Second entry ko to, ang first entry ay mababasa "dito"
After mabasa ni fluffy ang entry ko last week, nakaramdam ng paglalaway kaya kahit walang kaplano plano, nagbiglang liko bago tuluyang mag sipaguwian. Hmmmm.. wag madumi ang utak..
Pagpasok, diretso kagad sa dating puwesto, kung saan man yung dating puwesto na yun,.. dun na yun kung saan man yun dahil yun na yun.. (ah ewan, gulo ko ba?). So,.. dahil si fluffy ang natakam, hinayaan ko sya umorder, at dahil natatakam sya sa pizza, inorder uli nya ang New York's Pizza.
Thin crust, gooey ang mozarella cheese, malaki ang slice ng sausage and ham. Meron ding green at red pepper at olive oil. Na-enjoy ko naman ang humahabang keso na kelangan putulin ng front teeth para manguya sya ng todo todo.
Thin crust, gooey ang mozarella cheese, malaki ang slice ng sausage and ham. Meron ding green at red pepper at olive oil. Na-enjoy ko naman ang humahabang keso na kelangan putulin ng front teeth para manguya sya ng todo todo.
Syempers, meron paring complimentary bread na sinasawsaw sa olive oil, this time siniguro ko na may pektyur ang tinapay katabi ang sawsawan na mantika.
Pescatore Alla Puttanesca P 308 An assortment of seafood on spicy and peppery tomato sauce.
Eto naman ang naenjoy ni fluffy, hindi ko ginalaw ang sangkap na seafoods kase bawal, nakaka highblood. Impeyrnes, malasa ang seafood flavor, kapit na kapit talaga sa pasta. Ayan,.. nangangasim na naman ako.. ayoko ng matamis na pasta, gusto ko yung malalasahan ang maasim ng tomato. tama na nga, baka mag biglang liko na naman, matagal pa ang sweldo.
Ngayon ko lang napansin na may service charge pala...
hay naku tomguts nanaman ako ang sarap talaga nung pasta ng seafoods ang sahog...hehehe
ReplyDeletewoaaahhh.....masarap....mmmmhhh.... :)
ReplyDeletesalamat sa pagdaan... :)