Matagal nako nagke-crave ng paella. Una't huling kain ko nito ay nung bata pa ako ng maka-attend ako ng kasal. Hinding hindi ko talaga makakalimutan ang itsura at lasa nito pati sa panaginip ko ay naiisip ko sya. Nang kumain kami sa Wah Sun laking tuwa ko ng makita kong meron silang paella pero iba ang nakaplano naming kainin. Sabi ko babalik ako sa Wah Sun or Ambos Mundos para sa paella nila. Niresearch ko kung saan may masarap na paella dito sa Metro Manila at maraming nagsuggest na i-try daw ang ALBA kesa Ambos Mundos. Pinaka malapit na ALBA sa lugar ko ay ang Bel-Air sa Makati. Buti nalang at medyo kabisado namin ni payat ang lugar na iyon dahil sa kakagala namin.
March 28, 2010 Araw ng palaspas. Nagsimba muna kami sa aircondition na simbahan sa Makati tpos ay dumiretso na kami sa Bel-Air. Pagpasok sa Alba, Huwow fine dinning na Spanish Resto pala sya at mga totyal ang mga kumakain. Humanap kagad kami ng magandang table na may couch. Lumapit ang waiter at tinanong kami kung gusto namin mag dinner buffet sa halagang 600 per head. Sabi namin sa waiter isa lang oorderin namin ang paella lang.
Binigay na samin ang menu at ayun nakita namin ang iba't ibang klaseng paellas. Ang napili namin ay Paella Valenciana na ang sangkap ay chicken, pork, seafoods at vegtables Php 450. Umorder nalang kami ng isang Alba Ice Tea Php 66.
Habang nag aantay ng order namin ay hinatid ang 5 pirasong pandesal at dalawang anchor butter at dalawang platito.
Dahil sa gutom namin ay muntikan na namin maubos ang malinamnam na pandesal.
Eto ako habang kumakain ng malinamnam na pandesal
Sunod na hinatid ang Alba Ice Tea dahil nakita ata nilang nabibilaukan na kami at dalawang basong water.
Habang nag aantay ng aming order ay nagpicture picture-an muna kami ni payat. This time hindi ko kinalimutan si Pachuchay.
Sa wakas ay dumating na ang pinaka hihintay naming Paella Valenciana. Sobrang bango ng amoy nakaka gutom at sobrang ganda ng pagkaka prepare ng food.
Hmmm yummylicious delicious itsura palang nakakatakam na.. i cant help it gusto ko sya kunan ng kunan ng picture..
Feeling model ng paella si payat
Halatang isa lang ang inorder namin, paella lang.. medyo can't afford un ibang menu nila. Pero panigurado masasarap ang mga pagkain nila dito. The best ang Paella Valenciana, panigurado babalik kami dito para tikman ang ibang klaseng luto ng paella.
Eto ang bill namin sa kinain namin.. hihihihi..
bkt parang adik nmn un picture ni payat.. hehehe :D
ReplyDeletewinner... will try
ReplyDeleteLovely
ReplyDelete