Tuesday, March 9, 2010

RACKS uli


Nakakatuwa at maraming nag comment sa Facebook ko na itry naman daw namin ang Baby Back Ribs ng RACKS. (sa mga follower ng blog ko at mga nagcocomment, maraming maraming salamat at naaapreciate namin ni payat ang mga comments nyo).

Bumalik kami ni payat but this time sa MOA naman para makapanood kami ng PYROlympics.
Hindi ko na kinalimutan si pachuchay ko kaya maganda na ang quality ng mga pictures at mas lalong nag-itsurang nakaka takam at nakakagutom.

Syempre dahil sobrang nasarapan kami sa Carbonara nila ay inulit namin ang order, umorder lang kami ng isang Ice tea and isang water at ang sinuggest ng karamihan, ang Baby Back Ribs.



Puwedeng pumili daw ng sidings, ang pinili ni payat ay ang Mac and Cheese with pork and beans.
Hinatid na ang Carbonara sa harap namin ni payat. After 5 minutes, kaboooom naubos kagad hahahaha hindi ko alam kung gutom lang kami or sobrang nasarapan kami sa Carbonara.



Hinatid na ang Baby Back Ribs, kasama ang Mac and Cheese at Pork and Beans.



Nakaka-impress at hindi na kami pinahirapan mag himay ng dahil kusang natatanggal ang laman sa buto. Nilagyan ko ng sauce sa ibabaw ang meat at nilagyan ko din ng konting hot sauce.
Gravecious sobrang tender ng meat na binagayan ng malinamnam na sauce. Tama nga ang sabi nila, sobrang malasa at sobrang sarap ng Baby Back Ribs at hindi kami magsisisi sa pag order.



Pinilit naming ubusin ni payat ang sidings na inorder namin dahil sobrang busog na kami at manonood pa kami ng I Miss you like crazy ni Bea at Johnloyd tapos manonood pa kami ng Pyro.

Hayz sobrang busog.. sa uulitin :-)



No comments:

Post a Comment