Tuesday, December 10, 2013

Bloody Show


Madalas akong makaramdam ng contraction habang nagbubuntis. Low ang pain tolerance ko pero dahil sa madalas manigas ang tyan at manakit ang puson na parang my dismenorhea, na-immune na ko sa sakit. So, kapag makaramdam ng contraction, uupo lang para magpahinga then tutuloy ko na kung ano man ginagawa ko.

Nakaka inip pala kapag day/s nalang ang inaantay. Due Date ko was October 7, pero October 8 wala pang sign or symptoms na manganganak nako. Araw ng check up, pina ultrasound ako ni doctora para malaman kung kamusta si baby. Kung pagbabasehan ang laki ng tyan, iisiping 7 or 8 lbs ang baby pero nakakapagtaka wala png 6lbs. Based sa result, sobrang daming amniotic fluid and super duper high lying. Masyado maraming tubig sa katawan kaya mukha akong namamaga dahil sa manas. Tinanong ako kung my nararamdaman ba kong pananakit ng likod, ng balakang or ng puson. Sabi ko madalas manigas ang tyan at nananakit ang puson. Pinapunta ko sa labor room para imonitor si baby. My kinabit sa tyan at my pipindutin kapag naramdaman na gumagalaw si baby. Minonitor for 20 minutes, ang result malapit na daw akong manganak kase sobrang tindi na daw ng contraction parang labor pero hindi pa active labor, ang problema high lying si baby and matigas pa ang cervix. Nireseta sakin ang Primrose oil pampalambot ng cervix, kapag nakaramdam daw ng matinding contraction na hindi na tolerable yun pain or kapag pumutok yun panubigan or my lumabas na dugo, takbo kagad ng hospital.

1:00 AM ng October 10 tumitindi na ang pananakit ng puson parang dismenorhea. 30 minutes interval ang sakit. Hindi nako makatulog, ayokong magpa sugod sa hospital baka false alarm kahiya syempre yun, excited much lang. Sabi ko sa sarili ko, aantayin kong duguin or pumutok yun panubigan.

6:00 AM every 15 minutes na ang interval. 11:00 AM naging 10 minutes interval, heto na this is it. Hindi pako nagpapakita ng pain or excitement sa mom ko, neutral lang ang reaction kunwari..wala lang. Tumawag si fluffy hubby nagtatanong kung kumain na ba ko at kung may nararamdaman nabang kakaiba, sagot ko: oks lang, same same tulad ng dati. Hindi ko binabanggit na nag le-labor nako pero hindi pa active labor. (Sabi sa nabasa ko, labor is yung sign or symptoms na heto na manganganak ka na, ang active labor ay yung mismong malapit ka na umire para ilabas si baby. At ang contraction is 2-3 minutes nalang ang interval.)

2:30 PM sabi ko sa mom ko, sobrang sakit na parang hindi ko na kayang tiisin. Pinag pakulo na ko ng pampaligo, pagpasok sa banyo, umihi muna ko..then may kasamang dugo! After umihi, hindi ko na kayang tumayo ng diretso namimilipit sa sakit. Tinawag ko na si mommy para tulungan akong maligo dahil hirap nako kumilos. Si mommy nag shampoo ng buhok at nagsabon ng katawan ko. Ako nakahawak sa wall namimilipit sa sobrang sakit pero hindi ako tulad sa pelikula na sumisigaw sa sobrang sakit. Hindi pa pumuputok panubigan ko, sabi nila mas madaling manganak kapag tubig ang unang lumabas kesa dugo. Ang sa akin dugo or ang tinatawag nilang bloody show.

Naka prepare na lahat ng dadalhin sa hospital, 4:00 PM dumating si fluffy hubby na walang ka ide-idea na manganganak nako. Akala nya joke lang na nasa pintuan na lahat ng bag na dadalhin sa hospital. Pagpasok nya ng bahay, naka smile pa syang nagtanong: manganganak ka na ba? Sagot ko: tara na, punta na tayo hospital. Na shock sya seryoso na pala ako.

5:00 PM dumating si doctora, inuna akong kausapin kahit my mas nauna sakin sa listahan. Sabi ng secretary dun sa mga naunang dumating na manganganak nako. Dati kapag nag IE si doctora, tolerable yun pain pero nung time na yun potek ansakit parang hinahalukay yung matres ko. 4 cm na daw kaya pwede na ko i-admit, punta na daw kami sa admission office then next is sa labor room. Sobrang kalmado pako, nakikipag tawanan pa kay fluffy hubby kaya ask sa admission kung bakit iaadmit na baka hindi pa manganganak. Tinawagan nila si doctora para makasiguro kung seryoso kami, ayaw pa kase maniwala na 4cm na nga. Siguro yun iba kapag 4 cm na, nagwawala na sa sakit. Nabanggit ko nga kanina, low ang pain tolerance ko. Ang konting sakit ay sobrang sakit na, pero dahil sa discreet ako, ayokong ipahalata na in pain nako.

8:00 PM 7cm na ambilis compare sa iba. Yun nga lang nagka problema, nagshoot ang BP ko 160/110 then para akong kinukumbulsyon ang hirap pigilan ng panginginig ng katawan. Hindi naman malamig sa room, sakto lang. Bumabagyo pa nung gabing yun, parang pelikula na kumikislap kislap ang ilaw tapos anlakas ng ulan, kulog at kidlat. Kitang kita sa binatan ang sunod sunod na kidlat. Tinurukan ako ng pampakalma para bumaba yun BP pero after 30 minutes nawalan ng bisa, balik sa 160/110.

10:00 PM 10cm na, binutas na ang panubigan. Non stop padin ang panginginig ng katawan. Tuturukan na daw nila ako ng epidural, infairness tahimik padin ako kahit sobrang sakit na. Nahirapan sila sakin na ibaluktot, hindi nila makapa yun hinahanap nilang buto pero eventually sabi nila nakabit na nila yung dapat nila ikabit sa likod ko. Potek hindi tumatalab ang epidural, ramdam na ramdam padin ang sakit. Twice nila ko tinurukan, potek wala talagang talab.

11:00 PM mataas padin si baby ayaw bumaba. Dahil mataas padin ang BP, nag usap usap ang mga doctor na hindi na nila ko paiirihin. Tatawagin na daw nila si fluffy hubby para papirmahin ng waiver para sa pag payag nya ng emergency C-section. Pero dahil my finafollow silang process, 2:00 AM pa daw nila ko dadalhin sa OR.

2:00 AM nilipat nako sa Operating Room. Pagod, antok, hilo at hinang hina na dahil sa puyat at sakit ng tyan. Pilit pading dinidilat ang mata sa kagustuhang makita si baby and para iremind sa mga nurses and sa doctor na kunin ang camera kay fluffy hubby. Natatawa na nga sila dahil maka ilang beses ko inulit ulit sa kanila. Ang pagturok ng anesthesia dapat 5-10 mins lang daw tatagal, inabot ng isang oras pag pagturok sa likod ko. Naririnig ko mga usapan nila, naka limang palit ng karayom ang anesthesiologist. Yung pinaka malaki and mahaba yung naging compatible sa spine ko. Sobrang liyad ang likod ko, so kahit anong baluktot gawin nila ayaw bumuka ng buto.

3:00 AM sinimulan na nila ako itali and naglagay na sila ng kurtina sa harapan ko. Napipikit at naiidlip na ko sa pagod, ginigising ako ng anesthesiologist wag daw ako matulog para makita ko paglabas ni baby.

3:23 AM nakarinig ako, BABY'S OUT!! Lumingon ako sa kanan, nakita ko si baby nililinisan na nila then tinabi nila sakin para makita ko ng malapitan. Naiyak ako sa sobrang saya dahil mahahawakan, maaakap at makikiss ko na sya. Totoo pala na once makita mo na ang baby, mapapawi ang pagod, puyat at sakit, it's definitely worth it! Sobrang pasasalamat ko kay God na ligtas kami parehas at healthy si baby.

5 comments:

  1. anhirap pala ng panganganaks. buti di nanganganak ang guys.

    TC!

    sayangs, di ka pa ata pede pumunta sa christmas parteeeeey

    ReplyDelete
  2. Magkano inabot ng expenses mo nun Mommy?

    ReplyDelete
  3. https://tophtc.com/how-to-delete-shopee-account-easy-guidelines/

    ReplyDelete
  4. https://tophtc.com/hp-plans-to-cut-up-to-6000-jobs-must-read/

    ReplyDelete
  5. Its a Great Important post.Thank You so Much Sharing your post.

    ReplyDelete