Tuesday, September 3, 2013

Baby's Gender 3D4D Ultrasound

Napapanahon ata ngayong taon ang pagbubuntis. Kahit saan ka lumingon, sa LRT, MRT, sa antayan ng jeep, sa mall at kahit saan may makikita kang buntis. Uso?!! well, madami kaseng kinasal last year, kala kase magugunaw na ang mundo kaya ang mga magjojowa mga nagsipagkasalan na. Maraming nabuong baby nang Enero, pano ba naman maraming kinasal ng Disyembre. Dahil madaming okasyon at  party na inatenan ng Disyembre, Enero na nabigyan ng oras ang pag gawa ng baby. Masyado na bang malaswa tong pinagsasasabi ko? Paumanhin hahahaha.. 

Isa kami ni Fluffy sa naki uso or naki-IN sa pagbubuntis, Enero din nabuo si baby. Dito sa office andami kong kasabayan, ika nga.. masyado kaming talamak hawa hawa ata. Madalas kaming mag grupo grupo o magkumpol kumpulan para mag share ng mga experiences, symptoms and ng mga Do's and Don'ts. Dumating sa point na yung ibang mga kasabayan ko at yung ibang nauna pako magbuntis, nalaman agad ang gender ni baby. Sabi sa mga binabasa ko about pregnancy, as early as 18 weeks pwede mo na malaman lalo na kapag boy. Yung mga kasabayan ko, 20 weeks palang alam na nila. Aaminin ko, sobrang nakakainggit kase wala pang advice from my OB kung pwede nako magpa ultrasound. Hindi ko na natiis, kinausap ko na si doctora para itanong kung kelan nya ko bibigyan ng request, sagot sakin 28 weeks para sure na sure as in 100% sure ang gender... Sige na nga!!! Explanation kase kapag below 28 weeks mahirap madetermine kung Girl, kapag sa Girl lang naman nagkakaproblema kase parang kaseng itsura ng sa baby Boy sa ultrasound yung.. you know!.. 

26 weeks nako nung may nakita kong shout sa FB, nalaman nyang Girl ang baby nya at 23 weeks! Homay bakit ako kelangan mag antay n g two weeks para malaman kung Boy or Girl. Hindi ako mapakali, Linggo pa nun nag aalanganin kung susugod ba ko sa mall para magpaultrasound or mag aantay talaga na dumating ang 28 weeks. 2 weeks nalang talaga as in 2 weeks pero parang antagal tagal. Kinausap ko si Fluffy, sabi ko hindi ko na kaya kelangan ko na malaman gender ni baby baka hindi ako makatulog. Pag ka OO ni Fluffy sugod kami kagad sa Robinson's Manila. Nabanggit ko sa previous entry na sa Baby Ultrasound at InMyWomb lang may magandang feedback. Pagdating sa Baby Ultrasound, nagpa register kagad kami, tutal may nakasalang at nakapila pa, niready ko na sarili ko. Bumili kami ng waffle and matamis na buko shake para makipag cooperate si baby. Dahil naeexcite na kinakabahan, hindi ko malunok yun kinakain ko, binigay ko nalang kay Fluffy. Saglit lang kami nag antay after 30 minutes, it's my turn!!!

Hindi ko pala nabanggit na madalas sabihin na Boy si baby kase sa sobrang active nya. Sabi din ni doctora hinala nya Boy kaya hinanda ko na sarili ko. Gusto sana namin ni Fluffy Girl ang panganay para Daddy's Girl at para masarap bihisan. Pagpasok sa room, may malaking LCD sa harap, mahaba at kumportableng sofa, dim light at may relaxing background music pa. Sinimulan ng pahidan ng malamig na jell ang tyan ko, nakasmile yun assistant at yung mag uultrasound kaya medyo nabawasan yun kaba sa dibdib. Inuna nyang ipakita yun gender, Homaygowly IT'S A GIRL!!! Parang hindi ako makapaniwala, gusto kong ipaulit ulit sa kanya para masiguradong Girl pero nahiya naman ako. Hanggang sa pinakita na nya yung face ni baby. Homaygawd!! iba yung pakiramdam parang gusto kong maiyak sa tuwa. Yung ilong at bibig nakuha sakin pero yung hugis ng mukha kay Fluffy. Yung mata hindi namin alam kase nakapikit. Mahiyain si baby madalas takpan yung mukha. Kelangan pang kalabitin yung tyan ko para alisin yung kamay. Atleast nakaharap sya at kapag kinalabit tinatanggal talaga nya. Sabi nung assistant maswerte na kami at hindi kami pinabalik or pinalakad muna ng 30 minutes para lang sumunod si baby. Tuwang tuwa si hubby kase andaming nagsasabing kamukha nya si baby. Sige oks lang, mag iiba pa naman itsura nyan, sana kapag nagdalaga sya ako naman ang kamukha para fair!! hahahaha..

Naku nakalimutan kong banggitin na ang kinuha kong package yung GOLD Php 3,300 para may kasamang video. Eto nga pala yung sample picture ni baby :)



6 comments:

  1. congratumalation.... ichaGirl! hihihhih,

    anong color ang iiincorporate mo sa baby, makiki-pink baby girl ka ba or ibang motiffmotiffan :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha, dahil akala namin boy.. iba iba ang kulay.. like yun crib nya blue, sterilizer violet, yun blanket blue and yellow, yun mga damit nya white, feeding bottle may blue and pink.. as in iba iba talaga.. pro plano ko pink and yellow :)

      Delete
  2. Nakakatuwa naman ang post na to. We're on the same page, 28 weeks din yung sakin bago ko pa malaman ang gender ng baby ko. By the way, ilan taon na ang anak mo?

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi pwede po ba magtanong kung pwede na kaya ang 16 weeks? Sa tingin mo makikita na kaya sa 4D ultrasound amg gender ng baby ko? Gusto ko din sana tumakbo na sa 4D ultrasound kesa mag antay Pa ng 6 months

      Delete
  4. Casino Junket - The Latest on Las Vegas' Casino
    It's a unique place for casino gambling enthusiasts to have a laugh. Located 광주광역 출장마사지 a 사천 출장안마 few minutes away from the 김포 출장안마 Las Vegas Strip, 제주도 출장안마 The 안성 출장안마 Casino is known for its

    ReplyDelete