Wednesday, February 16, 2011

Mainit na Lobo pati Dugo..


First time ko pupunta sa Hot Air Balloon event kaya todo research kung anong oras dapat umalis sa Manila at ng kung ano ano pang detalye. Sabi sa mga blog na nabasa ko, mga blog entry last year, 3:30AM sila umalis ng Manila pero pagdating ng Pampanga, sobrang trapik at mahirap ng magpark. Yung iba nakapasok sa loob ng 8:00AM at pababa na ang mga balloons. Syempre ayoko mangyari yung ganun samin.. ang corny lang diba.

9:00PM Sabado ng maisipan naming matulog, at take note simula Biyernes pa kami gising.. as in! Sanay na ang body clock kapag sabado dapat 24 Oras gising ang katawan para makapag spend ng quality time sa mga minamahal. 1:15AM ginising ko si Fluffy para makapag prepare na, may baon kaming 2 Tortillos at tubig, kasama ang younger sister nya. 2:10AM umalis na ng Bulacan, excited much?!.. Nope, inaanticipate lang namin ang parking and trapik... huwaaat.. trapik..??! tomoh!.. madaling araw posibleng magkatrapik sa Pampanga dahil sa event.

Dumating kami ng 3:30AM, Shiyeeeeeeet.. buti nalang maaga kami umalis. OA as in OA andae ng nakapark na kotse at medyo trapik na sa parking lot. Isa pang OA, ang haba ng pila, OA talaga! Sobrang OA ba ng reaction ko..?? Hindi ko alam kung pano pa idescribe eh.. Nahilo at nahirapan kami kakanap ng dulong pila, paikot ikot. Iba ang pila ng ticket at ng entrance para sa may mga ticket.

4:30AM, Yes.. Isang Oras ang nakaraan.. bago kami nakapasok sa loob. Nakahanap naman kami ng magandang puwesto.. Hala! hindi namin naanticipate ang panglatag sa damuhan, unahan pa naman sa puwesto. Buti nalang maparaan si Fluffy, kinuha nya ang carpet ng tsikot para gawing upuan sa damuhan. Late darating si Mapanuri at SpiderHam kaya nag save kami ng puwesto para makapag set up sila ng tripod.

Malapit ng mag alasiyete ng mag start ang event, nahihiya pa kase ang araw lumabas sa ulap. Okay lang kahit late, wala pa sila Mapanuri at SpiderHam, para hindi nila mamiss yun simula.


Syempre hindi puwedeng walang Flag Ceremony, ayan simula na, wala padin ang dalawa.. medyo nawoworry na kami baka mahirapan kami iabot ang ticket at masayang ang datunges.

Nang magsimula ng mag set up ng mga balloons, biglang nagtakbuhan ang mga pipol sa likod at nandamba ng mga taong nakapuwesto sa harap. Yes may ganung bastusang nangyari parang stampede at muntikan pako makipag away. Remember nag save ako ng puwesto para sa tripod ng dalawang blogger na inaantay namin, at yung puwestong yun ay sakop ng carpet na nilatag namin. May dalawang lover na parehas nakapula at naka stripe na parehas mataba (woooops mataba din pala kami ni Fluffy.. hihihihi), ang biglang tumapak sa sinave naming puwesto. Inapproach ko ng mahinahon ang lalaki, "Excuse me, naka save po yang puwesto na yan para sa pag se-set up ng tripod". Sagot ni guy: "Okay sige" sabay sabi sa partner nyang babae "Lipat tayo may naka save pala dito. Sabi ni Babaeng bastos na maldita (paumanhin sa pagkaka deskrayb kay babae ewan, dahil sobrang gigil ko talaga sa kanya). "Pabayaan mo sila hindi naman sa kanila to!" May kataasan ng tono, sabay simangot, tumingin sakin at umismid. Sabi ko kay Fluffy, "Bi, awatin mo ko.. awatin mo ko.. bastos tong nasa gilid ko". Talagang pinarinig ko sa kanila, eh pano, kinausap ko sila ng matino tapos magtataas ng tono at hindi ko pa nagustuhan ang sinabi nung malditang babae. Sana sinabi nalang din nya na "Okay sige lipat kami kapag nakasingit kami sa harapan." Hayz.. habang nagkukwento ako parang tumataas uli dugo ko.. paumanhin, hindi naman ako war freak.. nakakapang init lang talaga ng ulo.


Nawala naman init ng ulo ko ng magtext na sila Mapanuri at SpiderHam. At wala nadin ang magjowa sa gilid namin.


27 Balloons ang lilipad dapat sa araw na yun pero 26 balloons lang ang nakarating sa itaas. Ang mga naunang lumipad ang mga normal na hugis ng lobo. Ang mga sumunod ay ang mga nagkukyutang mga balloons.


Tulad ng nabanggit ko, 27 balloons dapat ang lilipad at eto ang nag iisang hindi nakalipad.. ang trayanggulong lobo ng Smart. saan ka nakakita ng trianggulong lobo na lumilipad..? alam ko saranggola.. para lumipad dapat hugis triangle pero ibahin mo ang lobo..

Hindi na namin tinapos ang event, kung baga sa eskwela.. halfday lang ang inatenan namin. Bumyahe na kami papuntang SM para kumain. Syempre hindi puwedeng kaligtaan ang pektyur ng mga kinain namin.


At jan nagtatapos ang istorya ng Mainit na Lobo pati Dugo..

Monday, February 14, 2011

Tutti Fruitti


Paumanhin at hindi ko muna ipa-publish yung Vigan and Pagudpud, sa susunod na araw nalang, pwamis!

Kahapon ang araw ng mga puso, pero hindi kami nakiuso ni Fluffy naubos ang datunges sa Hot Air Balloon chuva! Sa susunod iku-kwento ko senyo ang experience don.

Matagal ng may Tutti Fruitti sa SM San Lazaro pero dinedeadma ng lola mo dahil hindi kami close ng mga prutas. Ipakain mo na sakin lahat ng gulay kahit ampalaya, okra at kung ano ano pa wag lang prutas. Kahapon, sinamahan ako ni Fluffy bumili ng cake para sa traditional ek-ek namin ng aking motherdear, every valentines day bumibili ako ng kung ano ang bagong cake ng Red Ribbon. Sad to say naubusan ako ng Mocha Choco Crumble, wala ding Chocolate Heaven at Chocolate Marjolaine. Bumagsak kami sa Chocolate Mousse ang walang kamatayang peborit cake.


Going back sa aking story sa Tutti Fruitti bago pa mapalayo, pumasok kami sa loob at tinuro samin sa dulo ang mga paper cups. Gusto ko yung theme ng place, fruitting fruity talaga! Maaliwalas sa paningin, malamig sa mata.


P20 per Oz - Hindi ko alam kung mas mura ba sya or mas mahal pero eto ang sigurado, hindi tipid sa ingredients kase kayo ang magtatakal.



May 6 Flavors ng Yogurt: Blueberry, Taro, Chocolate, Almond, Original Tart and Fruitti Tutti. Napili ko ang Almond, si Fluffy nagdadalawang isip kung Blueberry or Chocolate pero bumagsak sya sa Chocolate. Nakakatuwa kase maraming choices ang puwedeng pagpilian at depende sa customer kung gano karami ang gusto mo ilagay. Puwede ding ilagay silang lahat sa isang cup. Bahala ka kung anong combination at mix ang trip mo. Sabi nga nila, kanya kanyang trip lang yan, walang basagan.



Next ang mga syrup, may Caramel, Chocolate Fudge, Chocolate, Strawberry, Blueberry at nakalimutan ko yung isa. Chocolate Fudge ang nilagay prehas ni Fluffy, puwede namang ibat ibang combination at mix pero baka pumangit ang lasa kaya isa nalang.


Sumunod naman ang mga prutas, pinili ko ang peach and mango. Maraming prutas pero hindi ko na pinalagay. Sa kanya naman Blueberry na hindi ko talaga trip at Coffee Jelly na hindi ko alam kung bakit yun napili nya. Meron pa sa kabila yung mga sprinkles pero hindi ko nakuhanan ng pictures.


Tan-ta-na-naaaaaaaaaaaan.. Ang resulta....



Chocolate Yogurt with Blueberry and Coffee Jelly with Chocolate Fudge Syrup P150 - Hindi ko nakita kung ilang Oz sya.


Almond Yogurt with Mango and Peace with Chocolate Fudge Syrup - P150 din!


TARA! kain tayo ng Yogurt!


Tuesday, February 8, 2011

Ilocos Trip: Laoag


Medyo mahaba haba tong blog ko, pero wak mag alala, yun Vigan and Pagudpud gagawan ko ng separate na entry. Laoag muna to.

Last September nagkaron ng promo ang Cebupac. Kinontak lahat ni Mapanuri pero dalawa lang kami ni Blogging Puyat ang nag confirm na sasama. Si Bully Mapanuri nag asikaso sa booking at CC nya ang ginamit.

October binanggit ko kay Fluffy ang ilocos getaway naming 3 blogger. Hindi sya pumayag na ako lang mag isang babae, kelangan ko daw ng taga buhat ng gamit.. LOL joke lang hindi yun ang sinabi nya. Syempre sasama sya para magkasama kami sa 3 days 2 nights na lakwatsahan sa Ilocos.

Nakaka excite, first time kong makakasakay ng erpleyn! Gusto ko mafeel yung sinasabi nilang nakakalula, masakit sa tenga at yung lulundag ang tyan kapag umakyat at bumaba ang eroplano. weeeeeeeeeeeeeeeeeeh! An lakas ng loob pero sa totoo lang, mahilig ako mag aroskaldo sa sasakyan nung bata pa ko.. mahihiluhin kase ko. hihihi..



Bilis ng panahon, January na pala.. Ilocos getaway na.. yehey!.. Todo ngiti abot hanggang tenga, hindi puwedeng walang remembrance sa NAIA, ebidensyang nakapunta na.. Halatang first timer talaga.. hahahah
Late lumipad yung erpleyn, eh pano may queue, may inaantay pa. Kala ko sa lupa lang may genun genun.. meron din pala sa mga eyrport. Nag demo na ang mga flight attendant, ayan na pinapakabit na ang seat belt, excited much lang! Todo ayos pa ko ng pwesto, gusto ko mafeel ang paglipad, ayan na.. ayan na... weeeeeeeeeeeeeeeeeeeeh! Paglingon ko sa kanan, .. wenk naghihilik si Fluffy, KJ much lang! armpf!! sige na nga, naiintindihan kong puyat ka.. ayabyu Fluffy!

Dalawang beses nag U TURN ang erpleyn sa dagat, may pag ka OA ang pag U TURN nakaka takot na nakaka excite. Hindi ata maka landing yun eroplano meron pang naka park sa eyrport ng Laoag. Biglaang nagkaron ng turbulence, lalong nagising ang mga dugo ko sa katawan. Si Fluffy gustong matulog na naman, sabi ko "WAK ka Matulog!", exciting ito para kaming asa roller coaster! Wala akong nagawa, tinulugan parin ako ni Fluffy, sige na nga ako nalang makikiramdam sa turbulence. HMP!

Around 2:20PM na kami nakarating ng Laoag, wala kaming makitang tricycle buti nalang may nakaparadang jeep at merong kasabay pupunta sa bayan. P40 ang isa, yung layo ng binyahe from erport to St. William’s Cathedral eh kasing layo lang ng byahe ko ng madaling araw from Quiapo to Crossing Ilalim pero P19 lang pamasahe. Hindi naman ako kuripot pero napansin ko lang naman yun layo.


May kinakasal sa St. William's Cathedral, hindi kami nakapasok, sayang eto pa naman ang isa sa malaking cathedral sa bansa. Di bale may next time pa naman, sisiguraduhin kong babalik kami ni Fluffy sa Ilocos noh.



Ito ang Sinking Bell Tower, hindi rin kami nakapasok, parang walang entrance door nag sink na ata.



SARAMSAM Ylocano Restaurant


Ensaladang Bagnet P190 - locally known as Chicharon ng Ilocos. Lechong kawali naman kapag asa Manila. Kinain ko lang dito yung ensalada, takot kase ko ma high blood.
Poque Poque Pizza P160 - tomato sauce, egg, shallots, green onions and smoked eggplant. Mahilig ako sa inihaw na talong, lasang lasa yun smokey flavor.. Natuwa ako sa Chili oil, nakakaadik ang anghang!
Saramsam Pasta P120 - green and ripe mango, tomato, bagoong and onions. Impeyrness, lumabas namang masarap yung combinasyon, hindi sya masakit sa dila. Nagpasarap dito yung bagoong isda.
MUSEO Ilocos Norte Rukod Ken Bagting - malapit na mag close nung napuntahan namin.
Nagbayad kami ng entrance fee pero hindi ko na maalala kung magkano kase nagmamadali na kami at malapit na talaga sila mag close.
Hindi ko alam kung ano naisipan ni Fluffy magpapicture dito sa kalesa basta sabi nya kuhanan ko daw sya.. napaka masunurin ko lang noh?!
Eto ang nakakaloko,.. yung lumang radyo, gumagana pa.. Astig!! pero kahit anong pihit hindi lumilipat ng istasyon.. ang sikreto.. .............
May totoong radyo sa likod!.. buking!
After namin tignan yung mga nasa ibaba, umakyat naman kami at doon naman ang mga sample kagamitan sa makalumang bahay.
Ayan si BloggingPuyat.. feeling makaluma.. hiniram yung salakot..
Etong si mapanuri feeling malakas at kayang buhatin yung kariton,.. si Blogging puyat nainggit, kumuha ng sibat!
Ako naman feelingera din, feeling marunong tumugtog nitong.... nitong.... nitong... ano pangalan nito..? yung parang guitarang malaki..? Lyre ba ito..?
Sa susunod na entry naman ang VIGAN at PAGUDPUD.. hindi ko mapagkasya lahat dito.. buong araw ko tinapos tong entry na to..



Thursday, February 3, 2011

Bag Of Beans


Pag nagse-search ako ng mga places na magandang puntahan or masarap na kainan isa sa mga nirerecommend ang Bag Of Beans. On our way to Caleruega Church, nadaanan namin to, maraming sasakyang nakapark sa harapan, sa gilid at yung iba eh waiting. In short, mabenta sya at dahil sa mabenta sya, syempre nakaka curious kung bakit. Napagkasunduan namin ni Fluffy na jan nalang kami magbe-breakfast kinabukasan.




Malawak ang lugar, hinati sa dalawa, isang buffet at isang oorder ka ng gusto mong kainin. Namali kami ng napasukan dahil sa kabila kami dumaan kung saan buffet ang kainan, tinuro ng waitress yung daan kung saan kami puwedeng umupo kung oorder lang kami, may lusutan naman.

Habang nag aantay ng order, nagpektyuran muna kami ni Fluffy. Dahil sa open na open sya, maraming puno at maraming ibon na nakadapo sa sanga ng mga puno. Syempre ang mga ibon ang bisyo sa umaga magkalat ng lagim, ayun sapul ang bag ni Pachuchay, buti nalang natalsikan lang ako at hindi ako ang sumapo.
Hot Chocolate P105 nirecommend ng waitress na orderin namin. Super Like ko yung mug ang cute ng disenyo. Masarap yung Chocolate drink pero sad to say hindi na sya hot nung sinerve, siguro dahil sobrang lamig sa Tagaytay. Pero nung tinignan ko yung mga coffee na sineserve sa ibang table, makikita mo yung usok factor na nagpapakitang bagong kulo. Pero okay nadin kase masarap Hot Chocolate nila na hindi Hot. Next time na balik namin, oorderin ko padin sya.



Seafood Pasta P325 - may fish, may buo buong tomato, may olives, green pepper at 2 garlic bread.. Ayos! Merong part na masarap at merong part na lasang pabangong ewan, hindi ko maintindihan, hinanap ko yung parang kakaibang lasa... AYUN.. may celery pala.. hahaha.. hindi ko trip lasa ng celery.

Nagustuhan ko yung order ni Fluffy, ang Roast Beef P320 - tender yung beef, panalo yung sauce na nagpasarap sa beef. Hindi ako mahilig sa mashed potato, mabigat sa tyan and nakakasawa, impeyrness nagustuhan ko yung version nila. Creamy and pinong pino, walang buo buong makakapa ang dila. Bumagay ang mashed potato sa sauce ng roast beef.


At ang resibo.... yung P85.50 tax ata.. or service charge



Marami kaming nadaanang nagbebenta ng mga halaman. Bumili ako 3 for P100.. Orange Gold, Yellow at Orange yung mga flowers. Pinaka nagustuhan ko yung orange gold, astig nung kulay sobrang papansin yung flower!