Wednesday, March 31, 2010

Buddy's Pancit Lucban



Hindi lang naman pasta ang hilig ko, mahilig din ako sa pancit. Madalas akong magluto ng pancit canton sa bahay. Madalas din ako pagalitan ng nanay ko dahil masama daw madalas kumain ng instant noodles dahil maalat.


May bahay sila Mrs. Romantiko batang bibo sa Makati at nag aya sya kumain sa Buddy's, may masarap daw na pancit at pizza dun. Pagpasok namin as Buddy's ay natuwa ako sa ambiance nila and may pagka dim light. Puro sun flower ang design sa wall and sa mga silya nila, maganda sa mata tignan ang mga disenyo nila. Tinitignan namin ang ibang menu sa dingding kaya kami nakatingala ni payat




Umorder kami ng pancit lucban at medium size na pizza. Humingi ng vinegar si Mrs. Romantiko batang bibo dahil masarap daw ang pancit lucban kapag sinasabawan nito. Hmmm medyo naweirduhan ako dun pero dahil medyo addik ako sa vinegar, sige nga at ma-try. Ayan at hinatid na samin ang order namin at nagpicture-an muna kami para remembrance.



Isa pa nga .. wacky post daw..

Salamin yung nasa gilid namin kaya kita ang labas ng Makati.

By the way si Mr. Romantiko ang katabi ni Mrs. Romantiko bibong bata (nagtatampo kase sakin asan daw pangalan nya sa blog ko at hindi ko sya nabanggit.. pasensya napo at heto na ang pangalan mo.. hihihihi.. )

Eto ang pancit pancit canton na nilalagyan ng vinegar. Una ay konti lang ang nilagay kong suka sa plate ko, hmmm medyo masarap nga sya. Inulit ko at dinamihan ko na ang suka, gravecious mas lalong lumasa at sumarap ang pancit lucban. Parang isang magic na pampalasa ang suka dahil lalong sumasarap at lumalasa ang pancit nila.





Eto naman ang pizza na inorder namin, dahil sa medyo nabusog na kami sa pancit na kinain namin ay hindi namin naubos ang pizza at tinake out nalang namin ang natira.





Sayang at sa Pasig na nakatira si bibong bata, kelan kaya uli kami makakabalik sa Buddy's at namimiss ko na ang Pancit Lucban.


Tuesday, March 30, 2010

ALBA: Paella Valenciana


Matagal nako nagke-crave ng paella. Una't huling kain ko nito ay nung bata pa ako ng maka-attend ako ng kasal. Hinding hindi ko talaga makakalimutan ang itsura at lasa nito pati sa panaginip ko ay naiisip ko sya. Nang kumain kami sa Wah Sun laking tuwa ko ng makita kong meron silang paella pero iba ang nakaplano naming kainin. Sabi ko babalik ako sa Wah Sun or Ambos Mundos para sa paella nila. Niresearch ko kung saan may masarap na paella dito sa Metro Manila at maraming nagsuggest na i-try daw ang ALBA kesa Ambos Mundos. Pinaka malapit na ALBA sa lugar ko ay ang Bel-Air sa Makati. Buti nalang at medyo kabisado namin ni payat ang lugar na iyon dahil sa kakagala namin.

March 28, 2010 Araw ng palaspas. Nagsimba muna kami sa aircondition na simbahan sa Makati tpos ay dumiretso na kami sa Bel-Air. Pagpasok sa Alba, Huwow fine dinning na Spanish Resto pala sya at mga totyal ang mga kumakain. Humanap kagad kami ng magandang table na may couch. Lumapit ang waiter at tinanong kami kung gusto namin mag dinner buffet sa halagang 600 per head. Sabi namin sa waiter isa lang oorderin namin ang paella lang.

Binigay na samin ang menu at ayun nakita namin ang iba't ibang klaseng paellas. Ang napili namin ay Paella Valenciana na ang sangkap ay chicken, pork, seafoods at vegtables Php 450. Umorder nalang kami ng isang Alba Ice Tea Php 66.

Habang nag aantay ng order namin ay hinatid ang 5 pirasong pandesal at dalawang anchor butter at dalawang platito.


Dahil sa gutom namin ay muntikan na namin maubos ang malinamnam na pandesal.


Eto ako habang kumakain ng malinamnam na pandesal


Sunod na hinatid ang Alba Ice Tea dahil nakita ata nilang nabibilaukan na kami at dalawang basong water.

Habang nag aantay ng aming order ay nagpicture picture-an muna kami ni payat. This time hindi ko kinalimutan si Pachuchay.


Sa wakas ay dumating na ang pinaka hihintay naming Paella Valenciana. Sobrang bango ng amoy nakaka gutom at sobrang ganda ng pagkaka prepare ng food.


Hmmm yummylicious delicious itsura palang nakakatakam na.. i cant help it gusto ko sya kunan ng kunan ng picture..


Feeling model ng paella si payat


Halatang isa lang ang inorder namin, paella lang.. medyo can't afford un ibang menu nila. Pero panigurado masasarap ang mga pagkain nila dito. The best ang Paella Valenciana, panigurado babalik kami dito para tikman ang ibang klaseng luto ng paella.


Eto ang bill namin sa kinain namin.. hihihihi..



Monday, March 29, 2010

Max's walang kupas


Noong sabado ay sinamahan ako ni mommy sa Tutuban para mag pa rebond ng buhok sa Jun Encarnacion Salon and Spa. Then after 4 hours ng pag aantay ng mommy ko medyo nakaramdam sya ng gutom kaya nag aya kumain para pagdating ay matutulog na kagad kami.

Medyo antok nako kase galing pa ko ng work 6am ang out ko 3pm na nyan.


Napili nya ang Tokyo Tokyo pero wala akong gustong kainin dun. Kaya sabi ko sa mommy ko mag Max's nalang kami. Inorder namin prehas ang Platter Meal nila na Pancit canton with Chicken. Hindi na ko umorder ng bonggang bongga dahil simpleng lunch lang naman ito at matutulog kami pag uwi.


Bonding bonding with my sexy mom..


Wala pading ka kupas kupas ang chicken ng Max's kahit kelan hindi nya ako binigo sa lasa. Sobrang sarap at sobrang malasa ng laman ng manok. Hayz, hindi nako masyado kumakain ng rice, napakain tuloy ako. Burp** busog .. excuse me po..

Thursday, March 25, 2010

Singapore Chicken Rice




Very Famous daw ang Chicken Rice sa Singapore kaya naisipan nila na magtayo ng branch dito sa Pinas. Napili nilang lugar ay Cubao dahil laging maraming tao ang nagkalat doon at naisip nila na malamang ay dadayuhin sila ng tao.


Inorder namin ni payat ay Sweet and Sour pork Php 79, Pancit Chino Php 55, Lacsa ang pinagmamalaki nilang Coconut curry soup with noodles Php 75 at ang Dinosaur Php 60

Unang hinatid ang Pancit Chino na may hipon sa ibabaw. Malasa ang pancit kahit hindi mo na lagyan ng kalamansi. Tama lang ang timpla hindi nakakasawa.


Sumunod na hinatid ang Sweet and Sour Pork. Hmmm parang nasobrahan ata sa flour at nahanginan kaya tumigas. Medyo nahirapan kami nguyain ang pork na kumakatas ang mantika sa bawat kagat.


Pangatlo ay ang Laksa, kung titignan mo sobrang creamy at yummylicious. Pero ewan ko ba parang nakulangan ako sa timpla. Parang my kulang, meron akong hinahanap na lasa na hindi ko maintindihan. Hindi ko naubos ang Laksa at naisipan ko iuwi nalang sa bahay. Tinanong ko ang mommy ko kung may diperensya ba ang panlasa ko at feeling ko ay matabang ang soup. Sabi ng mommy ko, Ok naman pero tama ka medyo may katabangan sya.


Sumunod ang Dinosaur at doon kami natuwa dahil nag uumapaw sa Milo ang ang Milo Shake nila.


Hindi pako nakakapunta sa Singapore kaya hindi ko alam ang lasa ng Original na Singapore Chicken Rice. Hindi ko alam kung may diperensya talaga ang panlasa ko oh kaya naman ay hindi lang ako mahilig sa Singaporean food. Pero impossible dahil nakatikim nako ng Thai food, Korean food, Chinese food, Indian food pero Ok naman sakin ang mga lasa nila. Siguro masarap naman talaga yun food.. Hmmm.. baka pangit lang ang gising ng chef nila nung araw na pumunta kami kaya siguro hindi naitimpla ng maganda ang luto nya. Kayo na ang humusga at itry nyo kumain sa Singaporean Chicken Rice sa Cubao.


Thursday, March 11, 2010

PACHUCHAY


HAPPY BIRTHDAY PACHUCHAY!!



Happy Birthday to you

Happy Birthday to you

Happy Birthday

Happy Birthday

Happy Birthday to you



1 yr na si Pachuchay yehey..


Gelatissimo


Noong nakaraang linggo ay sinundo ko si payat dahil manonood kami ng sine sa Glorietta. Sabi ni payat baba daw kami sa Greenbelt dahil may surprise sya sakin. Pumunta kami sa Greenbelt 5 para bumili ng bagong bag ni pachuchay, ang aking dslr camera. Sayang at hindi ko dala si Pachuchay kaya malabo ang mga pictures dahil iphone ko ang ginamit ko.

Noong palabas na kami ng naturang mall ay nadaanan namin ang Gelatissimo. Kung dati kapag madadaanan namin yan, madalas namin sabihin sa isat isa na next time nalang dahil wala kaming pera. Sakto, kakasweldo lang kaya puwede ng matikman ang kinasasabikang ice cream.




Merong tatlong cups, pwede mong piliin ang isang flavor, dalawang flavors hanggang 3 flavors.

Sabi nung mga nag scoup ng ice cream puwede daw free taste muna bago pumili ng flavors na gusto namin. Kaya masyado kami natuwa ni payat at tinikman namin halos lahat.




Bicolana ako kaya hindi pwedeng hindi ko to matikman, yun nga lang medyo hindi ko natripan.



Ang napili naming flavor, Tiramisu, White Chocolate at Macademia.



Sobrang yummylicious delicious ang ice cream nila, paniguradong hindi ito ang una at huling punta namin dito. Panigurado babalik kami, kitang kita naman sa ngiti ko na nag enjoy ako at si payat.




Tuesday, March 9, 2010

RACKS uli


Nakakatuwa at maraming nag comment sa Facebook ko na itry naman daw namin ang Baby Back Ribs ng RACKS. (sa mga follower ng blog ko at mga nagcocomment, maraming maraming salamat at naaapreciate namin ni payat ang mga comments nyo).

Bumalik kami ni payat but this time sa MOA naman para makapanood kami ng PYROlympics.
Hindi ko na kinalimutan si pachuchay ko kaya maganda na ang quality ng mga pictures at mas lalong nag-itsurang nakaka takam at nakakagutom.

Syempre dahil sobrang nasarapan kami sa Carbonara nila ay inulit namin ang order, umorder lang kami ng isang Ice tea and isang water at ang sinuggest ng karamihan, ang Baby Back Ribs.



Puwedeng pumili daw ng sidings, ang pinili ni payat ay ang Mac and Cheese with pork and beans.
Hinatid na ang Carbonara sa harap namin ni payat. After 5 minutes, kaboooom naubos kagad hahahaha hindi ko alam kung gutom lang kami or sobrang nasarapan kami sa Carbonara.



Hinatid na ang Baby Back Ribs, kasama ang Mac and Cheese at Pork and Beans.



Nakaka-impress at hindi na kami pinahirapan mag himay ng dahil kusang natatanggal ang laman sa buto. Nilagyan ko ng sauce sa ibabaw ang meat at nilagyan ko din ng konting hot sauce.
Gravecious sobrang tender ng meat na binagayan ng malinamnam na sauce. Tama nga ang sabi nila, sobrang malasa at sobrang sarap ng Baby Back Ribs at hindi kami magsisisi sa pag order.



Pinilit naming ubusin ni payat ang sidings na inorder namin dahil sobrang busog na kami at manonood pa kami ng I Miss you like crazy ni Bea at Johnloyd tapos manonood pa kami ng Pyro.

Hayz sobrang busog.. sa uulitin :-)