Wednesday, June 2, 2010

Converse Part 2


Ang flashback (Part 1) ay matatagpuan dito .

Bago kami pumunta ni payat sa Parang Marikina ay tinanong namin muna si insan in law at insang malayo kung pano pumunta dun sa bodega ng Converse. Sabi nila ay sa tapat ng Gateway ay sumakay ako ng FX na may signboard na Parang at ang pamasahe ay 25Php.

Sa tapat ng Gateway ay nakita namin ang mga FX na may signboard ng Parang Mariikina. Sumakay kami at tinanong ang driver kung dadaan ba Converse. Tinanong kami ni manong driver kung saan sa Converse, ang sagot namin ay sa mismong Converse. Tinanong uli nya kami, lagpas ba? Sagot uli namin dun po mismo. Biglang nagsalita si manong driver ahh.. (at akala namin ay nagkaintindihan na kami).


Nang padukot na ako ng pamasahe ay biglang nagtanong si payat, manong magkano ang pamasahe? Sinagot ni manong driver ng pabulong na parang hangin lang ang lumabas sa bunganga nya na kumorte lang ang bibig ng trenta. Bigla akong nagsalita ng manong 25Php lang daw sabi ng kaibigan ko dahil dun sya nakatira. (umiral na naman ang pagiging taklesa ko). Bumulong uli si manong ng trenta at inulit ko uli ang sinabi ko, manong 25 lang!! Nagkaron ng panandaliang katahimikan at dumudukot padin ako ng pamasahe. Hanggang sa sinabi na ni manong ng sige na nga 25 (ng may boses ng lumabas).


Habang nasa kalagitnaan ng byahe tinanong ni payat si manong driver kung malayo pa ba ang bababaan namin. Sinagot kami ng tanong, lagpas ba ng Converse? (eto na naman po kami) Hindi manong doon po mismo sa bodega ng Converse. Para syang nabingi sa sagot namin at inulit nya, lagpas ba ng Converse? Manong sa mismong Converse po kami bababa!


Biglang huminto si manong driver at sinabing asa Converse na daw kami. Lilinga linga kami ni payat at hinahanap namin ang entrance. Powtek na manong driver, kinulang!!! Binaba kami bago mag Converse kaya naglakad pa kami hanggang sa makita namin ang entrance.




Eto na ang pinaka aabangan, inshort "Finally"!!. (walang pakialamanan, yun ang gusto kong gamiting word!!)




Pumasok na kami sa loob ng bodega at dumiretso sa Ladies na signboard. May nakita kagad akong shoes at hindi ko maialis ng tingin ko sa kanya. Para akong tinatawag na halika hawakan mo naman ako at tignan mo ang presyo ko. Ako naman ay lumapit at hinawakan ang shoes at naisipan ko pang kunan ng litrato.







Ayan obvious na obvious na kamay ko yan dahil ako ang taong hindi mabitawan ang panyo kaka-kutkot (ang aking manerism na nakakasira ng panyo). At tinignan ko ang presyo, hmmmm sale sya pero asa libo padin ang halaga, pero ok na dahil maganda. Ang original price is Php 2,390 ang bagong price is Php 1,400.

Humingi kagad ako ng size 6 kay manong na nakabantay pero sabi nya size 4 1/2 daw ako. Pagkabigay ay sinukat ko kagad ang shoes at sabay akap sa box na parang ayoko ng pakawalan pa.

Naglibot libot pa kami dahil naghahanap kami ng kasya kay payat. Medyo nahirapan kami humanap ng size para sa kanya dahil kadalasan ay ubos na ang mga size simula 7 pataas. Ang paa ni payat ay size 9 pero doon ang size nya ay 7 1/2. Hanggang sa nawalan na kami ng pagasa dahil mahirap naman ipilit ang size 7 sa kanya.

Paguwi ko ay piniktyuran ko kagad ang aking sapatos para lang maiblog ko. Meron syang side view front view at back view.

Hanggang sa susunod na lakwatsahan...

No comments:

Post a Comment