Hindi lang naman pasta ang hilig ko, mahilig din ako sa pancit. Madalas akong magluto ng pancit canton sa bahay. Madalas din ako pagalitan ng nanay ko dahil masama daw madalas kumain ng instant noodles dahil maalat.
May bahay sila Mrs. Romantiko batang bibo sa Makati at nag aya sya kumain sa Buddy's, may masarap daw na pancit at pizza dun. Pagpasok namin as Buddy's ay natuwa ako sa ambiance nila and may pagka dim light. Puro sun flower ang design sa wall and sa mga silya nila, maganda sa mata tignan ang mga disenyo nila. Tinitignan namin ang ibang menu sa dingding kaya kami nakatingala ni payat
Umorder kami ng pancit lucban at medium size na pizza. Humingi ng vinegar si Mrs. Romantiko batang bibo dahil masarap daw ang pancit lucban kapag sinasabawan nito. Hmmm medyo naweirduhan ako dun pero dahil medyo addik ako sa vinegar, sige nga at ma-try. Ayan at hinatid na samin ang order namin at nagpicture-an muna kami para remembrance.
Isa pa nga .. wacky post daw..
Salamin yung nasa gilid namin kaya kita ang labas ng Makati.
By the way si Mr. Romantiko ang katabi ni Mrs. Romantiko bibong bata (nagtatampo kase sakin asan daw pangalan nya sa blog ko at hindi ko sya nabanggit.. pasensya napo at heto na ang pangalan mo.. hihihihi.. )
Eto ang pancit pancit canton na nilalagyan ng vinegar. Una ay konti lang ang nilagay kong suka sa plate ko, hmmm medyo masarap nga sya. Inulit ko at dinamihan ko na ang suka, gravecious mas lalong lumasa at sumarap ang pancit lucban. Parang isang magic na pampalasa ang suka dahil lalong sumasarap at lumalasa ang pancit nila.
Eto naman ang pizza na inorder namin, dahil sa medyo nabusog na kami sa pancit na kinain namin ay hindi namin naubos ang pizza at tinake out nalang namin ang natira.
Sayang at sa Pasig na nakatira si bibong bata, kelan kaya uli kami makakabalik sa Buddy's at namimiss ko na ang Pancit Lucban.