Showing posts with label Share ko lang. Show all posts
Showing posts with label Share ko lang. Show all posts

Tuesday, July 13, 2010

Panalo!!


Matagal na itong picture na ito, nung mother's day pa. Habang nagba-browse ako ng mga folders ko ay nakita ko ito. Na-cute-an ako sa posing nila at ang posing ng nag-iinarteng cake na gumuguho dahil naiinitan.. panalo! At ako ata ang kumuha nyang picture na yan gamit ang camera ko. Para saan itong entry kong to?.. WALA .. wala lang.. wala lang talaga..

Thursday, February 4, 2010

RACKS


Nanood kami ng mom ko and ni payat sa IMAX ng Avatar and medyo gusto ko kumain sa isang espesyal na lugar. Nilibot namin ang 3rd or 4th floor ng SM North para humanap ng makakainan. (Eto na ang bago kong tambayan at hindi na ang Robinson's Manila). Huminto kami sa tapat ng R^CKs na bagong gawa. Una kong kain dito ay nung highschool pa kasama ang ate ko. Hinding hindi ko makakalimutan ang lasa ng Carbonara nila.

Dali dali akong humanap ng komportableng upuan at pumwesto na. Nung una ay ayaw ng mom ko dahil alam nyang mahal dun. Sabi ko okay lang yan atleast masarap naman pagkain nila. Hindi na nakatanggi ang mom ko dahil lumapit na ang waiter nila at nagpakilala.

Tatlo kami at pare parehas naming gusto ang Carbonara. Ang Single ay 165 at kung tatlo kami ay Php 495. Merong Platter na Php 390 at yun ang inorder ko dahil mas makakamura kami ng Php 105.

Umorder din ako ng Buffalo Wings Php 198. Ang Brewed Iced Tea nila ay my Glass Php 55, Bottomless Php 85 at Pitcher 140. Inorder ko ang pitcher at nakatipid ng Php 25.


Pinaka sikat sa R^CKs ang pinagmamalaki nilang barbeque sauce. Napansin ko sa paligid andaming umoorder ng isang bottle for take out. Umorder kami ng dessert, Mississippi Mud Pie Php 130.


Unang hinatid ang Carbonara na good for 4 persons. Sobrang creamy ng sauce na binagayan ng garlic bread. Hindi mahilig sa pasta ang mom ko pero nakakagulat, nakailang sandok ang mom ko.



Ang Buffalo wings na swak sa panlasa, Yumyum!!






At ang pinaka the best ay ang Mississippi Mud Pie nila. Mainit un platito dahil mainit un chocolate syrup and un parang cupcake sa ilalim ay parang bagong bake lang. At infairness hindi natutunaw ang vanilla ice cream sa ibabaw. Sobrang yummy and sobrang mouth watering sya. Parang gusto ko pang umorder ng isa pa, yun nga lang ay busog na kami.


Big serving ang inorder ko kaya may na take out pa akong isang Buffalo Wings, pang isang tao pa na Carbonara at ang tirang Brewed Ice Tea ay sinalin namin sa bottle ng C2. wink* wink*


Sunday, January 3, 2010

Caffeine


Base from AskMen.com ang side effect ng excessive caffeine consumption are diarrhea, copious urination. Kaya pala last month madalas magloko ang tyan ko dahil sa sobrang dae kong naiinom na kape everyday. Sobrang lamig kase sa office namin kaya nakakaantok at syempre giniginaw ako. Ang solution lang naman na naiisip ko ay ang pag higop ng mainit na kape. Nung tinigil ko ang paginom ng kape ay naging mainitin ang ulo ko. Isa din pala itong side effect kapag nag quit ka sa pag inom ng caffeine. Pero kahapon hindi na mainit ang ulo ko. Pano yan, may pasok na naman tomorrow, iinom na naman ako ng kape.. hayz..


MYSPACE HIT COUNTER

TechnoMarine



Gusto kong magkaron ng TechnoMarine watch, yun nga lang medyo may kamahalan sya. Gusto ko ang Cruise Pink Gold. Hanggang tingin na nga lang ba ako sa labas ng My Diamond sa Greenbelt.. huhuhu.. kelangan ko magipon ng pera.


Eto pa ang ibang gusto ko sa TechnoMarine





Relos ng kapatid ko TechnoMarine Rose Gold



MYSPACE HIT COUNTER

Lady Gaga from Outer Space?!

Funny Video.
Naghahanap ako ng mga music video ni Lady Gaga ng makita ko tong video na to.
Natuwa ako kaya isheshare ko.
Source: Youtube.com
from VenetianPrincess




MYSPACE HIT COUNTER

Tuesday, December 29, 2009

B-Boy Petville



Yun alaga ng kuya ko sa Petville naglayas.. hahaha lakwatsera din.. nahawa na ata sakin.. Yun alaga kong si Anjo.Manjo.Ko naglayas din dahil hindi ko napakain.. Nagtampo..

(tinakpan ko yung last name hihihi baka isearch kami sa Facebook.. hahaha)

Chika muna!

Talor Swift and Taylor Lautner Split na!!



Dahil ba ito sa age gap? Matanda si Taylor Swift (20) ng 3 yrs kay Taylor Lautner (17).
Ayon sa nasagap kong chismax, Lautner like Swift more than she liked him. Kawawang wolf guy ang hot mo pa naman tapos iniwan ka lang ni Taylor Swift. Siguro hindi pa sya nakaka get over kay Joe Jonas. Naku huh, mas di hamak na gwapo and hunk si Lautner noh.

Taylor Swift pahiram muna ng song mo at kakantahan ko si Taylor Lautner
Para syo to wolf guy.. mwah

she wears short skirts, I wear t-shirts
She's cheer captain and I'm on the bleachers
Dreaming bout the day when you wake up and find
That what you're lookin for has been here the whole time

If you could see that I'm the one who understands you
Been here all along so why can't you see?
You belong with me

MYSPACE HIT COUNTER

Sunday, December 27, 2009

Mang Inasal


Favorite kong manok ay yung buttered chicken ng Aroma (sa Tondo lang ata meron nito) dahil malalasahan mo talaga yung malinamnam na flavor nya. At ang thigh part chicken ng KFC dahil sobrang ma-juice and yummy. Hindi ako mahilig sa Grilled chiken dahil ayoko ng sunog ang balat and ayoko ng dry. My malaking branch ng Mang Inasal sa Makati Ave kaya nacurious ako kung ano meron sa grilled chicken nila.


Sabi ni payat kapag lunch time ay sobrang dae ang kumakain dito at sobrang jampack ang tao. Buti nalang at may tatlong lamesa na available kaya nakaupo kagad kami ni payat.


Nacurious ako kung ano ang laman nung bote sa gitna. Sa Yellow Cab meron silang chili oil na makikita mo ang dinurog na pepper pero sa Mang Inasal ay oil lang talaga. Kinuha ko ang spoon, pinatakan ko ng oil at sabay tikim. Ngek bakit ganun, lasang mantika lang at hindi maanghang. Tinawag ko ang waiter para tanungin kung ano un bote sa gitna, ang sabi nya chicken oil daw. Hmmm.., ano kaya purpose ng chicken oil? Siguro para hindi ma dry yung grilled chicken nila. Malalaman ko to sa susunod kung ano purpose ng chicken oil.



Naks naman paborito kong number.. 28. Sabi kase eto daw ang maswerteng number parang seiko wallet ang number na mswerte.

Ayan at hinatid na ang inorder namin. Hmmmm nakakatakam ang amoy ng chicken. May kalakihan ang chicken at ang sabi ay unlimited rice daw. Hiniwa ko ang chicken, hmmm.. infairness ma-juice at malasa. Hindi sunog ang balat at hindi nakadikit ang laman sa buto. Hindi naman ako gutom nung araw na yun pero naka isa't kalahati akong kanin. (kaya ako nananaba eh armpf..)



Eto ang inorder ni payat. Sa maniwala kayo't sa hindi, maliit lang ang barbeque pero naka tatlong rice si payat.. hahahaha.. antakaw mo pero bakit hindi ka tumataba.


French Baker




Nung college ako, madalas akong dumayo sa San Andres Bukid para lang bumili ng palabok na nilalagyan ng hot sauce. Taga Tondo ako pero nagtya-tyaga akong bumyahe papunta dun para sa paborito kong spicy palabok. Weird ba? Ganun ako kasipag at katyaga basta usapang pagkain.

Bicolana ako at mahilig ako sa maanghang na pagkain. Sa totoo lang, ang nanay ko ang pinanganak sa Bicol at ako ay sa Tondo pinanganak pero mas Bicolana ako sa kanya.

Kapag oorder kami ni payat ng pasta, minsan nilalagyan ko ng paminta oh kaya ay tabasco para ganahan ako kumain. Kung ang iba ay humihiyaw na sa hapdi ng dila or nagwawala na habang umiinom ng tubig sa sobrang anghang ng kinakain nila, kami hindi. Ako at si payat kaya naming ubusin ang maanghang na pagkain na walang inuman ng tubig. Iinom nalang kami kapag naubos na namin ang kinakain namin. Did i mention na si payat ay Bicolana din? Now you know kung bakit matakaw kami parehas sa spicy food.

My nag suggest samin na itry namin ang Spicy Seafood Pasta ng French Baker. Hinding hindi daw namin makakalimutan ang lasa dahil pagpapawisan daw kami sa sobrang hot ng pasta. Sige nga at ma try ang pinagmamalaking pasta, hmmmmm...

Pasta in red pepper-infused tomato sauce, topped with calamari, fish, shrimp, and mussels, served with your choice of grilled foccacia or garlic toast. Choose your pasta: spaghetti, white fettuccini, or green fettuccini.


Ang pinili naming pasta ay white fettuccini. Unang tumikim si payat, pagkasubong pagkasubo nya ng pasta dali dali akong nagtanong: "Ano maanghang ba payat?" Hindi nakapag salita kagad si payat at tinignan lang ako. Syempre nacurious ako at inagaw ko ang tinidor kay payat. Pagkasubo ko ng pasta.. Uhmm Uhmmm GRAVECIOUS ANG SARAP UMUUSOK ANG AKING TENGA.. THE BEST!! Eto na ang paborito kong Seafood pasta, number 2 nalang ang Seafood Medley ng Chef de Angelo.

Umorder din kami ng Chocolate Shake na may chocolate ice cream on top. Tamang tama sa pagtanggal ng hapdi ng dila at umuusok na tenga namin ni payat.


Sa mga mahihilig sa spicy food, i recommend na i-try nyo ang Spicy Seafood Pasta. At try nyo din ang spicy palabok sa San Andres Bukid, nakakaaddik sya!!.. yum yum..




Tuesday, December 22, 2009

Melason nag date sa StarCity

Kahapon ay ipinakita ang date ni Melai at Jason sa StarCity.



Siguro kung wala si Melai, hindi ko panonoorin ang PBB double up kase parang ang boring ng iba. Pero like ko din si Rica and Tibo.

MYSPACE HIT COUNTER

Sunday, December 13, 2009

World Bazaar: Bro, Ikaw ang Star ng Pasko


Maraming Christmas bazaar ang naglipana ngyon at isa na dito ang World Bazaar Festival. Eto ay isang alternatibong lugar na puntahan para makapamili ng gifts ngyong pasko.


Nag sama ang Worldbex at ABS-CBN para maisatupad etong Christmas Bazaar na nagsimula noong Dec 4 at magtatapos sa Dec. 16. Dito ay makakapamili ng murang toys, damit, accessories, perfume at kasangkapan sa bahay. Ang kikitain ng Worldbex at ABS-CBN ay mapupunta sa rehabilitation ng Ilog Pasig.

Syempre hindi ako magpapahuli, pumunta ako noong Dec. 8 para makapag contribute din sa nasabing project na rehabilitation.



Pag pasok namin ay bumungad kagad ang nag gagandahang halaman tulad ng poinsettia.


Nang nasa kalagitnaan na kami ay nakita naman namin ang Belen na sumisimbolo sa kapanganakan ni Jesus.


Ang mga magpaparticipate sa festial ay makakapamili ng murang regalo at the same time ay makakatulong sa project ng Kapit Bisig para sa Ilog Pasig.

Wednesday, December 9, 2009

Petville

Anjo.Manjo.Ko ang name ng pet ko


Zynga ang famous developer ng mga nakakaaddik na games sa Facebook. Ang success nila ay ang pag develop ng games na kinuha ang idea sa ibang games application. At mas pagagandahin nila para matalbugan ang naunang nag launched ng game. Ang Sikat na games ng Zynga ay Mafia, Farmville, Fishville, Yoville and Cafeworld.

Sikat na sikat ang FarmTown dahil sa pagtatanim. Pero nung lumabas na ang mas magandang Farmville, tila parang nakalimutan na ng mga FB user ang FarmTown.

Naaddik ako sa Restaurant City. Nakakaaliw kase ang pagdedesign ng restaurant at nakakaaliw din panoorin kapag maraming tao ang pumapasok at kumakain dito. Pero naglabas sila ng Cafe world para ipangtapat dito. Nakalimutan ko na ang Restaurant City ko at huminto nalang sya sa level 27. Ang CafeWorld ko eh level 57 na.

Ang Fishville naman ang pinang tapat nila sa Happy Aquarium at Fish World.

Last week, December 3, 2009 ay nag launched sila ng bagong game, ang Petville. Eto ang ipang tatapat nila sa sikat na sikat at nakakabaliw na PetSociety.

Petville ay katulad ng PetSociety na magaalaga ka ng isang pet. Ikaw bilang pet owner ay dapat mapanatili mong malinis, masaya, at busog ang alaga para magkaron ng points or maglevel up. Kelangan bumisita sa mga friends para maglinis ng kanilang bahay at makipagsayaw para magkaron din ng points. Panigurado isa na naman to sa magiging successful na application ng Zynga at kababaliwan ng mga FB user.

MYSPACE HIT COUNTER

Bro, Ikaw ang Star ng Buhay ko

From ABS-CBNonline (youtube.com)



Christmas Station ID of ABS-CBN is very meaningful. Masaya at mapapaindak ka tulad ni Boy Abunda kapag sinabayan mo ang pagkanta habang kinocommercial sya sa Telebisyon. An sarap ulit ulitin panoorin at pakinggan ng walang kasawa sawa. Kaya tumutugtog na lagi sa isip ko at naging last song syndrome tuloy. Napaka positive ng dating sa mga manonood, kapag napakinggan mo parang mapapa smile ka at magiging maganda ang araw mo. Kudos sa sumulat ng kanta at nakaisip ng tema para sa station ID.

Yung Station ID ng kabilang network ay napanood ko nadin. Meaningful din naman sya, pero for me parang malungkot at malulungkot ka kapag napanood mo. Ayan, napanood ko kase kaya parang nalungkot ako.

MYSPACE HIT COUNTER

Friday, November 27, 2009

Meralco Christmas Exhibit

November 20, 2009

Pumunta kami nila mcdoh, jim at payat sa Meralco para ifeel ang magandang ambiance sa compound nila. Pwedeng pumasyal ng libre at isama ang buong pamilya.


ang malaking Belen sa harap ng building ng Meralco. Tignan nyo kung gano ako kaliit sa picture.


Makikita nyo sa likod ko yun malawak na compound na kinatatayuan ng Belen at mga iba pa nilang display para sa exhibit. Napaka ganda ng view sa Meralco.


Ang malaking sheep.