Thursday, March 25, 2010

Singapore Chicken Rice




Very Famous daw ang Chicken Rice sa Singapore kaya naisipan nila na magtayo ng branch dito sa Pinas. Napili nilang lugar ay Cubao dahil laging maraming tao ang nagkalat doon at naisip nila na malamang ay dadayuhin sila ng tao.


Inorder namin ni payat ay Sweet and Sour pork Php 79, Pancit Chino Php 55, Lacsa ang pinagmamalaki nilang Coconut curry soup with noodles Php 75 at ang Dinosaur Php 60

Unang hinatid ang Pancit Chino na may hipon sa ibabaw. Malasa ang pancit kahit hindi mo na lagyan ng kalamansi. Tama lang ang timpla hindi nakakasawa.


Sumunod na hinatid ang Sweet and Sour Pork. Hmmm parang nasobrahan ata sa flour at nahanginan kaya tumigas. Medyo nahirapan kami nguyain ang pork na kumakatas ang mantika sa bawat kagat.


Pangatlo ay ang Laksa, kung titignan mo sobrang creamy at yummylicious. Pero ewan ko ba parang nakulangan ako sa timpla. Parang my kulang, meron akong hinahanap na lasa na hindi ko maintindihan. Hindi ko naubos ang Laksa at naisipan ko iuwi nalang sa bahay. Tinanong ko ang mommy ko kung may diperensya ba ang panlasa ko at feeling ko ay matabang ang soup. Sabi ng mommy ko, Ok naman pero tama ka medyo may katabangan sya.


Sumunod ang Dinosaur at doon kami natuwa dahil nag uumapaw sa Milo ang ang Milo Shake nila.


Hindi pako nakakapunta sa Singapore kaya hindi ko alam ang lasa ng Original na Singapore Chicken Rice. Hindi ko alam kung may diperensya talaga ang panlasa ko oh kaya naman ay hindi lang ako mahilig sa Singaporean food. Pero impossible dahil nakatikim nako ng Thai food, Korean food, Chinese food, Indian food pero Ok naman sakin ang mga lasa nila. Siguro masarap naman talaga yun food.. Hmmm.. baka pangit lang ang gising ng chef nila nung araw na pumunta kami kaya siguro hindi naitimpla ng maganda ang luto nya. Kayo na ang humusga at itry nyo kumain sa Singaporean Chicken Rice sa Cubao.


No comments:

Post a Comment