Saturday, December 21, 2013

Post Partum Depression



Part 1: Bloody Show

Sa panahon ngayon, hindi na pala uso ang nursery room. Dati kase diba may oras ang pag silip sa mga babies at mga nurse ang bahala na magpa dede at magpalit ng diapers nila.

Sabay kami lumabas ni baby sa operating room, diretso sa pinareserve na kwarto. Pinopromote ng hospital ang breastfeeding kaya hindi kami inallow na bumili ng formula. Tinry ko magbreastfeed, unfortunately walang lumalabas, after 3 days pa daw kapag cesarean. Friday 3:23 AM inilabas si baby, hapon na hindi pa sya nakakainom ng milk iyak na sya ng iyak hanggang sa nag labas ng letter of approval ang pedia dahil gutom na gutom na si baby. 

Hindi masakit at hindi kumikirot ang tahi sa tyan pero ang hirap kumilos parang may isang sakong bigas sa harapan ko sobrang bigat sa pakiramdam. Kelangan tumagilid at piliting gumalaw galaw para hindi magdikit dikit ang bituka. Kelangan din umutot para malamang nagfafunction na ang bituka at para pwede ng makakain. Uhaw na uhaw na ko pero bawal pang uminom ng tubig, nagmamakaawa ako sa mga nurses and doctors na bumubisita dahil tuyong tuyo na ang lalamunan. Imagine simula ng inadmit ako 5PM hanggang kinabukasan ng tanghali walang inuman ng tubig. Nakaka frustrate dahil desperado nako makainom ng tubig ayaw lumabas ng hangin nagpapaikot ikot lang sya sa bituka. Sabi ng nurse kusang lalabas ang hangin hindi kelangan iire baka bumuka ang tahi. 

Saturday (2nd day after manganak) may nakalabas ng hangin pero kakaunti. Then finally, Inallow na uminom ng tubig at sabaw. Nilagyan naman ng sepositori para maka poop. Sobrang hindi ako kumportable na nakahiga tapos magpupoop sa urinal basin. Sabi ng nurse pwede na itry maglakad papuntang CR. Dahil gusto ko na makakain ng normal pinilit  lumakad papuntang CR, bawat hakbang sobrang hirap sobrang bigat pero hindi kumikirot ang sugat, mabigat lang talaga. Nakailang balik sa CR, after ng tatlong try nakapoop din sa wakas, pwede ng kumain ng soft food like jelatin or jelly ace.

Sunday (3rd day) buong gabi hindi nakatulog sobrang sama ng pakiramdam. Naninigas ang breast dahil kelangan dedehin ni baby para makalabas ang gatas. My problema, inverted ang both nipple kelangan ipump para makalabas ang milk. Walang mabiling pump sa mercury out of stock kaya pinahiram kami ng hospital, naka 4 ounce na breastmilk. Nag shoot na naman ang BP balik 160/110 naninigas ang panga at ramdam na ramdam na umaatras ang dila. Lalo akong ninerbyos hate na hate ko ang ganitong pakiramdam. Last time na nanigas ang dila ko eh na mild stroke na pala ko nun. Nataranta mga nurses pati mga doctors my pinainom silang gamot at pinalagay sa dila. Dito na nagstart ang Postpartum Depression.

Buong araw ng Linggo maya't maya ang pagmonitor ng BP ko, walang talab lahat ng ibigay nilang gamot. Nakikita kong natataranta ang mga nurses na kumukuha ng presyon ko, naiistress ako sa kanila. Pinagbawalan nila ko hawakan si baby pinipilit nila na patulugin ako or aliwin ang sarili. Kahit anong pilit gawin or aliw ang gawin, ang hirap mag focus. Nakatingin sa TV pero tumatakbo ang utak, kung ano ano ang naiisip. Gusto ko umiyak, sumigaw, mag wala, para kong mababaliw or nababaliw na nga ata ako nun, hindi ko maintindihan parang gusto ko sumabog.

Monday (4th day) eto dapat ang araw ng release ko, pero dahil sa inaatake ko ng buwisit na postpartum at ayaw makisama ng BP na 160/110 maeextend ang pagstay ko sa hospital. Lalong tumindi ang depression, stress to the highest level hindi dahil sa bill na babayaran namin kundi dahil nakikita ko parin na natataranta mga nurses sa result ng BP. Niresetahan nako ng sleeping pills para makatulog at para kumalma, hindi pumayag si mommy dahil fear nya baka hindi nako magising sa taas ng presyon ko. Nagsalpak nalang ng earphone nakinig ng lovesongs para makatulog dahil gusto ko na talaga makauwi sa bahay. Lahat ng sabihin nila sinusunod ko pero tumatakas akong lapitan at hawakan si baby, tagal kong inantay na mahawakan sya tapos ipagbabawal.

Tuesday (5th day) nag freak out na, hindi na nakayanan bumigay nako. Kung nung mga nakaraang araw, nagpipigil pako sa emosyon, pilit nilalabanan eto natuluyan ng umiyak dahil feeling ko hopeless na, mamamatay nako. Inaakap ako ni mommy, nakikita ko syang nagpapaka strong para sakin, ayaw nyang magpakita ng emosyon. Sinasabi nya na mahal na mahal nya ko, mahal na mahal ng asawa ko, mahal na mahal ng mga kapatid, wag daw ako bibigay. Isipin ko nalang daw si baby para maging strong, dapat daw happy instead na malungkot dahil finally antagal naming inantay, ayan na nasa harapan ko na yung matagal na naming pinagdadasal ibinigay na ni Lord. Kumalma ako ng konti after kausapin ni mommy. Kinagabihan hindi parin makatulog, akap ako ng akap kay fluffy hubby. Ramdam na ramdam kong pilit nya kong inaaliw, kini-kiss, sinasabihan ng i love you, tulad din ng mom ko sinasabihan din nya ko na magpaka strong para sa anak namin. Kinausap ni OB si mommy about postpartum and locha ( bleeding after childbirth). Papayagan na nila akong makalabas basta tuloy tuloy lang ang pag inom ng gamot para sa highblood at labanan ang depression. Sabi din ni OB na normal lang yung pinag dadaanan ko, lilipas din ng mga ilang buwan.

Wednesday (6th day) hindi na pumayag si mommy na icheck ang BP ko para hindi nako mastress at para makalabas na kami ng hospital. Mataas padin ang result pero hindi na nila pinaalam, nakikita kase nilang naka smile nako at gustong gusto ko na talaga umuwi. Si mommy padin ang nagbabantay at nag alaga kay baby.

Friday (1 week na si baby) pumayag na si mommy na itabi ko sa pagtulog si baby. Actually hindi ako natutulog kase every 2 hours gumigising sya para dumede, so night shift ako. Kapag kinuha na sya ni mommy ng umaga dun lang ako natutulog, pinaka mahabang tulog is 4 hours. Kahit si mommy na nagbabantay at nag aalaga, gusto kong nakikita si baby kaya minsan walang tulugan. Malaking bagay at malaking tulong na nasa tabi ko si baby, lalo na kapag nakikita ko syang nag smile habang natutulog, mabilis nawala ang postpartum depression.

No comments:

Post a Comment