Sunday, June 2, 2013

J.Co Dount

Nung nauso ang KrispyKreme nag antay ako ng isang taon, take note isang taon bago bumili ng donut sa kanila. Nakakatamad kaseng pumila ng pagkatagal tagal ng dahil lang sa curiosity tapos isang donut palang umay ka na. Last year ko pa nababalitaan tong J.Co Donut, ansabe aabutin ka muna ng dalawang oras bago ka makakalapit sa cashier. Parang hindi ko nabalitaan yung ganitong eksena nung panahong sikat ang KrispyKreme at GoNutsDonuts. Isang branch palang naman kase last year ang meron sila, kaya nag antay antay lang muna na dumami at magkaroon ng malapit lapit as bahay. Sa ngayon meron na silang pitong branches, feeling ko Trinoma ang malapit ng konti samin.

Nung nakaraang linggo, habang nagbabrowse ng facebook ng makita ko ang Alcapone. Mahirap pigilan ang cravings ng buntis, kung noon kaya ko magtiis, ngayon promise nahirapan ako. Ayoko maging tulo laway ang anak ko paglabas, kelangan sundin ang cravings. Ginising ko si fluffy at pinagmadaling maligo para maagang makauwi. Iniisip ko palang ang byaheng gagawin namin papuntang Trinoma, feeling ko pagod na pagod nako. Nang papaalis na kami, nakakaramdam nako ng katams feeling ko pagod na kagad ako palabas palang ng pinto. Pero eto na, baka magalit si Fluffy kapag kinancel ko pa.

Hay, hindi ako nagkamali papunta palang ng Trinoma dusa na, isang oras at kalahati kase ang byahe simula bahay papunta dun. Nang makarating pinagtanong kagad kung saan ang J.Co, tinuro kami sa baba malapit sa parking. Feeling ko dugyot nako sa sobrang init ng mall, hello aircon magparamdam ka asan ka ba naligaw? Sa dami ng tao hindi ramdaman ang aircon napakalagkit sa pakiramdam. Mas lalong dusa ng sobrang init ng bugang hangin ang sumalubong ng malapit na sa J.Co donut, walang kinaibahan pagpasok sa loob. Brownout ba sa Trinoma at walang ka aircon aircon, grrrrrrrrrr. At isa pang pamatay ang sumalubong sakin, ang sobrang habang pila hanggang pintuan. Napa susmaryosep ako sabay sapok sa noo sa nakita ko. Basang basa na panyo ko sa sobrang init, nagdadalawang isip tuloy kung itutuloy paba ang cravings baka himatayin ako sa pila at init, feeling ko hindi nako makahinga. Buti nalang nakita ng guard na malaki ang tyan ko, itinuro kami sa isa pang cashier na walang pila. Para pala sa senior at buntis yung kabilang cashier, hay thank God mapapabilis ang paglabas namin dito. Inorder ko Set A and B 2 Dozen para matikman lahat Php 550 at dali dali kaming naghanap ng malamig na lugar. Hanggang nakarating kami sa foodcourt ng Landmark, yun lang ang lugar na hindi crowded at nakakahinga kami ng maluwag at kahit papano malamig.


Hindi ko alam kung ano ang Set A at Set B jan sa dalawang box na yan. Prehas may two pieces na Alcapone. Dalawang donut lang kinain ko den give up na. Paumanhin sa ibang gustong gusto tong donut pero para sakin nakaka umay sya. Siguro dahil buntis ako at iba ang panlasa kaya hindi ko sya nagustuhan.


Kinain ko yung Alcapone at yung Green na may almonde.  Hindi ko na inalam kung anong flavor ng mga nasa box at kung anong flavor nung Green na may almonde na kinain ko. Hindi ako interesado dahil hindi nako uulit. (again paumanhin, buntis kase ako kaya ibang panlasa at siguro dahil disappointed ako sa init sa mall naapektuhan ng emosyon ang pagkain ko).


Yung natirang donut binigay ko sa mom ko at sa family ng brother ko. Hindi ko na inalam kung nagustuhan nila sa sabrang pagod ko papuntang mall, paghahanap ng malamig na lugar at pauwi ng bahay. Lesson learned, wag ipilit magpagod ng dahil sa curiosity lalo na't buntis, humingi nalang ng pabor at magpabili para ma enjoy ang cravings.



2 comments:

  1. wowowowo.
    buti ka pa nakatikim na ng j.co..... ako, hindi pa.

    pero pasasaan pa ay makakatikim din me nian. tiwala langs

    ReplyDelete
  2. .. haha nice experience sis .. ako sin nung 3rd month plang ung tyan ko ngllaway ako sa mga pagkain na nkkita ko and ung yoshinoya ?? .. dndayo pa nmin ang moa mkkain lng ako ng beef bowl na un iniiykan ku un mkakain lng hehe ..tga laguna pa kmi .. kya mnsan nghhnap mlang si hubby ng pmalit sa pagkain na un at ngaun mag 7th months na si baby sa tyan ko nko bmblik na nman ako sa bisyo ko :)

    ReplyDelete