Showing posts with label Robinson's. Show all posts
Showing posts with label Robinson's. Show all posts

Thursday, September 1, 2011

Escalades 20th Ave. Cubao

Picture sa itaas ay galing kay Google.

Kwentuhan ko muna kayo kung pano ako nakabili ng condo last year. Yes, tama ang nababasa nyo, bumili ako ng condo. Etong entry na'to ay hindi para iyabang ang condo kundi ishare ko senyo ang magandang project ng Robinson's Land Corporation.


Last year, nakareceive ako ng text from my sister and gusto nya makipag meet up sa Podium. Nung una ayaw nya sabihin kung bakit, basta meet up daw kami ililibre nya ko dinner and isama ko daw boyfriend ko (mag BF GF palang kami ni Fluffy, hindi pa sya nagpo-propose that time). Well, dahil libreng lunch sa Banana Leaf, why not diba! About sa food, hindi ko na maalala, hindi nag iwan ng marka pero busog. After kumain, sinabi na ng sister ko na may magandang project ang Robinson's Community, ang target market ay Family. Sobrang lakas daw sa market and nagkakaubusan ng unit. Naisip nya ko, baka kailanganin ko daw in the future and para magkaron ako ng investment kahit isa lang. Wala pa nga atang isang oras ng mag sign ako ng papers, ambilis ko maconvince kase andaming investors na andun na nagsa-sign ng contracts and sinasabi nilang maganda nga yung projects. Habang bata pa daw, simulan ng mag ipon at bumili ng investments like bahay or condo na for sure mapapakinabangan na hindi lang ngayon kundi pang matagalan. Tama naman diba..


Base sa website ng Robinson's Community:


Escalades at the 20th is designed by Robinsons Land Corporation with its professional design partners, following a method called "Green Architecture". Buildings are made to be energy-efficient, allowing more natural sunlight into each unit and hallway, and providing greater air ventilation, which saves owners from added utility expenses in the long run. It's a wise investment that fits your long-term goals.


Escalades will boast of The Escala Verde Courtyard, where your family can enjoy outdoor games and picnics. For people who make time for things that matter, Escalades has everything you need to create memories to last a lifetime.


Amenities:



  • Tropical Asian Inspired open Garden


  • Escala Verde Courtyard


  • Multi-purpose Function Room


  • Swimming Pool


  • Gym


  • Children's Playground


  • Jogging Path


  • Picnic Areas with barbeque pits


  • Day Care Center


  • Circulo Grande (Exterior circumferential road)


  • Gazebo Luna


  • Building Facilities:



  • Entrance lobby with reception/security counter


  • Annunciator panel with emergency speaker on all floors


  • Standby power generator for common areas and selected outlets in the residential units


  • Individual mailboxes


  • Central Garbage Room


  • Building Administration Office


  • Fire Exits


  • Water reservoir/tank/cistern


  • Gated Community


  • Automatic smoke detectors and fire alarm


  • Utility cages at the roof deck.


  • So, kung ikaw, ganyan ang offer sayo, madadalawang isip ka pa ba? Kaya no wonder kung bakit ambilis ko talaga magdecide, may swimming pool kase.. hehehe.. Actually, 6 buildings ang meron itong community na to. 





    Sinong mag aakalang may ganito sa Cubao? Sabi nga ng kaopismate ko, parang nasa Mckinley or Taguig, ang ganda kase ng pagkakagawa. Nakatayo na ang ibang building pero syempre yung building namin  ginagawa pa.




    Yung gym, hindi ko na pinicture-an dahil wala pang laman pero may kalakihan ang lugar. Malang madaling araw kami mag gym ni Fluffy para sure na walang tao.. hahahaha.




    At eto ang reason kung bakit ko sya binili, gustong gusto ko magkaron ng sariling swimming pool. Oks lang kahit may ka-share basta pagbaba ko my swimming pool. Malaki sya promise, malamang crowded to kapag weekend pero dahil sa nocturnal kami ni Fluffy sa gabi kami magsu-swimming at hindi pa kami iitim.




    Eto yung sariling mailbox, my istorbong dalawang payong. Tulad ng nabanggit ko kanina, gawa na yung ibang building kaya may mga nakatira na. Yung children's playground ginagawa pa sa kabilang side, yung katabi ng swimming pool. Nakakaexcite promise! kase turn over na ng building namin next year! Sakto kasal na kami ni Fluffy at my titirhan kami para sa pagsisimula ng pagbuo namin ng pamilya.


    Marami pang ongoing projects and bagong projects ang Robinson's Land, in case magustuhan nyo or gusto nyo din mag invest puwede nyo contakin ang sister ko, Amy Lim 09228132297 or email her at lim.amelie@yahoo.com

    Wednesday, September 15, 2010

    Roxas Boulevard and Recipes


    Habang kumakain kami sa UCC, naisipan ni Chyng na next naming puntahan ang Baywalk para doon i-continue ang photoshoot (lahat ng picture galing sa dslr ni Chyng na si Harvey). Inantay lang namin tumila ang malakas na ulan then gogora na kami sa paglalakad. (parang my kinakasal na tikbalang, umuulan ng malakas habang matindi ang sikat ng araw).

    Parang dalawang kanto bago makarating sa baywalk kaya chika to the max muna kaming tatlo. Then syempre photoshoot na naman, weeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeh!

    Hindi na makaisip ng bagong posing si payat kaya posing ng pang tamad daw muna, ano yan payat sasayaw ka ba ng ocho ocho?




    Hala! wala palang cover ang aking tummy, di bale hindi naman kita ang aking mga fats kahit nag i-inhale exhale ako. (kahapon hindi ako nakapag hiphop abs, umuulan kase.. hahahaha LOL nitatamad lang ako ^_^ )



    Inantay naming sumindi mga lights then babalik din kagad kami sa Robinson's. Walang araw natatabunan ng mga clouds kakagaling lang kase sa ulan.



    Nakakagutom mag posing gora bangbang na kami pabalik sa Robinson's para itry naman ang Recipes na sinuggest ni Chyng.

    Eto ang Gising Gising, hindi kumakain ng gulay si payat pero napakain sya ng di-oras. Hindi sa pinilit namin sya, dahil nasarapan sya. Ako naman walang problema, fave ko ginataang gulay, hihingi sana ako ng sili para durugin sa gulay hihihi parang Bicol Express. Actually hindi namin naubos yung gulay at inuwi ko para matikman ng mom ko. Nasarapan sya sa timpla at plano nyang gayahin ang pagkakaluto.




    Eto ang the best, as in the best talaga ang pagkakaluto. Nakakatuwa naka separate na yung laman sa tinik and pinatong yung slice na laman sa ibabaw ng kalansay ng isda. Crunchy yun breading nya at ang sarap ng combination ng sawsawan nila. Malaki yung tilapia kaya hindi nakakabitin, swak na swak sa tatlong tao. Pero mas tinira ko ng tinira yung gulay padin :D



    Eto naman lasang Chinese Imperial ng KFC, General Chicken ata pangalan nito na may talong. Inabsorbed ng talong yung sweet sauce kaya malasa din sya. Kahit ma-sauce yung chicken, crunchy padin yung breading.



    Hindi nagkamali ng sinuggest si Chyng, tama the best ang mga sinuggest nyang food samin. Syempre hindi ito ang first and last na kakain kami dito, mauulit to for sure.


    Monday, September 13, 2010

    Lakwatsahan with Chyng

    Super duper hectic ng schedule ko last Saturday at the same time masama ang pakiramdam ko. Syempre bawal mag absent kase naka scheduled halfday ako, means, nag file ako ng vacation leave pero halfday lang, kelangan tipidin ang VL. At tutal weekend naman na kaya makakapagpahinga ng Linggo at Lunes.

    Pumasok ako at kinausap ko ang mga Taiwanese na visitors namin about sa mga bagay bagay na dapat pag-usapan. Alas sais ang halfday ko pero 6:30AM na hindi pa tapos ang trabaho, medyo pumipintig na ang ulo ko sa kirot. Pagdating sa bahay umidlip muna sa tindi ng hilo at kirot ng ulo, may aatenan pa kaming binyag kelangan gumising at mag ayos din kagad.

    Naligaw kami at nagpark sa maling reception, akala namin Kamayan yun pala Kamay Kainan, parehas kasing letter K ang simula nakaka confuse hihihi. Nakay Pachuchay pa ang mga pictures, i-blog ko nalang sa mga susunod na araw yung mga kinain namin. After naming mag eat all you can, dumiretso kami sa Lotsa (hindi ko na maalala kung tama ba yung name, masakit na kase ulo ko that time. Hindi na masyadong nagfa-function ang brain ko.). Tinignan namin yung place, naghahanap kami ng magandang venue para sa darating na birthday ng mom ko. After namin icheck yun place, uwian na pero ako hindi pa. Nagtext si Chyng nasa Lrt na daw sya, buti nalang malapit na ko sa Tayuman at nagpababa nalang ako sa LRT.

    Tinext ko si payat nasa Makati pa daw sya nakikipag chikahan sa mga dating ka opismates. Kaya kami muna ni Chyng ang nagkita then sumunod nalang sya. Sobrang nakakatuwa parang matagal na kaming magkakilala the way kami magchikahan.Mas lalong naging masaya ng ilabas ni Chyng si Harvey (tama ba ang name hihihi medyo hilo padin ata ako until now). At naka prime lense sya kaya ang kinis kinis ng mukha namin at dalawang tigyawat ko lang ang visible sa pictures. At eto pa.. pangarap maging model ni payat, kaya tuwang tuwa ng gawing model ni Chyng at walang pakundangang nag pose ng nag pose si payat.. hahaha..


    I Love My Bag, panakip sa mga naglalabasang taba sa mga sagigilid ng aking beywang. hihihi.. Parang commercial lang ng Lesofat nyahahah.. I-cover ang mga fats, hayz.. itutuloy ko na nga ang aking HipHop Abs para hindi na kelangan magtago sa malaking bag.

    Si payat feeling model ng stairs, ganda ng kuha panira lang si manong sa likod gustong maging extra. Buti pa si payat hindi kelangan magtago sa bag.

    Nagsama ang parehas na payat parang nakakahiyang tumabi, kitang kita kagad ang kinaibahan ko sa kanila,.. Nakaka-inggit!! hihihi


    Naghanap kami ng matatambayan para ituloy ang chikahan and sinuggest ni Chyng sa UUC, masarap daw mga cheese cakes dun. Inorder ni Payat ang Oreo Cheese cake and kami ni Chyng prehas ng inorder, i think it's Blueberry cheese cake. Then again, paumanhin hindi gumagana brain ko that time, paki correct nalang me kung mali.. hihihih..


    Picture palang yummy na, sobrang thick and creamy ng cheese cake nila as in thumbs up talaga. Isa ang UUC sa mga kinatatakutan naming pasukin, takot kami ma shock sa price pero affordable naman pala Php 99 ang isang slice.


    Ang Oreo Cheese Cake ni payat (gitna) masarap din naman pero naliligaw ang tinidor nya sa platito ko. Masarap din naman pero first time ni payat pumuri sa cake na hindi chocolate.

    Ang babaeng hindi maawat sa pag posing, sige na nga bibili na ko ng prime lense para gumanda na din ang mga kuha ko ^_^.


    Pasaway na tigyawat yan, naki posing pa kasama ang cheese cake, inpeyrness magaganda mga pictures namin. Salamat Chyng at Harvey sa mga nag gagandang pictures dito sa blog ko :D.

    Monday, August 30, 2010

    RBC at Yoshinoya


    August 21, 2010 nang lumipat na kami from Eastwood IBM to Rockwell Ortigas. Maganda and tahimik naman sa RBC pero walang makainan at malakwatsahan. Sobrang layo ng nilalakbay ko papasok ng opisina. Biruin mo yun, limang sakay papasok palang at malayo layong lakaran pauwi. Ayoko kase magtaxi, OO kuripz na kung kuripz, pero sapilitan pa talaga bago ako mapag taxi

    Una kong pinuntahan sa bago naming opis pagdating na pagdating ko, syempre ang pantry. Sa Eastwood, Pepsi products ang drinks, ngayon pinasarap na... tantananan tanan.. Coke Products na (ambabaw ng kaligayahan ko). At hindi puwedeng mawala ang ice tea, pineapple juice, orange juice at Milo. (Ms. Chyng Reyes, wala ng Four Season mahal daw ang isang Litrong Del Monte hihihi ^_^)


    Dati ayokong tumambay sa pantry, dahil hindi puwede tambay unless walang kumakain. Wala kaseng mapuwestuhan yung mga kakain talaga dahil kokonti lang ang lamesa at silya. Ngayon marami ng upuan at malinaw na ang palabas sa TV.



    Si Mrs. Romantico, naki extra sa picture.


    Ang aking umaalog alog na cube. Dito sa opis kanya kanyang set up kami ng computer. Kapag magulo ang mga wires, malamang lalaki owner nung cube, kapag parang OC ang pagkakaayos, malamang babae owner. hehehe



    Sa tabi ng daanan ang cube ko, kaya medyo hirap na ako magblog, daanan ng mga pips eh kitang kita ang monitor ko.


    Sa ibaba ng building may maliit na pond, mas gusto ko yung ambiance dito. Fresh na fresh, mahangin, maraming puno, hindi polluted, talagang tahimik.


    Kinuhanan ko ng picture yung pinto sa lobby, tinawag ako ng guard bawal daw mag picture picture.. hihihi peace tayo manong guard.
    Monday shift, walang mabilan ng pagkain sa paligid, buti nalang may jjamppong yung ka opismate ko. Unang pagkain ko ng Lunch sa maganda naming pantry, at syempre ang drinks ko Coke.


    At dahil hindi pa ako familiar sa lugar at maliligawin ako, nagpasundo ako kay payat tutal matapang sya pumunta sa mga lugar lugar. Pagpunta namin sa MRT, Shocks, nung nakita ko kung gano katarik yung hagdan parang nanlumo ako sa nakita ko. Kelangan ko muna kumain ng heavy meals bago makaakyat sa hagdan, baka himatayin ako sa taas. Pumasok muna kami ni payat sa Megamall A para maghanap ng makakainan.
    First time namin kakain sa Yoshinoya, medyo nangangapa pa kami kung ano masarap. Inorder namin Beef and Tempura (nakalimutan ko name) ang sabi good for two na daw yan. Umorder din kami ng dessert, parang kakapiranggot lang sya.
    Hinati namin ni payat sa gitna yung rice doon sa plate na unang sinerve samin. Don sa kalahating rice, busog na ako. Abah si payat umorder ng dalawang extra rice pa, hala napagod ata sa pagsundo sakin sa Ortigas. Nakatatlong rice, saan kaya tinago ni payat yung ibang kanin sa tyan nya.. hmmmm...

    Tuesday, December 8, 2009

    Pizzeria



    Dec 1, 2009

    Nagkita kami ni payat sa paborito naming mall para maghanap ng makakainan. Ayun, my bagong pizza parlor sa gilid, ang Joey Pepperoni Pizzeria na may promo buy one take one daw. Paglapit namin, my isa pa silang promo, ang eat all you can na pasta. Dahil sa ang kine-crave namin ay pizza, next time namin ita-try ang pasta nila.

    Kumaway si payat sa waitress, yung manager na lalaki ang kumaway pabalik samin para sumenyas na sandali lang. Bakit isa lang ang waitress nila.. asan ang iba? 12 ang tables nila at 8 tables occupied ng customers.. Hmmm.. makakaya ba ng isang waitress yun tpos eat all you can pa sila?

    Ayun, sumulpot ang isa pang waitress nila galing sa labas at kinuha ang order namin.

    The Works:
    Smoked ham, Pepperoni, Bacon, Salami, Beef toppings, onions, bell peppers and olives.

    Pizza Messicana:
    Beef toppings, Bacon, Cheddar Cheese, mushroom, Mexican Seasoning.

    Umorder kami ng Apple and Pearl pero hindi available kaya nag bottomless iced tea nalang kami.

    Nakakatuwa merong papel na nakapatong sa table namin na my word finder at facts about Joey Pepperoni. Habang nag aantay ng order namin ay sinagutan muna ni payat ito. Medyo may katagalan ng order namin, kaya siguro may word finder sa lamesa.


    Unang dumating ang Pizza Messicana, sobrang thin ng crust and sobrang crunchy. Malalasahan ang Mexican seasoning. Hindi na namin ginamit yun fork and knife para hiwain yung pizza, mas masarap kumain ng naka kamay.



    Sumunod ang The Works na parang hindi niluto. Sobrang maarina pa yung crust na parang sinerve samin ng katatapos lang ilagay ang toppings na parang hindi man lang dumapo sa loob ng oven.


    Umorder ng onion ring yung katapat na table namin at parang natakam ako. Tinawag ni payat ang manager kase hindi na naman namin makita yung mga waitress nila. Sabi ni payat kay manager, "Ser pa add ng order, oorder kami ng onion ring." Ang sabi ni ser manager, "Ma'am wala po kayong inorder na onion ring". Nagkatinginan kami ni payat baka hindi lang sya narinig ng mabuti kaya inulit nya. Ang sabi uli ni ser manager, "Ma'am 30 minutes pa po bago maluto". Sabi ko, "Ang tagal naman nun, bakit 30 minutes maluto ang sibuyas?". Sagot ni ser manager, "Ma'am ganun po talaga". Sabi ko, "Sige na nga, order padin kami" at nagbiro ako kay payat na isulat nya sa papel na 30 minutes pa darating ang order naming onion ring.


    Narinig pala ni ser manager ang biro ko at bigla syang nataranta. Biglang sumulpot ang waitress nila na kanina pa nawawala. Parang guwardya sibil na nakatayo sa tabi ng lamesa namin na tipong nag spy samin kung ano ang sinulat ni payat sa papel na nakapatong sa lamesa namin. Ang sabi ni payat, "hala ka, natakot ata sila". Tinignan ko ang waitress at tumingin din sya sakin na pilit padin sinisilip ang sinulat ni payat sa papel. Sabi ni payat na sadyang ipinarinig nya sa waitress, "itago mo na nga yang papel para umalis na yan sa tabi mo". At hindi padin sya natinag sa gilid ng lamesa, para na syang istatwa sa tabi ko na hindi man lang makuhang mailang dahil tinititigan namin sya.

    Less than 10 minutes bumalik ang manager na dala dala ang onion ring. Sabay tanong kung meron pa kaming oorderin, kung gusto pa namin ng refill, my kailangan pa ba kami at kung ano ano pa. Biglang nag iba ang treatment samin ng manager at andun padin si waitress na istatwa na ata sa tabi ko. Sagot namin, "ser wala napo kaming order".

    Masarap ang onion rings nila, crunchy and manamis namis ang sibuyas na binagayan ng cheese na dip.

    Etong kuwento ko ay hindi para siraan ang naturang pizza parlor, eto ay experience po lamang namin. Hindi ko naman alam na ganun ang magiging reaction nila sa biro ko na isulat ang 30 minutes. hehehe.. sorry my bad.. Kahit naman hindi isulat ni payat yun, matatandaan ko naman eh. Peace tayo kapatid na waitress.. hihihi.. :D