Flash back muna...
Simula ng bata ako ay hindi ako pinagsusuot ng rubbershoes or sneakers ng mommy ko. Madalas ay dollshoes or malanding shoes na cute sa paa.
Noong college kapag sevilian day ay naka blackshoes or sandals ako na may 2 inches na takong at itinatakbo ko akyat baba ng hagdan sa building namin. Minsan pa nga habang laseng at may amats nagda-dance revo ako sa SM Manila ng nakatakong eh kahit nadudulas dulas gora pa din to the max at syempre wag kalilimutan ang poised. Bakit ako mahilig magtakong..? malamang matangkad kase mga kasama ko (etchos ayaw pang umaming pandak). May sneakers din naman ako pero bihira ko lang isuot kapag feel ko sya isuot.
Naaalala ko pa nga pumunta kami ng barkada sa PICC para magbike ang tangkad ng takong ng sandals ko. Pinagtatawanan ako ni payat (Since college magbestfriend na kami) kase ang layo ng lalakaran pabalik ng Taft pauwi. Nanakit ang paa ko hanggang sa hinubad ko ang sandals at naglakad ng naka-tapak sa Harrison Plaza.
Noong nagstart ako mag work close shoes ang gamit ko pero syempre hindi pwedeng mawala ang takong lalo na kapag ang mommy ko ang kasama ko magshopping ng sapatos. Hanggang sa parang gusto ko mag iba ng imahe. Delikado kase ang oras ng pasok ko so malamang delikado din kapag naka pang girlaloo akong damit. Ok lang sana kung lapitin ng mga gwapong lalaki pero hindi, mas lapitin ng holdaper at snatcher. Nag simpleng damit nalang ako, tshirt, maong pants at natuto akong mag sneakers araw araw.
Unang sneakers ko ay binili ni payat, ang World Balance. Trip lang nya dahil sya napapagod sakin kapag nakatakong ako tpos ang tapang tapang ko maglakwatsa. Binilan din nya ako ng Pony na high Cut para parehas daw kami ng sapatos. Binilan din nya ko ng Vans dahil ayoko ng sinisintas pa ang sapatos dahil tinatamad ako. Pero ngayon marunong na ako bumili ng sariling sneakers, ako na bumili ng Chuck Taylor ko. Haha kudos para sa akin.
No comments:
Post a Comment