Tuesday, December 28, 2010

FYI Yogurt


RedMango ang first yogurt na natikman ko, out of curiousity lang naman. Hindi ko kinaya ang asim kaya napagtanto ko, yogurt is not for me.

Gustong makipag meet up ng highschool friends ni fluffy para mapakilala nadin daw ako sa kanila. Napagkasunduan mag meet sa Banapple sa IL Terrazzo malapit sa ABS-CBN pero dahil puno yung place, kelangan maghanap kami ng matatambayan pansamantala.

FYI Yogurt - Frozen Yogurt Indulgence



Inorder ni fluffy - Yogurt with Cranberries, hindi ko knowing si cranberries kaya ayoko sya itaste baka ma-shock na naman ang aking tongue at hindi ko sya magustuhan. Pero impeyrnes, matamis naman pala.


Yogurt with Kiwi and Corn Flakes - order ng friend ni fluffy. Hindi ko din knowing si Kiwi kaya hindi ko din sya like. Bibihira lang kase ang knowing kong fruitas, saging at mangga lang ang prend ko.


Order ko - Yogurt with Strawberry. Hindi ko kinaya ang buo buong Strawberry kelangan ilipat sa lalagyanan ni fluffy. Masarap yung syrup pero di ko trip yung may makakagat akong buo buong, for me isa syang sagabal sa paglunok at kelangan ko pang ngumuya - tamad much lang.


Pero impeyrnes, binago ng FYI ang pananaw ko sa yogurt, meron din palang yogurt na hindi maasim!


Monday, December 13, 2010

Meralco with Fluffy and Bully


Last year dinayo pa namin ang Meralco para lang makita ang malaking Belen sa harap ng building nila. Ngayon, hindi na kelangan dayuhin, kapitbahay nalang namin.


Wala namang kinaibahan last year, pero gusto ko lang balikan para mafeel ang Christmas. Aktuali, ang layo ng opisina namin sa center gate ng Meralco ay 5-10 minutes depende kung gano ka kabagal maglakad. Susunduin namin si Bully sa opisina bago kami dumiretso sa pupuntahan namin. Pagdating namin sa opis, pinapasok naman kami ng mga guards kahit naka sinelas lang si Fluffy.. OO naka sinelas sya. Inantay namin ang lunch break ni Bully then naglakad na kami patungong center gate

Pagdating namin sa center gate.. wooops bawal naka sinelas.. teka teka.. bakit marami akong nakikitang nakasinelas sa loob, bakit si fluffy ko hindi puwede..? Sige na nga ayoko ng away, balik nalang kami ni fluffy sa opisina para manghiram ng shoes. Dyahe naman kay Bully, nagjeep na kami para makabalik kami kagad.

Unang bumungad ang malaking Christmas Tree. Kapag nakasakay ako sa bus, tanaw na tanaw ko sya, sarap titigan parang pampakalma ng busy mong utak. Pang relax at truelaloo nakakatanggal sya ng stress


Maraming bata ang natutuwa sa bahay bahayan, puwede sila pumasok sa loob para maglikot likot at magpaikot ikot. Ako, gusto ko sana itry pero nahiya naman ako sa dalawang kasama ko baka isipin nila isip bata..


Nakakatuwang panoorin ang asawa ko.. wooops si fluffy pala, parang batang first time lang maipasyal. Masyado sya naaliw sa mga istatwa na nakakalat sa tabi ng poste. Nung una nga hindi ko maintindihan kung ano purpose ng mga yan. Nung pinagmasdan ko, nag aayos pala sila kunwari ng mga wires.

Hindi ito ang unang beses na icecelebrate namin ni fluffy ang Christmas na magkasama, pero eto ang unang beses na icecelebrate namin ito ng mag asawa, i mean ng mag boyfriend/girlfriend pala. Aktuali, una kaming nagkasama nung 2008, umorder kami ng Pizza para icelebrate ang pasko. Nung nakaraang Pasko, hindi ko maalala pero alam ko magkasama din kami.

Bully bakit ka nakatalikod, camera shy ka ba?..

Friday, December 10, 2010

Fats please go away


Ang larawan ay galing sa google

Hindi ko na maalala kung kelan ako huling kumain ng kakaiba sa labas. Hindi ko na maalala kung kelan ako huling naglakwatsa sa isang bongacious na restorant. Hindi ko na maalala kung kelan ko binundat ang aking tyan. Hindi ko na maalala kung kelan ako kumain ng bandehadong pagkain. Isa lang ang siguradong naaalala ko, matagal na kong nagda-diet.

Pero bakit walang epekto.., kaasar lang diba

Tamad ako magshopping, mas gugustuhin ko pang ilaan ang kayamanan ko sa mga pagkain kesa sa mga damit. Yan ang madalas naming pag awayan ng aking pinaka mamahal na motherdear.

Bunso kase ako, ( koneksyoness..?)

Promise, may koneksyon

Eto ang istorya, seryoso may kuneksyon talaga

Mga kapatid kong babaeng nakatatanda sakin pati ang aking motherdearest, mahilig sila magshopping ng damit. Every sweldo ata nila may bago silang damit. Motherdear ko naman sobrang kikay, sobrang fashionista! nakaka insecure much!! Ako ang ugly duckling saming pamilya. Aktuali truelaloo iyon dahil ako lang ang maitim samin. Kala ko nga dati ampon ako buti nalang kamukha ko yun ate ko kahit cheekbone lang sobrang happy na ko dun

Ako taga sapo ng mga pinag lumaan nilang damit, so no need na mag shopping. Ano pa't sasayangin ko ang aking kayamanan kung meron naman akong inaasahang damit na mapapasakin diba.. Ayan ang kuneksyon ng pagiging bunso ko, ang tagapag mana ng damit na pinag lumaan. Hindi naman sila talagang luma na luma na as in luma, yung tipong isa or dalawang suotan lang tapos palit wardrobe na uli. Kaya naisip ko na ilaan nalang ang mga kayamanan sa pagkain kase diba nga sabi ng iba, di bale ng gumastos basta pagkain

May dalawang okasyon akong pupuntahan, isa ang Xmas Partey ng kumpanya at pangalawa ay Kasal ng aking kaibigan. Nagsusukat ako ng party dress at formal dress na noo'y naisuot ko na, pero paksyet lang, bakit hindi na sila magkasya..? Yun yellow dress ko, kakabili ko lang noong September, Siyeeet tlaga, huwat hapen? 2 months lang naman ang nagdaan bakit hindi na sya magkasya. Pinagalitan ako ng aking motherdear, ayaw nya ipasuot sakin yung iba dahil luma na daw at malamang hindi magkakasya sa king malaking katawan. Naiiyak ako habang nagsusukat ng damit, anong nangyari bakit lumobo ako ng bongang bonga

Ah alam ko na, isisisi ko ito sa aking pagkakasakit. Nagkasakit ako ng tatlong araw, tatlong araw ako walang ginagawa sa bahay kundi nakahiga, tatlong araw akong hindi nakapag excercise. Sapat na bang dahilan yun para tumaba ako ng ganitech?! aheytreeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeet!!

Thursday, December 9, 2010

Sumbrero


Kaninang umaga nagimbal ang mundo namin dahil pinamimigay na ang inaantay naming Gift Check at ticket para sa Christmas Party. X-cited ang lahat sa pagsugod sa floor ng HR. Ang weird lang lahat ng umaakyat nakasuot ng sumbrero.. napaisip ako.. what's with them.. ahummm..?

May libreng sumbrero pala kasama ng Ticket sa Christmas Party, ang bagong pakulo sa opisina! Black kay Fluffy at Brown naman sakin..

Para saan tong entry kong to..?

Wala lang gusto ko lang ipakita ang libreng sumbrero

Monday, December 6, 2010

Laiya Batangas


Team Building ng dati kong team, ang Bravo. Hindi ko na knowing ang mga bagong miyembro, imbis na ako ang magplus 1 kay fluffy, ako pa ang naging plus 1 dahil sya ang inivite ng Bravo.

Aalog alog kami sa sasakyan ni boomthebitbox kase apat lang kaming laman, the rest nagsiksikan sa sasakyan ni Igih? Tama ba ang name..? pasensya na at mahina talaga ako sa names ng mga bagong miyembro, basta ang alam ko kalog yung newbie na yun

4PM ng makadating kami sa Laiya dahil sa dami ng stop over pero oks lang atleast nakakapag stretching kami. Naghahanap kase sila ng mabibilhan ng pang toma, gusto nila The Bar eh wala atang mahanapan out of stock sa iba

Nang makarating sa Sigayan Bay Resort, naghanap kagad ako ng mapupwestuhan (parang pusa lang noh) kase wala pa akong tulog galing ng night shift. Medyo makulimlim ang paligid nagbabadyang uulan ng malakas. After makahanap ng puwesto, nagsimula ng magtomahan at mag prepare ng mga lulutuin at pang pulutan.

Sinabi sakin ni fluffy na magpalit na ko ng damit bago ko ituloy yung mga ginagawa ko. Pagpasok ko sa CR may nakita kong parang bolang tumatalbog talbo sa dingding weird lang. Nung tinitigan ko shiyete otso nuwebe, palakang green na mas malaki pa ang paa kesa sa buong katawan. Hindi ako makalapit sa pinto baka talunan ako, nagiisip ako ng strategy kung pano ko makakalapit sa pinto ng hindi sya mabubulahaw. Powtek tumalon na naman, kelangan ko na lumabas bago ako dikitan nitong slimy thing na to. Pagbukas na pagbukas ng pinto sumabay sya ng talon malapit sa pinto. SHIYEEEEEEEEEEEEEEEEEEEET!!! napatayo lahat ng tao sa loob ng kwarto, nataranta si fluffy sabay akap sakin sa CR akala nya kung napapano nako. Tinuturo ko yung palaka pero hindi nya makita, hanggang si mcdo ang sumilip nakita nya nasa inodoro si slimy thing. Badtrip lang sobrang tinakot nya ko promise!


Si Khantotantra naka pose kasama ang baso na may lamang The Bar Lemon and Lime at Sprite. Si Fluffy tuwang tuwa na parang bata ang cute cute lang..hehehe *kilig*. Sa sobrang antok at walang tulog maaga akong pumasok sa kwarto, yung iba nagswimming habang umuulan at tinuloy ang inuman hanggang madaling araw.

Kami ni Fluffy ang pinaka maagang nagising at tumambay kami sa labas at nilibot ang lugar. Medyo umaambon, nanganganib hindi matuloy ang inaabangan snorkling. Inantay nalang namin magising ang iba para makapag luto ng agahan

After magsikain ng agahan, kahit malakas ang ulan pinilit naming matuloy ang snorkling kase sayang naman ang pinunta kung hindi matutuloy noh.. parang dumayo lang ako sa malayong lugar para matulog..

Sobrang lakas ng ulan and hangin, nangangatog na kami kaya lumalapit ako kay Khantotantra. Nung una hindi ko getch kung bakit may dalang sopdlink si Khantotantra.

ROAR!! Team Bravo!!


Hindi pa kami lumalangoy nyan pero para kaming basang sisiw sa lakas ng ulan. Hindi pa nauupload yung pektyur namin nung nagsnorkling kami, ihahabol ko nalang sa susunod na entry ko.

Pagkabalik namin sa resort, ligong ligo ako dahil malagkit yung pakiramdam. So dali dali akong nag ayos ng gamit para makapag ready na sa pagligo. Chineck ko muna baka andun uli si slimy thing bago ko isarado yung door. Gamit kong shampoo yung head and shoulder cool menthol (abah nag endorse pa!) na tatlong sache at isa lang nagamit ko, yung isa gagamitin ni fluffy. Segundo lang ata pagitan ng lumabas ako sa CR at pumalit si fluffy kase kelangan namin magmadali sa pagligo at hanggang 12nn lang kami dun. Biglang lumabas si fluffy hinahanap yung shampoo, sabi ko asa tabi lang ng sabon. Pumasok ako sa CR, hala wala nga yung shampoo eh dun ko lang naman iniwan yun, may mumu ata sa CR at biglang nagdisappear ang shampoo.. tsk tsk tsk.. dont tell me slimy thing ninenok mo ang shampoo namin, your so mababaw huh!
Kaasar lang after naming mag impake paalis tsaka lang umaraw.. ka badtrip lang diba!

Stop Over namin sa Hap Chan previous entry ko, nauna pah.. hahahhaa..

Thursday, December 2, 2010

Hap Chan


Netong nakaraang weekend, nakisabit kami ni fluffy sa outing ng Team Bravo. Aktuali, dati ko silang team, 2 years ago bago ako mapromote sa position ko ngayon. Share ko sa susunod mga pinag gagagawa namin sa outing, uunahin ko nalang muna etong pauwi na.
Bago kami bumalik sa Manila galing Laiya, kumalam ang mga sikmura at naisipang umistambay sa Hap Chan. Noon pa ko nacucurious kung ano lasa ng mga pagkain nila. Ang sabi katulad lang ng mga pagkain sa Binondo, pero mainam nadin na personal kong matry.



Unang hinatid ang Nido soup with Quail Egg na good for 12 lang, pero nakiusap kaming gawing good for 13, kase 13 kami. Sila na mismo ang gumawa ng paraan para pagkasyahin sa labing tatlong tao ang soup.


(may nakiki extrang daliri, nagmamaganda hehehe LOL)



Sumunod naman na hinatid ang Hakaw at Sharks Fin, ang paboritong dimsung ng bayan. Hindi kilala ng mga kasama ko si Hakaw, kaya dineadma nila, naku naku naku kung alam lang nila kung gano kasarap yan.



Hindi puwedeng mawala ang chili paste sa lamesa, mas sumasarap ang pagkain kapag maanghang.


Ang boneless chicken na medyo baliktad ang shot ko, gutom na ata ako nung kinuhanan ko ng pekchur etong ulam na to.


Syempre hindi puwedeng mawala ang paboritong Yang Chow, tatlong order sa tatlong lamesa ang inorder ni boombastic.


Beef Brocolli para maiba naman at para may maligaw na gulay, parang kami lang ata ni fluffy kumain ng broccoli parang hindi trip ng ibang kasama namin.



Ako nag suggest ng fish fillet kase ineexpect ko kasing sarap ng sa YingYing, well disappointed ako ng bonggang bongga. Wala sa kalingkingan as in!!.. Hindi sya masarap or siguro dahil nagexpect ako na masarap sya pero hindi na meet ang aking taste!


Sweet and Sour Pork, okay lang naman wala namang kakaiba sa lasa nya. Normal lang naman, walang kabooom kaboooom na lasa.


Birthday Noodle, aktuali may limang pirasong quail egg yan pero hindi na umabot sa pekchur kase naexcite mga kasama ko dinukot na nila.


At ang resibo Php 2,915.00 well mas mura padin sa Binondo.

Monday, November 22, 2010

Bitin na Kwento


Last Saturday, my pinuntahan kami ni fluffy sa Malate. My hinanap lang kami, tapos diretso sa Doroteo Jose. Malamang itatanong nyo kung ano inasikaso namin, sa susunod malalaman nyo din, bibitinin ko muna kayo.


My gusto kase ako ipakita kay fluffy, nagustuhan naman nya yung place, bago lang kase sila 2 yrs palang. Gustong gusto ko talaga yung place, sana maging maayos ang lahat.

Sobrang bitin ba? Sa susunod promise..

Friday, November 12, 2010

First Date sa Starbucks


Nung nasa Eastwood pa kame nagwowork, pinakilala sakin ni Marinela si Gloria Jeans. Nung una kamustahan lang kami ni GJ hanggang sa nabaliw ako sa kanya. Araw araw ko na sya binibisita simula nun, na parang hindi ko kayang tapusin ang buong araw hanggat hindi ko sya nadadaanan bago umuwi ng bahay. Sa sobrang kabaliwan ko sa kanya, dumudukot ako ng buto ng kape sa gilid ng cashier at ikikiskis sa panyo para hanggang nasa byahe naaamoy ko ang halimuyak nya. Kapag wala ng bango ang buto ng kape, isosoli ko kinabukasan. baet ko noh..

2 years ago, napromote kame ni batang bibo mrs romantiko at fluffy sa trabaho. Tinawag naming Thursday group ang bagong pagkakaibigan naming apat. eww corny ba?! Malamang, nagtataka kayo bakit naging apat eh tatlo lang kami napromote, xmpre isingit nadin natin ang aking besplen na si mr. romantiko. Uy, nakangiti si sanchor!

Unang nagkadebelopan si besplen romantiko at si bibong bata, kaya ngayon sya na si mrs. romantiko na besplen ko nadin. Madalas kami kumain ng pizza, hati hati kami sa bayad. at laging lugi ako kase isang slice lang nakakain ko palage! At doon nagstart ang pagiging close namin ni fluffy, dahil sya kumakain ng second slice ng pizza ko. Minsan nag eexperiment kami ng makakain, kahit ano lang basta makapag bonding kaming apat. Aktuali, date date-an ni mr. romantiko at bibong bata yun chaperon kami ni fluffy. LOL

Madalas ng tumatambay si fluffy sa cube ko, parang kabuti na susulpot sa gilid at bigla din mag spirit mode dahil tulog na. Nagkaron pa kami ng shift na sabado na kaming dalawa lang ang tao sa opis nagkukwentuhan, Kuwentuhan lang naman buong gabi hanggang umaga... pero... pero.. hindi pa kami nadedebelop sa isat isa kase taken sya dat time at taken din ako.

After 2 years,... so, nitong taon yun.. lilipat na kami ng opisina at mamimiss namin ng bonggang bongga ang Eastwood kaya ang mga nalalabing araw todo sulit kami. Niyaya ako ni fluffy mag Starbucks, tumanggi ako nagpakipot ako dahil tutyal lang ang umiinom ng kape dun. Inisip ko, mamimiss nya ang Starbucks kaya todo aya sya eh may Starbucks din naman sa Medical City. Nakatatlong aya sya sakin, sabi ko next na aya nya papayag nakong samahan sya makipag date sa kanya..

Sakto, sweldo namin niyaya uli ako ni fluffy na samahan sya makipag date sa Starbucks. Nagmumuni muni pa kami habang naglalakad dahil sinusulit na namin ang view sa Eastwood. Nang makarating sa Starbucks, umorder ako ng chocolate chip frappuccino sabay abot ng bayad. Humirit si fluffy dahil sya nag aya libre nya ko, natuwa naman ako dun kase libre. Nagkwentuhan muna kami nagpa-cute muna sa isat isa habang inaantay ang order namin. Biglang my naaninag kami sa gilid, si mr. and mrs romantiko nakasilip samin. Hala huli kami! Si mr. and mrs romantiko ang unang nagbigay ng malisya sa unang pagtambay ko unang date namin sa starbucks. Sa mga sumunod na araw, nagbago ang kilos ni fluffy, biglang nagkaron ng sweetness sa katawan.

Nakalipat na kami sa bagong opisina, nagsimula ng ayain ako makipag date kumain sa labas ni fluffy pero hindi ko nirereplyan. Pero kapag niyaya nya ko mag Starbucks sa Medical City sumasama ako.. nyahahahaha.. adik lang! Feeling close na kase ako kay Starbucks, naaapreciate ko na ang kanyang halimuyak. Pati si Goldilocks, naging ka close ko din ng di oras, lagi akong binubulaga sa locker ko.

Napapadalas na ang pagtambay namin pero hindi padin nahahalata ng ibang kaopisina. Si mr. and mrs. romantiko tahimik lang,..

Sa Starbucks din ako unang ninakawan ng halik ni fluffy.. not only once, and not twice.. but... aktuali hindi ko mabilang sa dami.. reaction ko.. deadma.. KJ ko lang.. pero kinikilig ang gaga

Galing din kami sa Starbucks ng sinabihan nya ko ng iloveyou.. sinagot ko sya ng iloveyoutoo pero hindi ko pa sya sinasagot sa lagay na yun.. gusto ko lang sabihin para alam nya kung ano din nararamdaman ko pero hindi pa kami.

Kung pano ko sya sinagot,... kami nalang ni fluffy nakakaalam nun.. mambitin daw ba.. hahahha..
Hindi ko na ilalagay dito sa entry ko kase ang title ng blog ko, First Date sa Starbucks... eh hindi ko naman sya sa Starbucks sinagot..

Thursday, November 11, 2010

Starbucks 2011 Planner


Eto na naman at hindi magkanda ugaga ang mga pipol sa paligid ligid dahil out na naman ang Starbucks Planner. Nag start ata nung November 4 kaya kahit saan ako lumingon may humihigop ng kape, malamig o mainit. Kahapon nagtataka ako bakit si mrs romantiko nangongolekta ng order sa Starbucks at syempre dahil nagkukuripot ako kaya hindi ako naki join, inshort KJ ako kahapon. Dahil medyo slowness ang aking mind, ngayon ko lang naalala na adik nga pala sya sa planner. Si mrs romantiko ang naging inspirasyon ko para mag blog ngyon!

17 stickers daw ang kelangan at merong 3 covers ang planner: Cool Clean Stainless Steal, Maroon Velvet Fabric at Stained Dark Wood Panels. Hindi kase ako mahilig sa planner pero dahil sa matulungin ako, nakikijoin ako dati sa pagpuno ng stickers. Ngayon kaya, magiipon nadin ba ako ng stickers para magkaron ako ng sarili kong Starbucks 2011 Planner para maging IN din ako or tutulong nalang ako magkaron ng stickers ang mga friends ko para Christmas gift ko nalang sa kanila. hehehe..

Wednesday, November 3, 2010

Ocean Adventure Subic


Matagal pala kong hindi nakagawa ng entry, paumanhin, medyo naging busy lang.. busy-busyhan.. hehehe..

Kung maaalala nyo pinakilala ko si fluffy sa family ko ng icelebrate ang birthday ko. 1 month na at xmpre icecelebrate naman namin ang aming monthsary.. ayieeeeeeeeee.. *blush*. Kakaiba kami mag celebrate, kung ang iba, gusto nila masolo ang isat isa.. ibahin nyo kami! Gusto namin icelebrate ang first month namin kasama ang mga importanteng tao sa buhay namin, xmpre ang family namin. Ibang level na itech..

Napag desisyonan namin na pumunta ng Ocean Adventure sa Subic. Mababaw lang naman kaligayahan ko eh, basta magbonding bonding lang at ma-enjoy namin ang lakwatsahan. Gusto ko makita ang sea lion at dolphin (parang bata lang talaga).

Hindi ko ineexpect na sobrang layo pala ng pupuntahan namin. Pinaka dulo ng Subic, at dahil hindi kabisado ni fluffy ang lugar ilang beses kami naligaw. Kawawang fluffy napagod kaka drive.


Nakakain na si fluffy nsa Xtremely Xpresso Cafe kaya sinuggest nya na jan kami kumain. Medyo may kalakihan daw ang servings dito.


Eto yung parang counter nila sa harap, maganda ang ambiance Cafe' na parang Bar na may touch ng 70's ang lugar.


Ice Tea ang inorder ni mommy, nanay at Gladys.



Eto naman ang inorder ni Imbet, Blue Lemonade ata tawag dito.
Eto ang inorder namin ni fluffy, Strawberry Lemonade. Nakakacurious, lemonade pero blue, diba dapat yellow or green? wala lang napaisip lang ako.

Menu nila sa counter


Eto ang BIG BEN pizza sakop buong lamesa. Thin and crunchy ang crust and hindi sya dry unlike sa mga ibang naglalakihang pizza, na kinulang ng sauce or kokonti lang ang toppings. Pizza nila malasa and nakakabusog talaga.

Eto ang order ni mommy, Creamy Carbonara. Sabi ni mommy nung una amoy weird daw, siguro dahil sa cheese, pero nasarapan sya. Hindi sya nakaka umay dahil nakadikit sa noodles yung sauce nya. Pang dalawahang tao yung pasta nila kaya kalahati lang nakain ni mommy at tinake out namin yung natira. Pag uwi sa bahay, infairness hindi sya napanis kahit sa tagal ng byahe namin.

Eto ang order ni nanay, nakalimutan ko itanong kung ano lasa pero sa tingin ko masarap sya.

Nakalimutan ko name nitong inorder ko parang seafood pasta at xmpre spicy. Hindi ko din naubos tong pasta dahil pangdalawahan sya. Tinake out din namin ang tira, yung kay mommy hindi napanis, eto napanis pagdating sa bahay... sayang..
Eto ang order ni Gladys, hindi ko din natanong kung ano lasa.


Dito kami pinaka na surprise sa order ni Imbet. Namili sya ng pinaka mahirap bigkasing pangalan ng menu at ang pinaka kakaiba talaga. Excited sila makita kung ano itsura ng food at kung ano ang lasa. Nang ihatid sa table namin ordinaryong meat balls lang pala. hehehe..



Kay Fluffy, baby backribs BBQ. Kasing lasa ng sa RACKS.


After namin kumain, nagmadali na kaming bumalik sa sasakyan dahil 1:45PM na. Ang alam naming start ng show ay 1PM, inshort, late na kami. Nakarating kami sa Ocean Adventure ng 2PM

Naikuha namin ng discount si Gladys, sinabi naming 10 yrs old palang sya kahit 14yrs old na sya. Sayang din yung discount. Adult Php 500 Child Php 420.
Una naming dinaanan ang Souvenir shop. Bumili kami ni mommy ng dalawang malinggit na dolphin para sa kanya at pasalubong ko kay Mrs. Romantiko.

Paglabas namin ng shop, bumungad kagad samin ang napaka gandang view. Sobrang relaxing ng view, sobrang nakaka tanggal pagod at stress.

Medyo may kainitan nga lang dahil tirik na tirik ang araw pero mahangin kaya hindi kami masyado pinagpawisan. Hindi namin maiwasang hindi mapatingin sa view sa sobrang ganda.
Dito kami nag enjoy, ang galing ng trainor ng sea lion dahil napapatawa nila lahat ng audience nila. Sakit sa tyan ang killer smile ng sea lion, sinong hindi mabibighani sa kanya.. hehehe.. Simula ng show hanggang ending, naka smile pati ang mga audience, kudos sa trainor ni simba.


Last na pinanood namin ang mga dolphin, grabe tuwang tuwa din dito ang mommy ko kase noon pa nya gustong makakita ng dolphin sa personal. Parang ako lang mommy ko, isip bata.. hahahaha.. Pero medyo bumabagsak na mata ko dito, eh pano, 24 hours nakong gising dahil galing pa ako ng trabaho.


Sobrang memorable ng first monthsary namin ni fluffy dahil hindi lang kami ang nagenjoy pati ang family nya at ang mommy ko. Sarap mag road trip, sana maulit uli kahit magkandaligaw ligaw basta masaya ang lahat. apir*