Naisipan naming mag photo walk nina Mapanuri, KhantoTantra, SpiderHam at syempre Ako sa Binondo. Pero nagkaron ng hindi inaasahang pangyayari at hindi na nakasama samin si SpiderHam.
Medyo nalungkot ako, hayz sadness! Dahil hindi ako marunong kumuha ng magandang angulo pagdating sa lugar or objects, sadness talaga. Pero kapag tao naman ay minsan nakaka tyamba, as in tyamba! Pero kapag pagkain, ay sus! ibang usapan na yan. Syempre palalabasin kong nakakatakam at nakakagutom ang pagkain para bisitahin nyo itong blog ko wahihihi ^_^. Salamat nga pala sa mga nagbabasa ng blog ko at sumusubaybay. Kung alam nyo lang kung gaano ko naaapreciate ang pagtambay at pagdaan daan dito sa aking blog. (uy nakaka touch! ang inyong pagbisita) mwah! :-*
Dahil pare-parehas kaming galing sa trabaho ay medyo nanghihina na kami kakalakad at nakaramdam ng gutom. Sinuggest ni Mapanuri ang dati nilang kinakainan nung college pa sya. Kapansin pansin ang panghihina ni KhantoTantra, hehehe malamang gutom na gutom na sya.
Nagkanda ligaw ligaw at paikot ikot kami kakahanap sa kainan dahil hindi namin kabisado ang lugar. Hanggang sa narealize namin na mali pala ang street na tinatahak namin at sa Buenavidez pala sya. Kaya ng matanaw namin ang Wai Ying ay laking tuwa naming tatlo at sa wakas ay makakaupo na kami.
Unang pumasok si Mapanuri, sumunod si KhantoTantra at ako naiwan sa labas dahil nakita ko si Ivan Dy ang isang sikat na blogger na nagtu-tour ng mga foreigner dito sa Manila. Medyo parang na starstruck ako sa kanya hihihi. Napanood ko si Ivan Man Dy sa Travel and Living at proud na proud ako habang pinapanood ang mga pinagmamalaki nating pagkain dito sa Pilipinas. Napanood ko sya kasama si Anthony Bourdain ng No Reservation, Janet Hsieh ng Fun Asia at Bobby Chinn ng Cooks Asia. (kabisado ko talaga ang mga palabas sa Travel and Living dahil FAVORITE CHANNEL KO ATA YAN).
Tapos ay sinundo nila ako sa labas dahil akala nila ay napagsarhan ako ng pinto nyahahaha. Nakatulala kase ako habang pinapanood si Ivan Dy sa tabi ng Wai Ying. Pagpasok ko, woah! ang OA sa dae ng tao, andaeng nag aabang makaupo at maraming kumakain hanggang second floor. Kung pagmamasdan ang lugar ay isang simpleng kainan lang sya. Parang canteen, bistro or turo turo sa mga eskwelahan.
Sa wakas at may natapos na sa bandang dulo kaya pumwesto kagad kami. Medyo natutulala kami sa gutom at sa pagod.
Nilinis na ang table na inupuan namin at nagtataka kami at iniwan ang blueng baso sa gilid kasama ang condiments. Lilinga linga kami at narealize namin na tissue holder pala sya na walang tissue. Sa sobrang gutom namin medyo nahihirapan nadin kami mag isip hihihi.
Parehas kami ng inorder ni Mapanuri dahil ayokong mag experiment at baka hindi ko makain. Curry Beef Brisket Rice Php 110 at si KhantoTantra naman ay Roasted Duck Rice Php 120. Umorder din ako ng Siomai Php 60, 4pcs dahil recommended ang siomai nila.
Masarap Curry Beef at ang daming laman, nakakatuwa. Tender ang beef at madaling nguyain. Medyo nahirapan ako ubusin dahil ang bigat nya sa tyan promise.
Eto naman ang Roasted Duck, "Isipin mo nalang, HAM yan.... HAM nga!" Lasang Ham ang Roasted Duck, manamis namis ang lasa at walang lansa.
Eto ang siomai, nasanay ako sa Siomai House kaya nanibago ako ng makakita ako ng 3 hipon sa loob ng siomai. Ayan natatakam na naman ako at nagugutom, hindi ko makalimutan ang lasa ng siomai nila.
Kinabukasan ay bumalik kami ni payat dahil medyo nagtampo at hindi ko naisama sa lakwatsang ginawa namin ng mga kaopismates ko. May pasok kase sya kaya hinayaan ko nalang matulog para tumaba taba naman ng konti. Nag take out lang kami ng 2 orders ng siomai at 2 orders ng Asado siopao. Nacurious ako sa ThaiPao pero sabi ay siopao lang din daw yun, sa susunod ko nalang titikman yun.
Kapag kumakain kami ng siopao kelangan ay naliligo at naguumapaw ng sauce ang bun. Pero dahil kakatiting lang ang nilagay nila at isang piraso lang para sa apat na siopao. Infairness, ma-sauce ang loob ng siopao at malasa. Hindi sya nakakabilaok dahil malambot ang meat sa loob. Nakakabitin kase medyo may kaliitan pero sulit na din dahil Php 55 2 pc.
sarap ni siomai nila. nalulusaw sa dila ang lasa. :D
ReplyDeletebobo ka. jejemon.
ReplyDeletethe roasted duck looks delish...actually silang lahat :) *drools*
ReplyDeletepaborito ko rin dati ang "travel and living" noong nasa pinas pa ako. grabe, nakakagutom ang lakwatsa niyo. kung kasama niyo ako, mami at siopao ang oorderin ko. yun ang hilig ko kapag kumakain sa mga chinese restos. sarap! \m/
ReplyDeleteang sarap sarap sarap to the max naman ng mga pagkain. pwede ba next time makasama naman ako. hihi
ReplyDeletehi bago po ako dito thanks
pahabol, mukhang hindi ko mabubuksan tong site mo sa opisina kasi kakalam lang ang tyan ko palagi. hihi. pak!
ReplyDeleteall right!!! appetizing. nakakainggit naman ang foodtrip nyo.
ReplyDelete@Khantotantra: natutuwa ako sa lakwatsa mo sa thailand.
ReplyDelete@anonymous: salamat padin at nakilakwatsa ka sa blog ko.
@sikoletlover: masarap sya hihihi lasang ham.
@NoBenta: kapag nakauwi ka dito lakwatsa tayo.. hihihi
@tongtong: sige ba.. sama ka sa galaan namin para marami tayo at masaya
@ginocologist: salamat hihihihi