Friday, June 4, 2010

KFC


Nanonood ako ng A Love Story ni Angelica Panganiban ng hatakin ako ni Mrs. Romantiko papuntang KFC. Ang plano ko ngyong araw na ito ay mag oatmeal lang dahil nga diet kuno ako. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na maglaway sa french fries bucket ng KFC. Powtek ang hirap magpigil, masarap talaga kumain eh. Sige sa Monday na nga lang uli ako magda-diet, excuse muna ngayong araw na ito at sa Sabado at sa Linggo. Mahirap magdiet kapag asa bahay namin kase masarap magluto mommy ko. wahihihi..

Wednesday, June 2, 2010

Converse Part 2


Ang flashback (Part 1) ay matatagpuan dito .

Bago kami pumunta ni payat sa Parang Marikina ay tinanong namin muna si insan in law at insang malayo kung pano pumunta dun sa bodega ng Converse. Sabi nila ay sa tapat ng Gateway ay sumakay ako ng FX na may signboard na Parang at ang pamasahe ay 25Php.

Sa tapat ng Gateway ay nakita namin ang mga FX na may signboard ng Parang Mariikina. Sumakay kami at tinanong ang driver kung dadaan ba Converse. Tinanong kami ni manong driver kung saan sa Converse, ang sagot namin ay sa mismong Converse. Tinanong uli nya kami, lagpas ba? Sagot uli namin dun po mismo. Biglang nagsalita si manong driver ahh.. (at akala namin ay nagkaintindihan na kami).


Nang padukot na ako ng pamasahe ay biglang nagtanong si payat, manong magkano ang pamasahe? Sinagot ni manong driver ng pabulong na parang hangin lang ang lumabas sa bunganga nya na kumorte lang ang bibig ng trenta. Bigla akong nagsalita ng manong 25Php lang daw sabi ng kaibigan ko dahil dun sya nakatira. (umiral na naman ang pagiging taklesa ko). Bumulong uli si manong ng trenta at inulit ko uli ang sinabi ko, manong 25 lang!! Nagkaron ng panandaliang katahimikan at dumudukot padin ako ng pamasahe. Hanggang sa sinabi na ni manong ng sige na nga 25 (ng may boses ng lumabas).


Habang nasa kalagitnaan ng byahe tinanong ni payat si manong driver kung malayo pa ba ang bababaan namin. Sinagot kami ng tanong, lagpas ba ng Converse? (eto na naman po kami) Hindi manong doon po mismo sa bodega ng Converse. Para syang nabingi sa sagot namin at inulit nya, lagpas ba ng Converse? Manong sa mismong Converse po kami bababa!


Biglang huminto si manong driver at sinabing asa Converse na daw kami. Lilinga linga kami ni payat at hinahanap namin ang entrance. Powtek na manong driver, kinulang!!! Binaba kami bago mag Converse kaya naglakad pa kami hanggang sa makita namin ang entrance.




Eto na ang pinaka aabangan, inshort "Finally"!!. (walang pakialamanan, yun ang gusto kong gamiting word!!)




Pumasok na kami sa loob ng bodega at dumiretso sa Ladies na signboard. May nakita kagad akong shoes at hindi ko maialis ng tingin ko sa kanya. Para akong tinatawag na halika hawakan mo naman ako at tignan mo ang presyo ko. Ako naman ay lumapit at hinawakan ang shoes at naisipan ko pang kunan ng litrato.







Ayan obvious na obvious na kamay ko yan dahil ako ang taong hindi mabitawan ang panyo kaka-kutkot (ang aking manerism na nakakasira ng panyo). At tinignan ko ang presyo, hmmmm sale sya pero asa libo padin ang halaga, pero ok na dahil maganda. Ang original price is Php 2,390 ang bagong price is Php 1,400.

Humingi kagad ako ng size 6 kay manong na nakabantay pero sabi nya size 4 1/2 daw ako. Pagkabigay ay sinukat ko kagad ang shoes at sabay akap sa box na parang ayoko ng pakawalan pa.

Naglibot libot pa kami dahil naghahanap kami ng kasya kay payat. Medyo nahirapan kami humanap ng size para sa kanya dahil kadalasan ay ubos na ang mga size simula 7 pataas. Ang paa ni payat ay size 9 pero doon ang size nya ay 7 1/2. Hanggang sa nawalan na kami ng pagasa dahil mahirap naman ipilit ang size 7 sa kanya.

Paguwi ko ay piniktyuran ko kagad ang aking sapatos para lang maiblog ko. Meron syang side view front view at back view.

Hanggang sa susunod na lakwatsahan...

Converse Part I

Last Saturday ay simula ng sale ng Converse sa Parang Marikina. First time ko pupunta doon at mahina ako sa direction kaya sinama ko si payat (malamang.. sya lang naman ang karamay ko sa lakwatsahan kahit minsan magkaaway kami magkasundo padin kami sa galaan).


Flash back muna...
Simula ng bata ako ay hindi ako pinagsusuot ng rubbershoes or sneakers ng mommy ko. Madalas ay dollshoes or malanding shoes na cute sa paa.



Noong college kapag sevilian day ay naka blackshoes or sandals ako na may 2 inches na takong at itinatakbo ko akyat baba ng hagdan sa building namin. Minsan pa nga habang laseng at may amats nagda-dance revo ako sa SM Manila ng nakatakong eh kahit nadudulas dulas gora pa din to the max at syempre wag kalilimutan ang poised. Bakit ako mahilig magtakong..? malamang matangkad kase mga kasama ko (etchos ayaw pang umaming pandak). May sneakers din naman ako pero bihira ko lang isuot kapag feel ko sya isuot.



Naaalala ko pa nga pumunta kami ng barkada sa PICC para magbike ang tangkad ng takong ng sandals ko. Pinagtatawanan ako ni payat (Since college magbestfriend na kami) kase ang layo ng lalakaran pabalik ng Taft pauwi. Nanakit ang paa ko hanggang sa hinubad ko ang sandals at naglakad ng naka-tapak sa Harrison Plaza.

Noong nagstart ako mag work close shoes ang gamit ko pero syempre hindi pwedeng mawala ang takong lalo na kapag ang mommy ko ang kasama ko magshopping ng sapatos. Hanggang sa parang gusto ko mag iba ng imahe. Delikado kase ang oras ng pasok ko so malamang delikado din kapag naka pang girlaloo akong damit. Ok lang sana kung lapitin ng mga gwapong lalaki pero hindi, mas lapitin ng holdaper at snatcher. Nag simpleng damit nalang ako, tshirt, maong pants at natuto akong mag sneakers araw araw.

Unang sneakers ko ay binili ni payat, ang World Balance. Trip lang nya dahil sya napapagod sakin kapag nakatakong ako tpos ang tapang tapang ko maglakwatsa. Binilan din nya ako ng Pony na high Cut para parehas daw kami ng sapatos. Binilan din nya ko ng Vans dahil ayoko ng sinisintas pa ang sapatos dahil tinatamad ako. Pero ngayon marunong na ako bumili ng sariling sneakers, ako na bumili ng Chuck Taylor ko. Haha kudos para sa akin.



Tuesday, May 25, 2010

World Chicken


Naka leave ako kahapon kaya sinamantala namin ng mommy ko na magshopping sa Divisoria. Andae ko kaseng gamit kaya pumuputok na ang mga luma kong bag, kelangan kong bumili ng medyo malaki ng onti.

Pasukan na next month kaya maraming tao ang naglipana sa 168 at Divisoria at aakalain mo Christmas. Nakakalula andaeng skul supplies ang nagkalat kaya parang nakaka miss mag aral.

Eto nga pala ang nabili kong bag HERMES na imitation pero nde mo aakalain peke dahil ang ganda ganda nya. Hate ko ang color violet pero para akong na love at first sight sa bag.

Pagkatapos namin maglibot libot ng mom ko ay nagutom kami. Ang plano ay Jollibee pero dahil sa nakita ko ang World Chicken dun ako dumiretso.

Ilang beses nako nakakakain sa World Chicken pero hindi ko pa nagagawan ng entry. Madalas ako kumain nito sa Trinoma at Gateway pero ang konti lang nila magserve tinitimbang nila. Sa 168 walang timbangan kaya andae ng kanin at pasta lalo na kapag alam nilang matakaw ang kakain.
Maraming puwedeng pagpilian kung anong gusto mong klaseng luto ng rice at pasta pero ang lagi kong order ay Sweet and Chili sauce para sa chicken, Asian Noodles at Spanish Rice. Sakto Espanyol ang mommy ko, obvious sa picture maputi mommy ko compare sakin kutis Pilipino.
Hati na kami ng mom ko jan kase parehas naman kami mahina kumain at kung mapapansin ay sobrang dae ng serving nila.
Mukhang sarap na sarap ang mommy ko sa kinakain nya. Happy Eating mom!!


Friday, May 21, 2010

Ma Mon Luk 2

Malapit lang kami prehas ni payat sa Quiapo pero hindi namin alam ang eksaktong lugar ng Ma Mon Luk kaya pinagtanong pa namin. Habang naglalakad kami sa bangketa ay bumungad samin ang malaking karatula at bigla akong napa smile.


Pag pasok namin ay nagulat ako andaeng taong kumakain at walang available na table. Sabi ko kay payat, wow kahit sobrang lumang luma na nitong lugar na to andae padin kumakain. Habang nag aantay ng matatapos ng kumain ay tinignan ko muna ang buong paligid. Andaeng nakapaskil sa wall nila puro mga newspaper na naka frame, mga recognitions and kung gano kasarap ang pagkain. Isa pa sa napansin ko ay sobrang napag iwanan na talaga ng panahon ang kainan, luma na ang mga silya nila at hindi ko na idedetalye pa ang iba. Nalungkot ako bigla sa nakikita ko dahil parang napapabayaan nila ang lugar pero bilib ako sa mga customer dahil talagang suki sila.



Nakaupo din kami sa wakas pero sa may malapit sa lutuan ng siopao. Grabe sobrang init, para kaming asa sauna. Summer pa naman ngyon at walang hangin na pumapasok galing sa labas dahil natatabunan ng mga tyangge. Yun ceiling fan nila parang nung panahon pa ng kastila at sobrang hina. Hindi talaga kami inaabot ng hangin pero sige ayos lang basta matikman lang namin ang pagkain.

Umorder kami ng isang special siopao Php 55, dalawang special Mami Php 95, isang coke Php 25 at tatlong special siopao na balot pasalubong.

Hinatidan kami ng apat na basong tubig kahit umorder kami ng coke at maya maya ay kasunod na ang mga order namin.


Medyo may kamahalan ang special Mami nila nung unang tingin ko sa sinerve saming bowl ng noodles. Pero nung natikman ko na ang sabaw at ang laman ng mami ay naintindihan ko na kung bakit ganun ang presyo nila. Sobrang naguumapaw sa laman at hindi nakakabitin ang noodles. Sulit naman pala ang binayad namin dahil masarap ang mami.


Isa lang ang inorder namin ni payat na siopao kase nakita namin na malaki ang siopao na sineserve nila. At hindi kami nagkamali, malaki nga sya at pwedeng hatiin sa dalawang tao kung mahina lang kumain. Napansin ko sa siopao nila ay medyo brownish ang color ng bun at hindi tulad ng nakikita ko sa 711 at Chowking na sobrang puti ng bun.


Hinati na ni payat ang siopao at nilagyan ng sauce. Grabe sobrang malinamnam kahit bun palang ang nakakagat ko. Hindi tulad ng siopao ng iba na lasang papel or walang lasa ang tinapay. Tama nga ang mommy ko, sobrang sarap ng siopao nila at hindi mahahanap sa iba ang lasa. Buti nalang at umorder ako ng dalawang siopao pa pasalubong sa mommy ko at miryenda ko na din. At may pasalubong din si payat sa mama nya.


Kung mapapansin nyo ay andaeng tissue na nagkalat sa lamesa namin. Eh pano sobrang init na parang sauna ang lugar dahil walang kahangin hangin talaga. Nagkataon na walang dalang panyo si payat. Ang sabi ay kaya hindi nila pina aircon ang lugar kahit noon pa ay dahil magiiba ang lasa ng noodles. Mas masarap daw ubusin ang mami at siopao ng mainit dahil kapag may aircon malamang asa kalagitnaan palang ng pagkain eh malamig na ang mga ito. May point nga naman sila.

Eto ang pinabalot naming siopao na dinagdagan nila ng maraming sauce.

Eto kami ni payat pagkatapos kumain sobrang pawis sa init ng panahon at dahil walang hangin na pumapasok sa pinto at walang bintilador.


Thursday, May 20, 2010

Ma Mon Luk


Nung weekend, nag post ng shout sa Facebook ang kapatid ng barkada ko na kumain daw sila sa Ma Mon Luk. Naalala ko ang mommy ko at tita ko madalas nila pagusapan ang masarap na siopao sa Quiapo. Sampum piso hanggang kinse pesos ang halaga ng masarap na siopao daw nung kapanahunan pa nila. Kaya nacurious ako kung saan sa Quiapo ang matatagpuan itong sikat na Ma Mon Luk.


Salamat sa stilldrops.wordpress.com/2008/07/ at itinuro nya sakin kung saan ang lokasyon nito.

Mamaya ay ipopost ko ang mga pictures at iba pang istorya tungkol sa naturang kainan.


Monday, May 10, 2010

Red Ribbon cake


Tulad ng nabanggit ko sa ibang entry ko dito sa blog, hinding hindi pwedeng walang Red Ribbon cake sa hapag kainan namin ng mommy ko kapag my occasion.

Bumili ako ng Chocolate Mousse para sa mommy ko. Pero dahil sa sobrang init ay muntikan ng gumuho ang cake kahit kalalabas lang nito sa ref. Kung mapapansin nyo natunaw yung pangalan ko sa ibaba at inagapan ng kutsara ng mommy ko un gilid ng cake. Inagapan din namin ng kuya ko ang pagkuha ng litrato sa cake habang nasa katinuang itsura pa ito.


Isa pang paborito ng mommy ko ay ang Chocolate Heaven kaya niregaluhan sya ni payat. Valentines Day ata nung naging entry ko dito sa blog ang tungkol sa cake na yan. Payat salamat sa cake at natuwa ang mommy ko at Tita ko. Kitang kita naman ata sa itsura nila kung gano sila kasaya nung nakita nila ang paborito nilang cake. Peace tyo mommy and Tita. :D