Nagsisimula na kaming lumibot libot sa mga stores and Depot para mag canvass ng mga gagamitin sa renovation ng condo. Malapit na kaseng iturn-over samin ang nabili naming unit sa Escalades Cubao. Maraming nakabasa at maraming nagcomment sa blog entry kong yun. Karamihan mga magiging kapitbahay ko na nakabili rin ng unit sa Escalades.
Hindi ito ang unang beses na magpaparenovate ako. Unang renovation ay yung bahay namin sa Manila. Karamihan ng mga ginamit sa bahay, binili sa Soler at Alonzo sa Recto. Tiles na binili namin para sa banyo at labahan ay Eurotiles na Estelle Beige. Cute din sana yun Estelle Pink yun nga lang ang theme na napili namin ng mom ko eh Beige and Cream.
Karamihan ng dealer ng Eurotiles ay nasa Soler kaya bihira lang makakita nito sa ibang lugar tulad sa mga Depot at lalo na sa mga Floor and Tile Center. Kadalasang nakikita sa Depot ay Mariwasa and Lepanto. Floor and Tile Center naman ay puro mga China and Malaysia made. Gusto ko din ang Mariwasa and Lepanto na Philippine made yun nga lang bihira ang Beige sa kanila. Matibay kase ang Philippine made at syempre tangkilikin ang sariling atin. Eurotiles and sabi is Philippine made din daw at ang plantation ay sa Cavite. Pero not sure kung totoo kase kapag nagtatanong ako sa mga Depot paiba iba sinasabi nila unlike Mariwasa and Lepanto, sure na sure na isa lang ang binabanggit nila.
This time naghahanap pa kami ng magugustuhan naming design kaya hindi pa sure kung anong tiles ang kukuhanin namin. Maraming nagsasuggest ng Lepanto, we'll see kung dun kami mag end up. Balitaan ko nalang kayo sa susunod na entry ko.
No comments:
Post a Comment