Saturday, July 17, 2010

Roof Deck


Pinlano namin na umakyat sa roof deck ng hotel ng bandang 5pm para makita ang itsura ng Bar, Swimming pool, Restaurant at Sunset. Pag akyat namin ay medyo nailang kami dahil andaeng foreigner na nagsu-swimming. Wala naman kami plano mag swimming, talagang nacurious lang kami tignan ang pool.

Nagpicture-an nalang kami ni payat at hindi na namin naantay ang sunset dahil pinagtitinginan na kami ng mga foreigner na nakakalat sa roof deck (baka isipin nila nagpapacute kami sa kanila). Dapat ay kukuhanan ko ng picture ang Bar pero pati mga waiters at waitreses ay nakatingin samin, siguro nagtataka sila at mukha kaming mga batang naligaw sa itaas. Para kaming minamanmanan ng mga mata at sobrang ilang na ilang na kami. Pati ang pool hindi ko din makuhanan ng picture dahil andae nilang nagsu-swimswim.




Siguro mga wala pang 30 minutes ay bumaba na kagad kami dahil ayaw namin pagtinginan ng mga pipol.

No comments:

Post a Comment