Showing posts with label Megamall. Show all posts
Showing posts with label Megamall. Show all posts

Tuesday, September 7, 2010

Travel Expo

Lately natatamad ako mag blog, natatamad ako mag work, natatamad ako mag Facebook, at natatamad ako kumilos kapag asa opisina. Iniisip ko, baka dahil amfanget ng location ng kinauupuan ko, asa tabi ng kanto, as in kantong kanto. Amfanget sa pakiramdam, sana ilipat na ko ng cube ayoko dito.

Nwei,... simulan ko na nga ang kwento...

Nakareceived ako ng message galing kay Chyng about sa Travel Expo sa Megamall (buti nalang binuksan ko uli FB ko). Kung mapapansin nyo, wala kaming out of town ni payat or never kami nakatungtong sa lupa or nakalanghap ng sariwang hangin sa ibang bansa and you know why?... why?!! why nga ba??!! Takot kaming lumayo kay Manila, close kami hehehehe..corny.. Elib nga ako kay Chyng, nakakapag lakwatsa magisa.. nakasurvive pa ng Sagada.. ASTIG!!

Ayun na nga, Saturda after shift ay gumora bang bang kami sa Megatrade, nauna kami ni payat sa Megamall. Pagpasok namin, kabooooooooooom!! nakakaloka at nakakahilo sa dami ng tao. Naloka ako sa dami ng puwedeng puntahan, nahilo ako kakapili pero nag end up kami sa wala as in wala paksyet lang diba. Nyeta! Php88 lang airfare, kumuha kami ng number pang 386 kami, alas kwatro na no# 120 palang inaasikaso nila. Malamang tinubuan na kami ng ugat at dahon bago tawagin ang number namin. Minabuti naming lumabas muna at maghanap ng mauupuan, nabugbog ang maganda kong katawan kakabungo ng mga taong nasasalubong sa daan.

Dumating si khantotantra galing Quiapo at namili ng maraming DVD plano daw nya mag dvd marathon. Dumaan lang sa mall para kamustahin kami den umalis din sya kagad after mag hi and hello. Alas singko ng dumating si Mapanuri at Spiderham, nagtext at nasa entrance na daw sila. Wala pa atang kinse minuto tinagal nila sa loob, hindi nila nakayanan ang dae ng tao.

Nakakapanlumo, hinayang na hinayang ako. Siguro kung umaga palang andun na kami ni payat siguro nakakuha kami ng number kagad at nakapag pa book kami. But nwei, siguro may rason kung bakit hindi kami nakapag pa book, baka hindi pa ngayon ang panahon para makaamoy ng sariwang hangin sa Cebu at Bohol. Hindi pa ngayon ang panahon para masilayan ang Singapore. Masaya pa naman ako sa amoy ng Recto, kuntento pa naman ako sa magandang view ng squatter. Sa susunod suswertihin din kami!!

Niyaya ko nalang sila kumain at mag dessert para naman sumaya saya ako ng konti. Napadpad kami sa Crepes, first time kumain nila Mapanuri dito.

Inorder ko Banana Chocoloate Almond Temptation Crepes Php 109 or 199 nakalimutan ko na basta lagpas isang daan. The best talaga, pangtanggal pagod, stress, ng pagka haggard at pagka exhaust. Messy sya kainin pero kiber kahit bumubulwak yung ice cream kering keri padin.

Eto naman yung order ni Mapanuri, Banana de Leche parang kaseng lasa lang ng ice cream ng inorder ko. Kinaibahan lang walang chocolate syrup.



Eto yung kay Spiderham, Cheesy Hotdog na missing in action! Parang sinasabi nung hotdog: hanapin nyo ko.. hanapin nyo ko.. hindi nyo ko makikita.. hulaan nyo kung asan ako. Actually, hindi inubos ni Spidey yung Cheesy Hotdog, napagod ata sya kakahalukay sa hotdog na nakikipag laro ng hide and seek.



Sarap kumain!!

Yung mga pictures galing kay Mapanuri ^_^

Monday, August 30, 2010

RBC at Yoshinoya


August 21, 2010 nang lumipat na kami from Eastwood IBM to Rockwell Ortigas. Maganda and tahimik naman sa RBC pero walang makainan at malakwatsahan. Sobrang layo ng nilalakbay ko papasok ng opisina. Biruin mo yun, limang sakay papasok palang at malayo layong lakaran pauwi. Ayoko kase magtaxi, OO kuripz na kung kuripz, pero sapilitan pa talaga bago ako mapag taxi

Una kong pinuntahan sa bago naming opis pagdating na pagdating ko, syempre ang pantry. Sa Eastwood, Pepsi products ang drinks, ngayon pinasarap na... tantananan tanan.. Coke Products na (ambabaw ng kaligayahan ko). At hindi puwedeng mawala ang ice tea, pineapple juice, orange juice at Milo. (Ms. Chyng Reyes, wala ng Four Season mahal daw ang isang Litrong Del Monte hihihi ^_^)


Dati ayokong tumambay sa pantry, dahil hindi puwede tambay unless walang kumakain. Wala kaseng mapuwestuhan yung mga kakain talaga dahil kokonti lang ang lamesa at silya. Ngayon marami ng upuan at malinaw na ang palabas sa TV.



Si Mrs. Romantico, naki extra sa picture.


Ang aking umaalog alog na cube. Dito sa opis kanya kanyang set up kami ng computer. Kapag magulo ang mga wires, malamang lalaki owner nung cube, kapag parang OC ang pagkakaayos, malamang babae owner. hehehe



Sa tabi ng daanan ang cube ko, kaya medyo hirap na ako magblog, daanan ng mga pips eh kitang kita ang monitor ko.


Sa ibaba ng building may maliit na pond, mas gusto ko yung ambiance dito. Fresh na fresh, mahangin, maraming puno, hindi polluted, talagang tahimik.


Kinuhanan ko ng picture yung pinto sa lobby, tinawag ako ng guard bawal daw mag picture picture.. hihihi peace tayo manong guard.
Monday shift, walang mabilan ng pagkain sa paligid, buti nalang may jjamppong yung ka opismate ko. Unang pagkain ko ng Lunch sa maganda naming pantry, at syempre ang drinks ko Coke.


At dahil hindi pa ako familiar sa lugar at maliligawin ako, nagpasundo ako kay payat tutal matapang sya pumunta sa mga lugar lugar. Pagpunta namin sa MRT, Shocks, nung nakita ko kung gano katarik yung hagdan parang nanlumo ako sa nakita ko. Kelangan ko muna kumain ng heavy meals bago makaakyat sa hagdan, baka himatayin ako sa taas. Pumasok muna kami ni payat sa Megamall A para maghanap ng makakainan.
First time namin kakain sa Yoshinoya, medyo nangangapa pa kami kung ano masarap. Inorder namin Beef and Tempura (nakalimutan ko name) ang sabi good for two na daw yan. Umorder din kami ng dessert, parang kakapiranggot lang sya.
Hinati namin ni payat sa gitna yung rice doon sa plate na unang sinerve samin. Don sa kalahating rice, busog na ako. Abah si payat umorder ng dalawang extra rice pa, hala napagod ata sa pagsundo sakin sa Ortigas. Nakatatlong rice, saan kaya tinago ni payat yung ibang kanin sa tyan nya.. hmmmm...