Saturday, June 12, 2010

Tado




Tado in the House!!

Actually nakita namin sya sa National Bookstore sa Gateway kasama ang mga junakis at asawa nya. Busyng busy sila sa pamimili ng school supplies ng aming namataan (naks ang lalim). Nung una ay nahihiya pa si payat magpapicture dahil kasama ni Tado ang kanyang pamilya. Dahil sa hindi ko natiis at hindi naman sa walang hiya ako pero dahil gusto ko si Tado tinawag ko sya. Ang aking mahinang tawag: "Tado puwede bang magpapicture?" Sagot ni Tado: Sure! Ayan ang resulta, hehehe.. oks ba payat?!

Friday, June 11, 2010

BreadTalk

Ang madalas na pasalubong sa mga magulang, kapatid, jowa, asawa, girlfriend, boyfriend, kaibigan at sa iba pa.

Paborito ko sa Bread talk ang pamatay nilang Cheese Floss. Kahit kelan ay hindi ako nasawa kakakain nyan kahit pataas ng pataas ang presyo nya. Natatandaan ko pa 45 ang dating price nya, naging 50 then 55. Ngyon hindi ko na check kung 55 padin ba sya or baka 60 na kase hindi ko na check un price sa resibo ni payat.
Sumunod na paborito ko ang pizza nila. Nung una ayoko nyan kase parang simpleng pizza lang pero nung pinasalubungan ako ng nanay ko, eh nagustuhan ko na din sya. Actually yang binili namin, pasalubong ni payat sa mama nya and mga kapatid nya.


Wednesday, June 9, 2010

Shabu-shabu


Last Saturday ay bumili kami ng pang shabu shabu ingredients ni payat. Ang mga napili namin ay lobster ball, scallop and sharks fin. Pag uwi ko sa bahay ay excited akong pinakita sa mommy ko ang aking pinamili dahil natutuwa ako sa mga itsura nila.

Meron kaming dalawang Lucky Me Chicken Mami and meron kaming crashed pepper na galing sa Yellow Cab. Nagpaluto ng Chicken mami ang mommy ko dahil sa matinding sipon at sakit ng ulo nya. Gusto nya humigop ng mainit na sabaw at gusto nya ilagay namin ang shabu shabu na binili namin ni payat, para magkaron daw ng buhay ang noodles. Inuna kong nilagay ang shabu shabu sa kumukulong tubig at ang chicken powder para lumasa na sa ingredients. Sumunod na nilagay ko ang crashed pepper at inubos ko ito para spicy ang noodles. Last, nilagay ko na ang dalawang noodles. At ang resulta ay ang litrato sa itaas. (paumanhin at malabo ang imahe dahil low bat si Pachuchay at cellphone ko ang ginamit ko)


Nagmamahal,

Friday, June 4, 2010

KFC


Nanonood ako ng A Love Story ni Angelica Panganiban ng hatakin ako ni Mrs. Romantiko papuntang KFC. Ang plano ko ngyong araw na ito ay mag oatmeal lang dahil nga diet kuno ako. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na maglaway sa french fries bucket ng KFC. Powtek ang hirap magpigil, masarap talaga kumain eh. Sige sa Monday na nga lang uli ako magda-diet, excuse muna ngayong araw na ito at sa Sabado at sa Linggo. Mahirap magdiet kapag asa bahay namin kase masarap magluto mommy ko. wahihihi..

Wednesday, June 2, 2010

Converse Part 2


Ang flashback (Part 1) ay matatagpuan dito .

Bago kami pumunta ni payat sa Parang Marikina ay tinanong namin muna si insan in law at insang malayo kung pano pumunta dun sa bodega ng Converse. Sabi nila ay sa tapat ng Gateway ay sumakay ako ng FX na may signboard na Parang at ang pamasahe ay 25Php.

Sa tapat ng Gateway ay nakita namin ang mga FX na may signboard ng Parang Mariikina. Sumakay kami at tinanong ang driver kung dadaan ba Converse. Tinanong kami ni manong driver kung saan sa Converse, ang sagot namin ay sa mismong Converse. Tinanong uli nya kami, lagpas ba? Sagot uli namin dun po mismo. Biglang nagsalita si manong driver ahh.. (at akala namin ay nagkaintindihan na kami).


Nang padukot na ako ng pamasahe ay biglang nagtanong si payat, manong magkano ang pamasahe? Sinagot ni manong driver ng pabulong na parang hangin lang ang lumabas sa bunganga nya na kumorte lang ang bibig ng trenta. Bigla akong nagsalita ng manong 25Php lang daw sabi ng kaibigan ko dahil dun sya nakatira. (umiral na naman ang pagiging taklesa ko). Bumulong uli si manong ng trenta at inulit ko uli ang sinabi ko, manong 25 lang!! Nagkaron ng panandaliang katahimikan at dumudukot padin ako ng pamasahe. Hanggang sa sinabi na ni manong ng sige na nga 25 (ng may boses ng lumabas).


Habang nasa kalagitnaan ng byahe tinanong ni payat si manong driver kung malayo pa ba ang bababaan namin. Sinagot kami ng tanong, lagpas ba ng Converse? (eto na naman po kami) Hindi manong doon po mismo sa bodega ng Converse. Para syang nabingi sa sagot namin at inulit nya, lagpas ba ng Converse? Manong sa mismong Converse po kami bababa!


Biglang huminto si manong driver at sinabing asa Converse na daw kami. Lilinga linga kami ni payat at hinahanap namin ang entrance. Powtek na manong driver, kinulang!!! Binaba kami bago mag Converse kaya naglakad pa kami hanggang sa makita namin ang entrance.




Eto na ang pinaka aabangan, inshort "Finally"!!. (walang pakialamanan, yun ang gusto kong gamiting word!!)




Pumasok na kami sa loob ng bodega at dumiretso sa Ladies na signboard. May nakita kagad akong shoes at hindi ko maialis ng tingin ko sa kanya. Para akong tinatawag na halika hawakan mo naman ako at tignan mo ang presyo ko. Ako naman ay lumapit at hinawakan ang shoes at naisipan ko pang kunan ng litrato.







Ayan obvious na obvious na kamay ko yan dahil ako ang taong hindi mabitawan ang panyo kaka-kutkot (ang aking manerism na nakakasira ng panyo). At tinignan ko ang presyo, hmmmm sale sya pero asa libo padin ang halaga, pero ok na dahil maganda. Ang original price is Php 2,390 ang bagong price is Php 1,400.

Humingi kagad ako ng size 6 kay manong na nakabantay pero sabi nya size 4 1/2 daw ako. Pagkabigay ay sinukat ko kagad ang shoes at sabay akap sa box na parang ayoko ng pakawalan pa.

Naglibot libot pa kami dahil naghahanap kami ng kasya kay payat. Medyo nahirapan kami humanap ng size para sa kanya dahil kadalasan ay ubos na ang mga size simula 7 pataas. Ang paa ni payat ay size 9 pero doon ang size nya ay 7 1/2. Hanggang sa nawalan na kami ng pagasa dahil mahirap naman ipilit ang size 7 sa kanya.

Paguwi ko ay piniktyuran ko kagad ang aking sapatos para lang maiblog ko. Meron syang side view front view at back view.

Hanggang sa susunod na lakwatsahan...

Converse Part I

Last Saturday ay simula ng sale ng Converse sa Parang Marikina. First time ko pupunta doon at mahina ako sa direction kaya sinama ko si payat (malamang.. sya lang naman ang karamay ko sa lakwatsahan kahit minsan magkaaway kami magkasundo padin kami sa galaan).


Flash back muna...
Simula ng bata ako ay hindi ako pinagsusuot ng rubbershoes or sneakers ng mommy ko. Madalas ay dollshoes or malanding shoes na cute sa paa.



Noong college kapag sevilian day ay naka blackshoes or sandals ako na may 2 inches na takong at itinatakbo ko akyat baba ng hagdan sa building namin. Minsan pa nga habang laseng at may amats nagda-dance revo ako sa SM Manila ng nakatakong eh kahit nadudulas dulas gora pa din to the max at syempre wag kalilimutan ang poised. Bakit ako mahilig magtakong..? malamang matangkad kase mga kasama ko (etchos ayaw pang umaming pandak). May sneakers din naman ako pero bihira ko lang isuot kapag feel ko sya isuot.



Naaalala ko pa nga pumunta kami ng barkada sa PICC para magbike ang tangkad ng takong ng sandals ko. Pinagtatawanan ako ni payat (Since college magbestfriend na kami) kase ang layo ng lalakaran pabalik ng Taft pauwi. Nanakit ang paa ko hanggang sa hinubad ko ang sandals at naglakad ng naka-tapak sa Harrison Plaza.

Noong nagstart ako mag work close shoes ang gamit ko pero syempre hindi pwedeng mawala ang takong lalo na kapag ang mommy ko ang kasama ko magshopping ng sapatos. Hanggang sa parang gusto ko mag iba ng imahe. Delikado kase ang oras ng pasok ko so malamang delikado din kapag naka pang girlaloo akong damit. Ok lang sana kung lapitin ng mga gwapong lalaki pero hindi, mas lapitin ng holdaper at snatcher. Nag simpleng damit nalang ako, tshirt, maong pants at natuto akong mag sneakers araw araw.

Unang sneakers ko ay binili ni payat, ang World Balance. Trip lang nya dahil sya napapagod sakin kapag nakatakong ako tpos ang tapang tapang ko maglakwatsa. Binilan din nya ako ng Pony na high Cut para parehas daw kami ng sapatos. Binilan din nya ko ng Vans dahil ayoko ng sinisintas pa ang sapatos dahil tinatamad ako. Pero ngayon marunong na ako bumili ng sariling sneakers, ako na bumili ng Chuck Taylor ko. Haha kudos para sa akin.



Tuesday, May 25, 2010

World Chicken


Naka leave ako kahapon kaya sinamantala namin ng mommy ko na magshopping sa Divisoria. Andae ko kaseng gamit kaya pumuputok na ang mga luma kong bag, kelangan kong bumili ng medyo malaki ng onti.

Pasukan na next month kaya maraming tao ang naglipana sa 168 at Divisoria at aakalain mo Christmas. Nakakalula andaeng skul supplies ang nagkalat kaya parang nakaka miss mag aral.

Eto nga pala ang nabili kong bag HERMES na imitation pero nde mo aakalain peke dahil ang ganda ganda nya. Hate ko ang color violet pero para akong na love at first sight sa bag.

Pagkatapos namin maglibot libot ng mom ko ay nagutom kami. Ang plano ay Jollibee pero dahil sa nakita ko ang World Chicken dun ako dumiretso.

Ilang beses nako nakakakain sa World Chicken pero hindi ko pa nagagawan ng entry. Madalas ako kumain nito sa Trinoma at Gateway pero ang konti lang nila magserve tinitimbang nila. Sa 168 walang timbangan kaya andae ng kanin at pasta lalo na kapag alam nilang matakaw ang kakain.
Maraming puwedeng pagpilian kung anong gusto mong klaseng luto ng rice at pasta pero ang lagi kong order ay Sweet and Chili sauce para sa chicken, Asian Noodles at Spanish Rice. Sakto Espanyol ang mommy ko, obvious sa picture maputi mommy ko compare sakin kutis Pilipino.
Hati na kami ng mom ko jan kase parehas naman kami mahina kumain at kung mapapansin ay sobrang dae ng serving nila.
Mukhang sarap na sarap ang mommy ko sa kinakain nya. Happy Eating mom!!