.

    grats. malapit na ba ang wedding bells?

    ReplyDelete
  2. di ko na binasa lahat.. hehe nakwento mo na naman sa akin.. hehe

    *bells ringing*

    ReplyDelete
  3. @khantotantra: si boombastic, dati mong TL si boom..
    @ellehciren: Thanks *wink*
    @kimmuel: salamat *wink*
    @mapanuri:hihihi oks lang kahit nde mo binasa lahat.. atleast binasa mo padin.. hihihi..

    ReplyDelete
  4. yay! kinilig ako dun ah.. hahahahaha.. kht alam ko naman un buong istorya nyo >.<

    ReplyDelete
  5. Best wishes! Hind lang gwapo si fluppy simpatiko pa :)

    ReplyDelete
  6. wow gep naka2kilabot yung diary mo,,,but 1 thing for sure im so happy for the both of you,,,love you gep mis u so much....

    ReplyDelete